eleven

696 40 5
                                    

Pasado alas-nueve ay nakalabas na rin ng ospital sila Clay at Cassy. Napagpasiyahan na lang nilang dalawa na bumalik sa hotel pagkatapos mag-almusal. Noong una ay pinilit pa ni Cassy si Clay na ituloy ang scheduled trip nila sa araw na iyon ngunit nag-aalala si Clay sa kaniya kung kaya't hindi ito pumayag at di na rin siya kumontra pa.

"If you want, I can extend our stay so we could go to all the places you want to go. Basta for now, rest, please Cassy."

"Hindi naman sa ganon Clay ano kasi... nanghihinayang lang ako sa ginastos mo." nahihiyang tugon ni Cassy.

"Silly. Don't think about it. Sige para gumaan na yang pakiramdam mo ikaw na lang sa plane tickets and other travel expenses natin."

HAAA?! Plane ticket (4,900x2)+(5,300x2)+land and sea travel is equal to... Wait, pang isang buwan ko nang sweldo halos yun ah. Pagcocompute ni Cassy sa isip.

"Aah.. Ha-ha S-sige, Clay no problem."

"Haha I was just kidding Cassy. Thank-you-trip nga di ba? This is the least I could do for you, you know."

"Haaaay sige na nga." napipilitang tugon ni Cassy sa binata at nagpaalam na para pumunta sa sariling silid.

-----

Magdadalawang oras nang nakahiga si Cassy at bored na bored na siya. Nabisita niya na kasi lahat ng social media account, nakachikahan nya na rin ang mga friends nya and there was nothing left to do. Lunch-time na lang ang hinihintay niya para makalabas na sya sa silid.

Nagtext kasi si Clay sa kaniya kanina at nagpapaalam na bababa muna at susunduin siya mamaya pag lunch-time na. Nagbilin itong maigi na magpahinga si Cassy at huwag lalabas kung hindi importante.

Tumayo sya at tinungo ang maliit na balkunahe ng kwarto upang magpahangin at tanawin ang karagatan. At sa di kalayuan ay napako ang tingin niya sa isang maputing Adonis.

"Baklang tooooh" bulong niya sa sarili habang nanlalaki ng bahagya ang mga mata.

Mula sa kaniyang kinatatayuan ay kitang-kita niya sa hilera ng mga nags-sunbathing si Clay (or not really, dahil may malaking payong) at kitang-kita kung gaano ito kaagaw pansin dahil sa kakisigan sa simpleng sando at shorts nito. Graceful and regal, yan ang naiisip niyang mga salita para idescribe si Clay. Kaya lahat ng napapadaan ay napapatingin sa binata at mukhang hindi naman nito pansin dahil marahil nakapikit habang suot ang shades.

Nang biglang may lumapit dito na babaeng morenang may malaking hinaharap at nahiga sa katabing seat nito. Makikitang sinusubukang makipag-usap ng babae kay Clay.

Hindi nagtagal ay ibinaba ni Clay ang shades at bahagyang sinulyapan ang babae ngunit ibinalik din nito sa pagkakatakip ang shades.

Awee. My Unbothered King. Hahaha wag ka nga jan girl, mas maldita pa sayo yan.

Pinagmasdan niya pa ng ilang minuto at nakita niyang parang hindi nilulubayan ng babae si Clay kaya napagpasyahan niyang tawagan ito sa cellphone.

"Clay..."

"Cas--Love? May problema ba? Are you hungry?" Hindi ipinahalata ni Cassy ang pagkagulat sa ginamit ni Clay na endearment. Marahil upang itaboy ang babae.

"Hindi naman, Love. I'm just bored. Nasan ka?" nilambingan pa ni Cassy ang boses na para bang totoong magjowa sila.

"Just outside the hotel. Aakyat na rin ako jan. 5 minutes, Love."

Sadly, Clay is GayWhere stories live. Discover now