Chapter twenty-six
Zecharia
"Lola!"
Agad akong lumapit sa kaniya nang makita ko siyang nakahiga sa hospital bed. Ako muna ang naunang pumunta dito sa Legazpi kasama si dad. Hindi ako nakapag-paalam ng maayos kila mommy sa sobrang pag-aalala ko kay lola.
"A-Apo?"
Nakikita kong nahihirapan siyang huminga. Sobrang bigat sa dibdib dahil ayoko siyang nakikitang ganoon. Umupo ako sa kaniyang tabi at mahigpit na hinawakan ang kaniyang mga kamay.
Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos noong pag-alis ko. Hindi ko na nagawang bumalik dito dahil sobrang busy ko sa pag-aaral at pagtratrabaho, ni pangangamusta sa kaniya hindi ko na nagawa.
"Sorry lola kung ngayon lang po ako nakabalik. Sorry kung hindi ko po kayo nakakamusta. Nandito na po ako, please get well lola."
Naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko ng mahigpit. Kahit may nakalagay na oxygen sa kaniyang bibig, nakikita ko pa rin ang ngiti sa mga labi niya.
"You have nothing to worry about me, apo. I'm strong. I'm healthy. I will not leave you. Makikita pa kitang magkakapamilya." Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya.
"Fight for us okay? Sobrang daming nagmamahal sa inyo at kasama na po ako roon. I love you so much," nakangiting sambit ko.
Ingat na ingat ko siyang yakapin dahil baka masaktan siya. Naramdaman ko naman ang kaniyang mga kamay na humahaplos sa aking likod.
Ako muna ang tagabantay ngayon sa hospital dahil wala ngayon si dad at kasalukuyang nasa trabaho ito. Hindi ko alam na dito na pala sa Isla ni lola nakatira si daddy at dito na siya nagtratrabaho.
Hindi ko alam kung bakit hindi sinubukan ni daddy na bumalik sa amin. Hinihintay ko lang siyang humingi ng sorry kay mommy at bumalik, pero ilang taon na ang nakalipas hindi na siya naglakas ng loob.
Totoo nga ang sinasabi niya. Wala na siyang nararamdaman kay mom, kaya kahit sa kaming mga anak niya nagawa niya ring iwan. Napapikit ako ng mariin habang iniisip na kasama niya ngayon ang bago niya.
Nagtungo ako canteen ng hospital upang bumili ng makakain. Habang naghihintay, agad na pumasok sa isipan ko si Calil. Hindi ko alam kung alam na ba nila ang nangyari kay lola.
Kinuha ko ang phone ko at naalala na wala pala siyang number sa akin. Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang phone ko ngunit napatigil ako nang mag-vibrate ito. Tinignan ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Calil.
Calil.Romero followed you.
May pumasok bigla sa isip ko. Hindi ko alam ang number niya pero pwede ko siyang icall dito. Binuksan ko ang ig ko at pinindot ang call. Nakailang ring muna bago niya sagutin ito.
"Calil," agad na sambit ko nang sagutin niya. May naririnig pa akong mga ibang boses sa kabilang linya.
"Zecharia? Why did you call? Is there a problem?" sunod-sunod na tanong niya.
YOU ARE READING
Sea of Lies (Isla Series #1)
Teen Fiction[Completed] She likes the Sea. She's as beautiful as the Sea. Her eyes are blue. I always see her here and she told me that the Sea calms her down. I'm so happy when she's with me. My day is completed when I see her. I thought it was nothing, ...