STHP 2 (PROLOGUE)

8.7K 47 14
                                    

PROLOGUE

DEMIE'S POV

"Ano ba ang course na kukunin mo?" Tanong ni Lloyd.

Hindi ko alam kung magpapari ako, pero yun yung gusto kong kunin ngunit ayaw ng magulang ko kaya naman criminology na lang ang kukunin ko.

"Baka nagtetake muna ako ng criminology pre." Sabi ko at ipinagpatuloy ang paglalakad papasok sa isang unibersidad dito sa Malolos, Bulacan.

Sumunod naman agad ito sakin pagkatapos marinig ang nais ko.

"Pareho pala tayo eh, pero diba pagpapari ang balak mo sabi mo sakin bago tayo gumraduate?" Takang tanong nito.

"Eh ayaw ng magulang ko pre alam mo naman na masunurin ako sa magulang."

"Ganon ba, pero okay narin yun atleast kasama kita hahaha, alam mo ba ang dahilan ko bakit criminology ang kukunin ko?" Tanong niya at umupo sa katapat ng room na page-examin namin.

"Eh bakit nga ba? Pero alam ko na isasagot mo pre huhulaan ko kalokohan nanaman to." Sabi ko at umiling-iling.

"Ahm? Ewan ko kung kalokohan to eh pero para sakin katotohanan, kasi alam ko naman mahina ako sa math pero magaling ako magkabisa lalo na pag tungkol sa batas, gusto nga ng magulang ko mag lawyer ako pero alam mo naman hindi ako marunong magsinungaling pero balak ko mag prosecutor after ko magtake ng criminology."

"Ah ganon ba, buti pa ikaw alam na ang gusto sa buhay palibhasa kasi may jowa ka hahaha, ako eh ang gusto ko lang pag nakatapos nako ay makatulong nako sa magulang ko alam mo naman middle class lang kami hindi katulad mo na kahit hindi mag-aral eh mabubuhay padin."

"Mag jowa kana rin kasi pre para naman maramdaman ang nararamdaman ko ngayon nagsisikap ako para may mapatunayan ako sa pamilya ng girlfriend ko at para may mabuhay ko sila na galing sa sarili kong bulsa hindi ko kailangan humingi sa magulang ko ng pambili ng diaper at gatas ng magiging baby namin ni Lalaine."

"Basta ako ninong hahaha! Susuportahan ko kayo, wala pa kasi sa isip ko ang makipag relasyon, okay na sakin nakakaraos ng hindi gumagamit ng babae."

Naputol lamang ang usapan namin nang dumating ang magbabantay samin.

"Maaari na kayong pumasok, tatawagin ko kayo sa pangalan niyo at ibibigay niyo ang form niyo sakin pagkatapos ay uupo kayo sa upuan na nakalaan para sainyo." Sabi nito at pumasok na sa loob.

Tumayo naman ang lahat ng naghihintay at bumuo kami ng isang linya lang dahil mahaba naman ang corridor.

"Pare kinakabahan ako feeling matatae ako." Bulong ni Lloyd sakin.

"Easy ka lang bro, alam kong papasa ka ikaw pa ba eh ikaw ang source namin sa mga examination."

"Nga pala nasaan si trops?" Takang tanong ni Lloyd.

"Ewan ko eh baka sinamahan ang kapatid mag enroll first year palang ata non sa highschool eh."

"Haha bahala siya sana umabot siya."

"Lloyd Heri number 36."

"Demie Hernandez number 37."

Umupo naman na kami sa sinabi number.

Natawag na ang pangalan ni King ngunit wala pa din siya.

Binigay naman na ang answer sheet at ang libro kung saan nandon ang mga tanong.

"Pwede na kayong magsagot."

"Wait! Sandali lang po." Sigaw ng kakapasok lang na si King.

As usual laging late ang kumag.

"Okay Mister dun ka sa bakante marahil ay sayo yun."

Mabuti nalang at nasa di kalayuan ang upuan niya.

"Pre bat nahuli ka?" Tanong ko.

"Eh kasi yung kapatid ko di alam pano mag enroll kaya sinamahan ko muna."

"Eh saan ba siya nag enroll?" Tanong ko ulit.

"Malapit lang din sa school natin pre."

"Ganon ba." Sabi ko nalang at nag umpisa nang magsagot.

After 2 hours ay natapos na kami.

"Bilisan natin pare sunduin muna natin ang kapatid dun sa waiting area sabay-sabay tayong kakain sa McDo." Sabi ni King palibhasa mayaman eh for sure libre niya nanaman.

"Yownnn! Libre nanaman ni pareng King ang hari ng McDo pambato."

"Ulol! Dika kasama sa ililibre ko si pareng Demie lang ikaw mas madami kapang pera saakin tapos iisahan mo pa ako!"

Naiiling nalang ako sana all mayaman.

Ilang saglit pa ay nakita nanamin ang kapatid niya masasabi kong para sa isang first year ang tangkad niya at masasabi kong mature na ang katawan niya.

"Pare kapatid mo yan?" Manghang tanong ni Lloyd.

"Oo pre, tutusukin ko yang mata mo pag pinagpatuloy mo ang pagtitig sa kapatid ko maghunos dili ka pre 14 y/o palang yan nasa lahi namin pagiging matangkad at magandang lahi."

Natawa naman ang kapatid nito.

"Pangalan lang hihingin ang damot mo atsaka meron akong girlfriend no hindi rin ako napatol sa bata pa sakin pero baka hetong si pareng Demie eh magbabalak kaya ipakilala mo na sa kapatid mo safe siya diyan alam nating pareho hahaha!" Pagbibiro nito sakin.

"Ano ka makasuhan pako ng child abuse 20 y/o nako baliw to."

"Pero pre age doesn't matter pakilala kita sa kapatid ko tara."

"Kita ko pag kay Demie okay lang pag saakin hindi, may favoritism din pala sa kaibigan ano palang role ko dito hayup."

"Ikaw kasi masama ang budhi mo eh si Demie malaki tiwala ko dito." Sabi niya at hinila nako papunta sa kapatid niyang kanina pa ata naghihintay.

"Hoy kapatid halika dito!" Sigaw neto mabilis naman siyang lumapit samin.

"Pakilala kita sa kaibigan ko siya si Demie yung isang mukhang unggoy si Lloyd mabait itong si Demie pag wala ako siya sasama sayo yung isa mabait din yan kaso walanghiya kaya kay Demie ka lang lalapit okay?"

"Okay po kuya, Hello po kuya Demie at kuya Lloyd ako po si Errie, Errie Lopez." Nakangiting sabi nito at naglahad ng kamay sakin nakipag shake hands naman ako dito at lalahad sana ito kay load ngunit tinampal ni King ang kamay ng kaniyang kapatid.

"Ang sama mo talaga sakin King sinisira mo ako sa kapatid mo hindu ko naman popormahan yan eh."

"Ayoko madumihan ang kamay ng kapatid ko ilang babae naba ang nahawakan mo kung dimo pa nakilala si Lalaine."

Ngumuso naman si Lloyd pagkatapos ay ngumisi.

"Hindi ko mabilang tol napakadami na nga haha."

"Oh tamo, mukha ka kasing tamod na tigang kaya wag mo hahawakan kapatid ko. Tara na nga at nagugutom nako."

Sabi nito at hinila na ang kapatid, sumunod naman kami ni Lloyd sakanila.

**

Please vote and comment thank you.

JAVSSV

Seducing The Hot Priest 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon