CHAPTER 19

61 23 3
                                    

DREAD

Nagising ako kinabukasan na may ngiti padin sa mga labi. Should I tell Bella na nagkabalikan kami? wait balikan? mayron ba akong babalikan? hindi naman kami noon.

Eh ano kami ngayon? Hayst! ayoko ng problemahin pa iyon. Bahala na sa ngayon gusto ko munang eh enjoy ang saya.

Hindi muna ako naligo dahil nagutom na kaya bumaba ako ng hagdan. Hindi ko na nga natignan ang sarili sa salamin.

Nang pumason ako sa kitchen nandon na si Bella naghahanda ng breakfast.

"Wow. Anong kinain mo at nagluluto ka?"

"Nari I'm already 22 kaya dapat marunong akong mag luto. Eh ikaw marunong ka ba?"
Napayuko nalang ako dahil sa hiya.

"Eh hindi naman kasi kailangan-

"Hindi? alam mo ba ang kasabihan na The best way to make your husband happy is to." Natawa naman ako ng nagiisip ito. "Basta yon na yon dapat marunong ka mag luto. Basta ganon nakalimutan ko yong line."

"Bahala ka nga diyan sa kabaliwan mo." sabi ko at inirapan siya.

"Bahala ka iiwan kadin niyan pag hindi ka marunong mag luto."

"Ano? Wag ka ngang ganyan Bella. Bitter ka lang." sabi ko at inirapan siya pero natatakot na ako baka totoo ang sinasabi ni Bella. Should I learn how to cook?

"Bell?"

"Hmm?"

"Mahirap ba?"

Nagtataka naman siyang lumingin sakin. "Yong alin?" tumahimik ako at yumuko. Gosh ano ba itong pinag iisip ko nakakahiya.

Inirapan ko siya ng humalakhak ito. "Really Nari? ganon ka talaga ka seryuso?"

Hindi ko siya pinansin at kumuha nalang ng ice cream sa fridge.

"Ohmygosh Nari. Don't tell me In Love ka!" Don't tell eh statement nga yong sinabi niya di tanong. Tss.

"Who's this guy?"
Kinabahan ako. Hindi ko alam kong tama bang sabihin ko sa kanya o hindi. Pero pano pag nasaktan na naman ako? ayokong idamay pa sila at mahirapan dahil sakin. Siguro mas mabuting wag mona.

Umiling nalang ako at patuloy na kumakain. Hindi naman ito namilit.

Pagkatapos niyang magluto kumain na kami. Fried chicken, bacon, egg and friend talong lang naman yong niluto niya pero bakit pakiramdam ko masusunog ko yong kitchen pag ako ang mag luto.

"Nari?"

"Hmm?"

"What if mahal mo ang isang tao pero hindi pwede. Mamahalin mo padin ba?"

Napa-isip  ako dahil sa tanong ni Bella. Siguro kong ako padin ang Nari 5 years ago hindi ko siya mamahalin. But I realized wala namang masama pag sarili mo na naman ang iisipin mo.

Tinignan ko si Bella. I can see pain in her eyes. "Hmm." sabi ko na parang nag iisip. "Hindi naman depende sa situation. Minsan may mga bagay na kailangan mong palayain para sumaya siya. May mga sitwasyong mahirap ipaglaban ang isang tao. Alam mo Bell. Ang tanong lang naman don kong mahal ka din niya. If your feelings towards each other are mutual then go. Fight for it. Minsan di nadin masama kong sarili mo naman ang  iisipin mo."

Tinignan ko siya malalim ang iniisip. "May nangyari ba Bell? but I'm not saying na mali hah. It actually depend on the person who's facing it kasi at the end decision mo iyan. No need to ask others."

"Wala naman. I'm just thinking. You know jumping into a conclusion."

"Bakit ano bang nangyari? you two again?" Agad naman itong umiling.

REGRET (L' Fern First Love Series 1)Where stories live. Discover now