Chapter 29: Past

6 1 0
                                    

Chapter 29: Past

Key Ann's Point Of View

Kailangan ko nang sabihin sa kanilang dalawa ni richelle and xhanel ang lahat ng mga nalalaman ko

Napatingin sila sa akin na parang naguguluhan dahil sa sinabi ko na magkapatid silang dalawa

"P-paano?"naguguluhang tanong ni richelle at alam kong hindi niya naintindihan yung sinabi ko

"Ito na siguro ang tamang panahon na sabihin ko sa inyo lahat ng mga nalalaman ko..."

"..Ipapaliwanag ko sa inyong dalawa kung paano kayo naging magkapatid"

Mas lalo lang silang naguluhan dahil sa sinabi ko

"A-anong pinagsasabi mo?"tanong ni Xhanel na naguguluhan din

"Ang tunay na pangalan ng eskwelahan na ito dati ay SCHOOL OF VALEDICTORIAN UNIVERSITY at hindi THE SECRET SCHOOL OF VAMPIRES UNIVERSITY..."panimula ko

"..At ang nagmamay-ari ng paaralan na ito dati ay isang napakayamang lalaking nagngangalang RYLE BIÑAS"

"Si Daddy?.." Biglang sabi ni richelle "Si daddy pala ang nagmamay-ari ng paaralan na ito dati?. P-pero paano?"

Pero hindi ko muna sinagot ang kaniyang tanong at ipinatuloy ko na ang aking kwento

"Isang principal si Ma'am Zamora sa school na ito dati at hanggang ngayon at matalik niyang kaibigan si mommy at si tita Laura. Dahil mula pagkabata ay lagi silang magkakasamang tatlo at parang kapatid na nga ang turingan nila sa isa't isa. Pero nasira ang kanilang pagkakaibigan nang magkagusto si Ma'am Zamora at si tita Laura sa iisang lalaki na nag-ngangalang Ryle Biñas ang may-ari ng school na ito dati. Kaya lang walang gusto si Mr. Ryle kay ma'am Zamora at ang kaniyang nagugustuhan ay si tita Laura..."

"..Mas lalong nagalit si Ma'am Zamora kay tita Laura ng malaman niya na in-arrange marriage pala si tita laura ng kaniyang pamilya kay Mr Ryle. Ang may-ari ng paaralan na ito dati at ang nagugustuhan niyang lalaki. Ginawan pa nga ng paraan ni mommy na pagbatiin silang dalawa pero mas nangibabaw ang selos, poot at galit ni ma'am Zamora kay tita Laura kaya hindi niya nagawang patawarin ito at naawa si mommy kay ma'am Zamora dahil nagdadalamhati ito sa sakit ng kaniyang nararamdaman kaya hindi siya iniwan ni mommy kahit saan siya pumunta at kahit anong gawin niya..."

"..Nang malaman ni ma'am Zamora na ikinasal na sila ni tita Laura at ni Mr Ryle ay napag-isipan niyang humingi ng tulong sa kaniyang ina para maghiganti dahil nilamon na ng poot at galit ang kaniyang puso't isipan. Dahil ang ina ni ma'am Zamora ay isang pinakamakapangyarihang mangkukulam na kayang sumpain ang kahit na sinong nilalang o kahit na anong mga bagay-bagay. Kaya humingi ng pabor si ma'am Zamora sa kaniyang ina na kung pwedeng gumawa siya ng paraan kung paano niya masisira ang relasiyon nilang dalawa ni tita Laura and Mr Ryle at ang sabi ng ina ni ma'am Zamora sa kaniya ay 'bakit anak gusto mo ba silang gawing isang bampira at ikulong sa pinagtatrabahuhan mong eskwelahan ngayon?' tanong ng ina ni ma'am Zamora sa kaniya kaya agad namang pumayag si ma'am Zamora sa nais ng kaniyang ina. May ginawang sulat ang kaniyang ina at kapag daw binasa ni ma'am Zamora ito sa loob ng eskwelahan na kaniyang pinagtatrabahuhan ay agad na magiging isang secreto at isinumpa ang paaralan na yun at ang lahat ng mga taong nag-aaral at nagtatrabo doon ay magiging isang bampira at makukulong sila sa paaralan na yun habang buhay at kasama na doon sina tita Laura at Mr Ryle dahil diba sila ang nagmamanage ng paaralan na ito kaya nakulong sila at naging isang bampira din..."

THE SECRET SCHOOL OF VAMPIRES UNIVERSITYWhere stories live. Discover now