Chapter 18: Night Terrors

30 1 0
                                    

☾•☾

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

☾•☾

ALDOUS.

Napabalikwas ako ng bangon at hinabol ang hininga ko. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, nasaan ako? Hindi sa akin pamilyar ang lugar. Mayroong mga taong dumadaan sa kakaiba ang kanilang mga kasuotan.

"Aldous," napalingon ako at umangkla agad sa aking braso si.. Eudora.

"Eudora? Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya at medyo naguluhan ang kanyang ekspresyon.

"Anong nangyayari sa'yo? Nandito tayo sa Maynila para magbakasyon," sambit niya sa akin. Maynila? Iyon ang pangalan ng lugar na ito. Naglakad na kami, at iilan sa mga dumadaan na mga tao ay pamilyar sa akin.

"Ano ba, Percival! Umayos ka nga," napalingon ako sa babaeng nagsasalita at sa kasama nitong lalaki. Nakatinginan kami at gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Uy, nandito na pala kayo!" Bungad sa amin ni Calista at kumaway naman si Percy. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon.

"Hindi niyo ba naalala?" Biglang saad ko. Lumingon silang lahat sa akin, na mayroong pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Kailangan nating bumalik sa Avalon," sabi ko pero parang mas lalo lang silang naguluhan.

"Avalon? Probinsya ba 'yon?" Tanong ni Eudora. Napaatras ako sa kanila, at mayroong nakabanggang tao sa likuran ko. Napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lady Odette, na nakasuot ng pulang blusa.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," masungit nitong sabi at umalis na agad harapan ko. Lumapit sa akin sina Eudora.

"Aldous, may nararamdaman ka bang masakit? Pwede namang hindi tayo tuloy ngayon mamasyal," nag-aalalang sabi ni Eudora sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Lutuan mo na lang kami ng masarap na hapunan, sis! Paniguradong mawawala yung hilo ni Pareng Aldous," suhestiyon naman ni Calista.

"May pasok pa tayo bukas, mahuhuli ka na naman sa klase ni Maam Odette niyan," sabi naman ni Percy.

"E, sama na tayo please?" Hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari, pero isa lang ang komento ko sa lahat ng 'to, wala na ang himagsikang magaganap sa kaharian ng Avalon.

"Uy, pre." Napaakbay sa akin si Calista nang makita niya ako sa eskwelahan.

"Tapos ka na sa assignment mo? Hindi ko kasi natapos yung akin, pakopya." Napansin ko na sa mundong ito, malayong-malayo ang kanyang ugali sa Avalon, dito, mas malaya siyang nakakagalaw, at walang pinapatunayan na siya ang tunay na reyna ng Solis.

Book 1: Befall of the Crown [EDITING]Where stories live. Discover now