Chapter 19

309 13 0
                                    


Chapter 19

"Wag kang mag alala mahal ka non" biglang may nagsalita sa tabi ko

Agad ko naman siyang tiningyan, he was grinning at me while playfully raising his Eyebrows

"Baliw" asik ko

Umupo siya sa tabi ko bago muling nag salita.

"Alam mo kasi kapatid...pag mahal ka ng isang tao, kahit gaano pa kalayo ang distansya niyo. Hindi mag hahanap ng iba yun, sabihin na nating milya-milya ang distansya niyo, pag mahal ka niya. Walang Panama si pareng Distansya" inakbayan niya ako atsaka ginulo ang buhok ko

"Oh siya, ano ba yan ang drama ko naman lakas kong maka pag advice wala naman akong jowa" nag kamot siya ng ulo bago tumayo "Tara na nga sa kusina kumain na tayo" pag katapos ay iniwan na niya ako

Huminga nalang ako ng malalim Bago   mag pasyang sumunod sa kanya sa kusina, nakaupo silang lahat ng pumasok sa kusina. Nahiya tuloy ako dahil ako nalang pala ang hinihintay. Para akong donya!

Its been a month since I left, and it's been also a month since I first meet my mom and her family. Nakilala ko siya at ang mga half siblings ko. Nalaman ko rin galing kay mama na may asawa na pala siya dati at may anak sila na dalawang lalaki, mga kuya ko, but then nag kahiwalay sila nung asawa niya. Nakahanap raw kasi ng iba kaya mag isa niyang tinaguyod sila kuya Nixon at Jaxon mahirap raw ang buhay, hindi sapat ang pera na kinikita niya araw araw sa pag lalako ng mga gulay kaya napag pasyahan niyang mamasokan, yun ang time na. Nameet niya si daddy, and then it happened so fast, doon ako nabuo. Wala dawng namamagitan na pag mamahalan sa kanila, it was all a pure lust.

Well, sa wakas nabigyan na rin ng sagot ang isang katanungan ko.

Why am I not love?

Because i was  made out of lust not of love.

Nung malaman ni mommy na nag bunga ang nangyari sa kanila ni Daddy ay grabe daw ang iyak niya, but she said she didn't regret for bearing me tho. Nag alala lang daw siya dahil mahirap daw ang buhay, hindi niya ako kayang buhayin so she decided to leave me in my father's welfare. Since ama ko naman daw yun.

And after she give birth to me. Umalis na din siya at umuwi na dito sa tahanan nila.

It pains me to know na nakaya niya akong iwan noon, but I clearly understand her. If she brings me with her. Saan na kaya kami pinupulot ngayon?

"Tulala na naman si Augustine" rinig kong sambit ni jeriah, she's four years younger than me, kapatid ko Rin siya anak siya ng bagong asawa ni mommy, medyo may pagka lalaki din kung kumilos, balita ko ay siga daw to sa bilyaran tsaka madalas nasasangkot sa gulo.

"Shh broken hearted yan" sabi naman ni kuya Jaxon.

Wala silang alam sa nangyayari sa akin, pero madalas nila akong inaasar na broken hearted daw dahil napapadalas na ang pag space out ako. Ganon daw kasi yun

Iwan ko, feeling expert ang mga kapatid ko eh.

They are good and cool with me. So far sa one month stay ko dito ay maayos naman ang pakikitungo nila sa akin, they never treat me as a different person. In fact they accepted me for the whole me. They accept me as their sister.

"Nahiya naman ako kay August, may pa broken-broken na. Samantalang ako na kuya niya hindi pa nakaranas ng mag ka jowa" sambit ni kuya Nixon

"Ayan kasi mabagal ang moves, hindi kagaya ko....." Pabitin na sambit ni kuya Jaxon bago ngumisi sa amin "wala Ring jowa hehehe"

Natawa nalang ako ng bahagya. They are always playful. Yan ang nabatyagan ko sa kanila, madalas silang mang asar lalo na pag nasa hapag kainan kami. Sobrang ingay nila, lalo na ang dalawang lalaki sila talaga ang madaldal dito daig pa ang mga bunganga ng babae. Kung di ko lang sila kilala ay mapag kakamalan ko talaga silang bakla.

Chasing That LesbianWhere stories live. Discover now