CHAPTER 32

51 16 0
                                    

BIG BOSS

Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala na nakilala niya ako. Paano naman nangyari iyon? hindi pa pinalabas ang buo kong pag katao dito tapos ito may nakakilala sa akin.

"Miss Mar gusto niyo bang ihatid ko kayo sa office niyo?"
Na excite naman ako kaya tumango ako at ngumiti.

"Really? yes please."

"Tara po. Sorry pala Miss dahil hindi ka man lang namin na welcome."

"Okay lang po tsaka bumisita ako dito para tumingin hindi bilang owner." Ngumiti naman ito.

"Ang bait mo talaga. Manang mana ka sa mommy mo."
Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya.
Kilala niya yong mama ko? kaibigan ba sila? pero galit naman lahat ng tao kay mama eh.

"Ano po palang trabaho mo dito?" kapagkuwan ay tanong ko dito.

"Matagal  na ako dito. Kami ng asawa ko ay dito na tumira sa loob."

"Huh? pano po ba?"

"Ang pamilya namin ay matagal ng naglilingkod sa pamilya niyo ang totoo nga niyan ako ang nag bantay kay Melinda hanggang sa lumaki ito." nanlaki naman ang mga mata ko. "Nong nagsimula palang itong business ng lolo mo andito na kami. Binili nila ang maliit na lupa namin na andito na ngayon pero malaki ang pasalamat namin sa lolo mo dahil kahit nga na pwede na niya kaming paalisin pinayagan niya kaming dito na tumira at hindi tinangal ang bahay namin sa loob kaya sabi ng nanay ko noon maglilingkod kami sa pamilya niyo ng buong puso. Sobrang laki ng pasalamat at utang na loob namin sa pamilya niyo. Kahit nga ngayon na dapat di naman kailangan binibigyan padin kami ng sweldo kaya yong asawa ko dito nadin nagt-trabaho. Tsaka mga anak ko nakapag tapos at nag t-trabaho sila dito ngayon." kitang kita ko ang kislap ng kasiyahan sa mga mata ng matandang nasa harap ko ngayon.

"Thank you for being loyal to our family po."

"Alam mo ng makita kita kanina hindi ako nagkamaling anak ka nga ni Melinda. Kamukha mo yong mommy mo ng kabataan pa niya. Sobrang gandang bata. Nong bata ka ako din nagbabantay sa inyo." nagulat naman ako ng mapagtantong tama nga ang nasa isip ko ngayon.

"Yeye Zuray?" Ngumiti naman ito at tumango. Sa sobrang saya ko ay napayakap naman ako sa kanya. Naalala ko na siya. Pero hindi naman ganon ka dami pero napakabait niya. Naalala ko na may nabasag akong vase noon ng auntie ko pero inako iyon ni Yeye Guray kahit ako naman talaga ang may kasalanan. Tapos pinaalis siya sa bahay.

Nang kumalas ako sa yakap niya naiiyak akong humingi ng tawad."Yeye I'm sorry hindi ko sinasadya."

"Ano ka bang bata ka matagal na iyon at hindi mo iyon kasalanan. Tsaka binigyan naman ako ni Melinda ng trabaho dito at pinakiusapan na lang alam mo naman ang Auntie mo."

Naiiyak naman akong tumango yong iba nakatingin na sa amin pero wala akong pakialam. Sobrang saya ko makita ulit si Yeye.

"Ito yong office mo." tumango naman ako at nakangiting tinignan ang labas.

"Teka dito ka muna kukunin ko lang ang susi sa labas." tumango lang ako at nag libot libot.

Malaki ang office may dalawang mukhang opisina din ng nakakataas before me.

Dali dali akong lumabas ng maalala si Ruther. Naku bakit ko ba nakalimutan ang lalaking iyon.

Nakasalubong ko si Yeye Zuray. "Ye please open mo nalang may puntahan kolang yong kasama ko sa baba. Papuntahin mo yong manager at  dalawang babae na naka assigned sa malapit sa Punong. Hindi ko kilala pero yong buhok straight na hanggang balikat at yong isa may kolorete sa mukha na parang clown tsaka yong receptionist na Jessa." naiiling naman si Yeye na mukhang alam na din kong anong ibig kong sabihin.

REGRET (L' Fern First Love Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя