Chapter 6

5 0 0
                                    

Kanina pa kami naghihintay ni Kuya rito. Almost 10 fucking minutes na. Text ako nang text kay Gidel pero hindi siya nag rereply. I tried to call her number but she didn't answer it.

"Ano Rei? Baka wala nang balak magpunta mga 'yon. Pinaasa ka lang yata." Kuya Yoji chuckled.

Sobrang irita ko na kanina pa, pinipigilan ko lang. Isa pa nakakahiya rin dito. Kanina pa kami pinag titinginan ng mga students.

"Baka naligaw. Ano bang oras mag i start program Kuya?" Curious na tanong ko. Nakatayo kami rito sa may puno.

"Mga 9. May mga games rin na gaganapin." I checked my phone and it's already 8:30! Kabanas.

Maya maya ay may isang Chrysler 300c na pumasok sa gate. Wala akong idea na sila 'to pero baka sila nga.

"Oh, nandyan na yata sila. Angas, naka chrysler 300c. Sana all."

Gacosta pa ba? Napakayaman niyan bruh.

"Reive! Hello!" Malakas na sigaw ni Gidel at nang gigigil na bumaba sa kotse ni Domirou. She looks happy as usual. Ganda niya today huh.

"Uy Gidel, ikaw pala." Bati ni Kuya Yoji pero sinisilip pa niya kung sinong kasama ni Gidel.

"Kuya Ji! Ang laki ng school mo, hanep harap palang 'to. Pang kompanya na ang dating." Masiglang sabi nito habang nililibot ang paningin sa harapan ng Berk.

"Hindi naman." Pa humble na sagot ni Kuya. Utot.

"Good morning Reive. Are we late? Traffic kasi." Nahihiyang panimula ni Domirou. Sinuri ko ngayon ang outfit niya! Tangina men ang pogi! Kaya napapatingin pa lalo ang mga studyante sakaniya or saamin?

"Woah, ang cool mo pre. Reive boyfriend mo?" Curious na tanong saakin ni Kuya. Nanlaki ang mata ko.

"Luh. Kaibigan ko lang Kuya. SLU rin nag aaral. Domirou meet my cousin, Kuya Yoji meet Domirou." Pagpapakilala ko.

"Uy pre! Yoji nga pala." Nag fist bomb ang dalawa.

"Dominous Rougel Gacosta. You can call me Domirou bro." Pang DLSU pananalita ni Domirou. Hayop, sana all.

"Familiar mukha mo pre. Parang nakita na kitang nagpupunta rito ah."

"What? Ngayon palang ako nakapunta rito bro. Alam ko 'tong school na 'to pero ngayon pa lang ako nakapunta."

"Baka, impostor lang." Natatawang sabi ni Kuya.

Napagpasiyahan naming pumasok na baka raw kasi mag start na agad agad ng wala pang 9.

"Ganda mo ngayon beh! Ayos na ayos huh? Kala mo naman mag huhunting ng fafa." Bulong ni Gidel saakin ngunit rinig ni Domirou kaya natawa siya.

"Gago ka ba? Nakakahiyang losyang losyang kang magpakita rito. Look, ang gaganda ng porma ng mga tao."

"Sabagay."

"You look... great!" Domirou chuckled at my right side. Pinagitnaan kasi nila ako habang naglalakad.

Natawa ako kaya tinulak ko siya ng mahina na ikinatawa rin niya. "What? I didn't do something" inosente na ani nito.

Napatingin ulit ako sa grupo ng mga lalaking kanina pa tumitingin saakin. They were smirking at me or should I say, at us. Problema niyo ba? I shook my head.

Bad news. Ubos ang upuan malapit kina Tita kaya ang nangyari sa likod kami napuwesto though kitang kita naman ang stage mula rito. Nagpaalam ako sakanilang puntahan muna sila Tita para sabihing sa likod nalang ako at sasamahan ko sila. Nakipagsiksikan akong naglakad para lang makapunta kila Tita.

Someone Like YouWhere stories live. Discover now