Chapter Thirty- One

4.3K 94 18
                                    

Chapter Thirty-One

"Kamusta ang pagbubuntis mo?"

Lanie snapped as she heard Sister Pristine's voice. Nasa Hermosa siya ngayong araw. Sean wasn't home. May inaasikasong business trip ang asawa niya and he'll be back after a week.

Hinaplos niya ang impis pa niyang tiyan. She having a hard time about her pregnancy. Mayroon gigising siya sa hating gabi para lamang kumain ng bread loaf na sinawsaw sa suka na may ketchup. Aside from that ay ang mga morning sickness niya. But the OB assured her na ayos lang siya and those are normal things happened to pregnant women.

"Regular naman po ang check-up ko. Nakakainom ng mga vitamins at maagang matulog." Sagot niya.

Binaba ni Sister Pristine sa mesa ang baso na may gatas. "Mabuti naman. Inumin mo ang gatas na 'yan. Sariwang gatas ng kalabaw. Mainam sayo para naman magkasustansya ang baby mo."

Nasa opisina siya ni Sister Pristine ngayon. Nababagot kasi siya sa bahay nila kay naisipan niya na dalawin na lamang ito. "Maiba ako. Kamusta naman ang a-anak niyo?"

Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. She was talking about Junior. Nag iwas siya ng tingin. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang makadengue si Junior at nakarecover na ito. He actually with his uncle Kent today. Sinama ni Kent si Junior dahil mamamasyal daw sila.

"O-Okay naman po siya." Hindi niya alam kung paano pa ba siya magsasalita. Natatakot siya na baka habang tumatagal ay mapuno na siya ng kasinungalingan at miski sa babaing nag aruga sa kanya ay wala na siyang masabi pa.

Naramdaman ni Lanie ang kamay nito sa ibabaw ng palad niya. "Kailangan mong harapin ang takot mo, hija. Hindi ka lubos na magiging masaya kung mananatiling lihim ang lahat sayo."

Doon umalpas ang luha niya. "Hindi ko kaya sister."

Bumakas ang simpatya sa mukha nito. "Karapatan ng asawa mo na malaman ang totoo. Dahil kung tatagal pa ito ay baka lalong mahirapan siya na patawarin ka."

Maisip palang Niya yon ay lalong bumibigat ang dibdib niya. Thinking how Sean will despise her shaken her thought and body.

"Hindi ko sila kayang mawala sa akin." Aniya.

"Naiintindihan ko. Alam kong mahal na mahal mo ang batang iyon na parang sarili mong anak. Pero siguro ito na ang tamang oras para itama ang mga mali."

"Ibig niyo bang sabihin ay aminin ko na ngayon kay Sean na hindi siya ang tunay na ama ni Junior?" Nanginginig na tanong niya.

Dahan dahan tumango si Sister Pristine. "Iyon ang dapat, hija. Mabuti pa na kausapin mo ang mga magulang ng asawa mo. Itanong mo saan nga ba talaga nanggaling si Junior. Dahil karapatan pa rin ng bata na makasama niya ang totoo niyang pamilya."

"Pero pamilya niya rin kami." Giit niya.

"Aminin natin, baka sa mga sandaling ito ay hindi pa sumusuko ang mga magulang ng bata sa paghahanap sa kanya." Naisip niya iyon. Pero parang hindi niya kaya. Kinakain siya ng takot niya. Na baka maging dahilan ang lahat ng iyon para mawala sa kanya ang pamilya niya.

"S-Sa Cebu nakuha ng father-in-law ko si junior. Nasa Davao naman kami ni Sean ng mga panahong iyon. Sister matagal na ang lumipas. Nasisiguro ko na baka hindi na nila hinahanap pa si Junior." Giit niya muli.

Makasarili ba siya kung sasabihin niyang hindi na niya gustong mapabalik si Junior sa tunay nitong pamilya? Tatawagin ba siyang walang kwenta at sarili lang ang iniisip kung aaminin niya na ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi niya kayang mawala sa buhay niya?

Hindi naman kailangan siya ang magluwal sa paslit para tawagin siyang ina ng bata. Marahil ay sapat na ang binuhos niyang pagmamahal dito para masabing siya ang ina nito.

Hermosa Señorita's 2: Married in InconvenienceWhere stories live. Discover now