Capítulo 10

159 109 149
                                    

Chapter ten

Zecharia

It's already 10:00 am at kagigising ko lang. Masyado kong pinuyat ang sarili ko sa kakalaro sa phone ko. Bumangon ako sa aking kama at nagtungo sa banyo upang mag-shower.

Ilang minuto ako nagtagal bago matapos. Nagtungo ako sa closet ko at namili ng mga susuotin ko. May balak ulit akong pumunta sa Hotel dahil wala lang. Ang ganda na kasi roon kaya gusto ko ulit bumalik.

"Madame?" I glanced at the door and heard Aling Gemma's voice.

"Yes? Do you need something?" I asked.

Kinuha ko ang suklay ko at naglagay ng kakaunting powder sa mukha. Masyado ng humahaba ang buhok ko. Paiklian ko kaya 'to?

"Pinapababa na po kayo ni lola Zein. May sasabihin po siya sa inyo," anito.

Kumunot ang noo ko. Si lola? May sasabihin sa akin? Binilisan ko na lamang ang pag-aayos ko at bumaba na upang magtungo sa kusina.

Doon ko lang naramdaman ang gutom nang maamoy ko ang almusal namin. Napaawang ang labi ko nang makita kong kumpletong silang nakaupo sa dinner table. Ako na lang ang kanilang hinihintay.

"Good morning la," bati ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

Umupo ako sa kaniyang tabi sa harapan ni Calil. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na akong kumain.

"Did you fail your sem?" nagulat ako sa tanong ni lola.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang tanungin sa akin iyan. Sa harapan pa talaga mismo nila. Oh my god! Nakakahiya sobra.

"Nasabi na po pala ni Dad sa inyo," mahinang sambit ko.

"Do you have a problem at your school? Tell me, because I know you weren't like that before," sambit niya at bumuntong hininga ako.

"Let's talk about that later, lola. Let's eat first," I uttered seriously.

Tahimik lamang kaming kumain dito hanggang sa matapos. Wala man lang naglakas ng loob magkwento o magdaldal. Parang nakikiramdam lang sila sa amin.

Habang nagliligpit ng mga pinagkainan, napalingon ako kay Calil nang mahuling nakatingin ito sa akin. Nakita kong may pagtataka sa mga mata niya.

"What?" nagtatakang tanong ko.

"May sakit ka ba?" deretsahang tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya at nagtungo sa salamin. Hindi naman ako mukhang matamlay paano naman niya nasabi sa akin iyan?

"Uhm no? I'm fine," wika ko.

Pagkatapos kong maglinis, iniwan ko na siya sa kusina at nagtungo na sa labas ng Mansyon. Doon na lamang ako makikipag-usap kay lola about sa sem ko.

Kaya ko namang mag-isa pumunta roon ngayon kaya hindi ko na kailangan ng kasama. Nagdala na rin ako ng sobrang pera dito.

Pagkarating ko sa Hotel Venezia, nagtungo ako sa room ni lola. Hindi ko na kailangan mag book dahil malaki naman ang suit niya roon. Naglagay muna ako ng password bago ako makapasok. Wala pang katao-tao kaya paniguradong hindi pa nakakapunta rito si lola.

Nag-stay muna ako ng ilang minuto at nagpapalamig sa aircon. Pagkatapos, bumaba ako upang mamasyal sa kabuuan ng hotel. Mamaya ulit ako lalangoy sa dagat 'pag wala ng sikat ng araw.

Sea of Lies (Isla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon