Chapter 4

6 0 0
                                    

"Boring naman nitong Gen. Math magturo." Bulong saakin ni Gidel habang sinusulat ko ang formula na tinuturo ng teacher sa harapan.

"Umayos ka nga!" Pangsisita ko sakaniya. Biglang tumalikod si Gio saamin e nasa likod niya lang kami.

"Saan tayo kakain mamaya?" Napa irap nalang ako habang nagsusulat.

"Gusto ko 'yan tol!" Si Gidel.

"Manahimik muna kayo puwede? Makinig muna kayo oh." Pagsusungit ko.

"Oo na! Boring boring magturo niyan e!" Si Gio at saka humarap na. Buti naman. Malilintikan kami nito once na nahuli kami.

"Uhh yehey! Sa wakas lunch naaaaaa!" Sigaw ni Gio habang nag uunat pa ng kamay.

"Saan tayo ngayon?" Nagpalipat lipat ng tingin saamin si Gidel. Sumimangot lang ako.

"Napaka moody mo naman tol." Inakbayan ako ni Gio sa paglabas namin sa room.

"Che! Sabi pala ni Domirou libre niya ngayon. Nagyaya siyang mag lunch tayo." Wala sa mood na sambit ko.

"Gacosta? Weh? Close kayo?" Curious na tanong ni Gio, naka akbay parin.

"Omygosh! Nagyaya siya bes! Ano pa nga ba. Saan daw?" Tanong rin ni Gidel.

"Oo e. Nakilala ko sa Coffee Shop. Hindi ko alam kung saan tayo mag lulunch, itetext ko nalang siya." Inisa ko nalang sagot ko. Kakatamad kaya magsalita.

"How 'bout his twin?" Tinaasan ako ng kilay ni Gio

"You mean, Jirou?" Pabalik na tanong ko. Pinaalala pa nga.

"Oo."

"HAHAHAHAHAHAHAHA what the fuck." Tumatawa lang si Gidel kaya inirapan ko siya. Gago manahimik ka diyan.

"Utot! Close my ass. Never." Napa ismid ako. Kala niya ang pogi pogi niya! Hmm oo pogi nga suplado naman. Ang sungit sungit pa. Tawagin ba naman akong dumbass!

"Sus." Gio smirked.

"Suso mo!" Pambabara ko sakaniya.

"Wala akong suso, utong lang. Wanna see?" Manyakis amp.

Tinext ko si Domirou kung saan kami maglulunch pero He told me na magkita raw kami sa Navy Base Campus which is sobrang layo dito sa Main.

"Puta! Arat daw sa Navy Base." Inis na sabi ko sakanila.

"Ang layo naman niyan! Ang init init pa oh tinatamad ako." Reklamo ni Gio. Arte amp.

"Edi huwag kang sumama. Easy." Binara ni Gidel.

"Joke lang. 'Di ko kayo iiwan siyempre."

Nilakad namin papuntang Navy Base. Tama namang naka upo si Domirou sa may bench kasama ang isa sa mga tropa niya. Nang mapansin kami ay nagpaalam na rin ang kaibaigan nyang umalis.

"You didn't tell me, kasama niyo pala si Gio?" Takang tanong ni Domirou.

"Bakit? May angal ka?" Pagmamayabang ni Gio. Siniko ko naman siya. "Siyempre joke lang tol!" Nag apir pa ang dalawa na kala mo close ma close na.

"Hindi ko naman talaga kilala 'yan. Nakikisama nalang ako." Bulong saakin ni Gio kaya natawa ako. Akala ko naman close sila.

"Ah nakilala ko lang si Gio sa may library. Ingay niya nga kaya kami napalabas noon." Pag eexplain ni Domirou.

"Oo nga tol!" Napakamot pa ng ulo si Gio.

"So? Saan tayo kakain? Gutom na me hehe." Pagsisingit ni Gidel sa usapan kaya isa isa namin siyang tinitigan.

Someone Like YouWhere stories live. Discover now