11:11 PM
ABKD JM: #Day 7, Do you Miss me??
Galit ka pa ba? Sorry kung makulit ako. Hindi ko sinasadya, gusto ko lang talaga na mapansin mo ako. Hindi ko man lang inisip na meron palang magseselos sa isang tulad ko. Sorry kung dahil sakin nag away kayo ni Dennise. Napaka selfish ko. Sarili ko lang ang iniintindi ko, hindi ko man lang naisip ang ibang tao. Hindi ko inisip ang mararamdaman ni Dennise. Pero masisi mo ba ako na ginagawa ko lang to dahil ninakaw niya ang dapat na sakin. Ninanakaw ka niya sakin Josh. Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko noong oras na iniwan mo ako. Yung oras na kailangan kita. Yung oras na walang wala ako sa sarili. Ikaw yung inaasahan kong darating sa araw na yun eh. Pero wala ka dahil pumunta ka kay Dennise. Leche. Lagi na lang ba akong aasa? Lagi na lang ba akong maghihintay?. Shit. Naiiyak na ako. Ako dapat ang nasa tabi mo ngayon eh. Ako dapat ang palagi mong kasama, pero wala eh iniwan mo ako sa ere. Nagkaroon ka lang ng mga bagong kakilala hindi mo na ako nilalapitan. Ang hirap Josh na panoorin kang masaya. Ang hirap na makitang iba na ang kasama mo. Ang hirap panoorin na ang dati mong kaibigan ay may iba ng nagpapasaya na dapat ako ang gumagawa.
-Abril
✔seen 12:54
YOU ARE READING
Everyday You (ChatSerye)
FanfictionAn epistolary novel/Chatserye about a hot young artist and heartthrob named Josh Madrigal in University of the south who have a creepy and mysterious admirer. An unknown girl who have a weird and annoying personality. Josh Madrigal thought its just...