Chapter 12: Portrait

14 2 0
                                    

Chapter 12: Portrait

Richelle's Point Of View

Mamayang hapon na daw ako magsisimula bilang alipin ni Ashton pupuntahan ko na lang daw siya sa Master's office mamaya pagkatapos ng klase namin

Hindi na nga ako nakikinig sa mga guro namin habang nagdidiscuss sila dahil lumilipad yung utak ko sa kung saan

Kung ano ano na lang ang iniisip ko
Hay mababaliw na ako nito

Hindi ko pa muna sinabi sa mga kaibigan ko ang nangyari kahapon kasi ayaw ko sila na mag-alala sakin

"Miss Biñas are you okay?"

Nagbalik ako sa realidad ng tanongin ako ng guro namin

Lahat ng attention nila ay nasakin

"I'm okay ma'am"magalang na sabi ko at nag umpisa niya siya ulit sa pagdidiscuss kaya nakinig na lang ako sa klase niya

Hanggang sa magdismiss na siya

"Richelle bakit hindi ka kanina nakikinig sa guro natin habang nagkaklase siya at kanina ka pa niya tinatawag pero hindi mo siya pinapansin"Sabi ni Mariah pagkalabas namin ng classroom

"Ayos ka lang ba talaga?"dugtong niya

"Oo ayos lang ako"walang ganang sagot ko

"Ahmm guys punta muna akong library ha"paalam ko sa kanila kaya agad naman silang tumango

Pero sa totoo hindi talaga ako pupunta ngayon sa library dahil pupunta ako ngayon sa Master's office dahil baka kanina pa niya ako hinihintay dun

Nag-umpisa na akong maglakad patungong Master's office at nang makarating na ako ay agad kong nakita si Ashton na naka-upo sa swivel chair na seryosong nakatingin sa akin

"Mabuti at nandito ka na"seryosong sabi niya

"May i-uutos nga pala ako sayo" dugtong niya kaya napatingin ako naman sa kaniya

"Bakit?Anong i-uutos mo sakin?" tanong ko

"Ligpitin mo yan......"utos niya habang nakaturo sa mga nakakalat na papel at libro

"At itapon mo na rin sa bodega dahil hindi ko na kailangan ang mga yan"Dugtong niya na agad ko namang sinunod

Pagkatapos kong ligpitin at linisin ang mga kalat ay agad na akong lumabas sa office niya at nagtungong bodega

Nang makarating na ako sa harap ng bodega ay kinuha ko muna ang panyo sa bulsa ko para takpan yung ilong ko para hindi mapasukan ng maraming alikabok

Nang makapasok na ako sa loob ng bodega ay agad ko nang ibinaba ang mga dala kong papel at lumang libro

Aalis na sana ako kaso ng may mapansin akong isang pamilyar na portrait ay napahinto ako sa paglabas

THE SECRET SCHOOL OF VAMPIRES UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon