Chapter 6: A Man's vow

81 5 0
                                    

♤♡♤

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

♤♡♤

Napatingin ako sa aking katawan, at nawawala na ang mga kaliskis ng isda sa aking balat. Tumingala ako at nakita ko na gumaan na ang pakiramdam ni Percy.

"Thank goodness," bulong niya.

"Sirena?" Tanong ko at tumango siya. Ginulo niya ang kanyang buhok na basa at saka tumingin sa akin.

"Kapag hinalikan ka ng isang sirena, magpapalit ang mga anyo ninyo at ang mga alaala mo ay tuluyang mabubura." Paliwanag niya at napahawak ako sa aking labi. Halik ng isang sirena.

Niligtas akong muli ni Percy.

"Salamat," sambit ko at umiwas siya ng tingin. Hindi ko na makita ang kanyang reaksyon. Tumayo na ako saka piniga ang damit ko na basang-basa.

"Kailangan na nating bumalik sa kaharian para makapagpahinga ka na," saad niya at tumayo na rin na basang-basa. Siya na naman ang mapapahamak dahil sa akin.

"S-Sige.." napayuko ako at sumunod sa kanya. Sa paglalakad namin, hindi pa din kami nag-iimikan. Hindi talaga siya palasalita ano? Sasagot lang siya kapag tinanong, tapos kapag may plano, doon lang din siya magsasalita.

Mukhang wala siyang interes na maging kaibigan ko, pero ang tulungan ako ay parang naging resposibilidad niya dahil siya ang nakatagpo sa akin.

Sa daan na aming tinatahak ay biglang hinarang kami ng mga matatangkad na lalaki may hawak na mga armas dahilan para mapatigil kami. Mga Faery Knights.

"Padaanin niyo kami," kalmadong saad ni Percy at yung knight ay mayroong binuong maliit na daan at doon may sumulpot na kabayo at nakasakay dito ang isang elf. Mukhang ito ang kanilang pinuno.

"Nakabalik ka muli, Mahal na prinsipe," saad ng faery knight na mayroong kumikinang na gintong buhok. Kulay dugo ang kanyang mga mata,matutulis din ang dulo ng kanyang tenga at halos kasing puti ng buwan ang balat nito na parang porcelana sa sobrang kinis. Ang pinagkaiba lamang sa amin, ay wala itong mga pakpak.

"Padaanin mo kami, Cassius," mariin na sambit pa din ni Percy pero tinugunan lamang ito ng isang nakakaasar na tawa.

"Binabati ka lamang namin, Prinsipe, sapagkat nakabalik ka muli sa aming mundo," Prinsipe? Ibig sabihin..

Bumaling sa akin ang tingin ni Cassius at saka ngumisi ito.

"Isang tao, nagsama ka pa ng isa pang lapastangang hayop dito sa kaharian ng Winx!" Pahayag niya na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin.

Book 1: Befall of the Crown [EDITING]Where stories live. Discover now