Chapter 27: Farewell Boat

778 39 5
                                    

Chapter 27:
Farewell Boat

-Aztare Khrys Avellar-

-:-

Hindi namin alam kung ligtas na ba talaga kami, hindi namin alam kung sinusundan kami ng mga pesteng zombies pero kailangan naming tapusin ito. Tatapusin na namin ang plano na aming nasimulan.

Patuloy lang ang pagdaosdos pababa ng aming sinasakyan na van habang nakasunod naman sa likuran sina Papa at ang kaniyang buddy gamit ang kanilang Hummer vehicle.

Halos magkahalong saya at takot ang aking nararamdaman habang nakatitig sa aking mga kasamahan, makakaya namin ito ng walang malalagas muli ni isa pa. We are still alive because we have a mission and to survive is the key to let our mission to be completed.

Maya-maya ay isang malakas na kalabog ang narinig namin na nagmula sa bubong ng van at sunod-sunod na ang mga pagtalon sa itaas. Ang mas nagpapagulat pa ng husto sa amin ay ang isang cureanz na tumalon sa windshield na sanhi ng pagkabasag nito.

Hindi pa nga ako nakakamove-on sa nangyari at heto na naman? Shuta! I need to take some rest mga putragis na zombie! Pagbigyan niyo naman ako!

"Find any object for protection! Lumayo na kayo kaagad sa bintana!" napasigaw ng wala sa oras si Delvon habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

Si Gasper naman ay nilalabanan ang isang cureanz na pilit pumasok sa harapan. Iyong bubong naman ay halos magigiba na dahil sa walang hinto na pagatake ng mga cureanz.

"Dito ka lang sa likod ko Khrys, I can sacrifice my life again for you. For our future..." napatingin ito sa aking tiyan na ipinagtataka ko.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo Mr. Vernan?!" napahampas ako sa kaniyang braso. "Walang magsasakripsiyo!"

May mga patak ng luha na ang tumutulo sa aking mata, bakit ba kasi palaging may nagsasakripisyo? Hindi ba nila alam na nasasaktan din kami sa mga ginagawa nila? We can find ways to be save and sacrificing is not the first option. Potek na ehemplo ng mga napapanood sa anime!

"They are more aggressive, parang mas lumaki at lumakas sila!" hindi ko alam kung saan nakuha ni Samantha ang arnis stick na hinahawakan niya ngayon. Dali-dali rin akong naghanap ng maaari kong magagamit.

Sila ni papa na nasalikuran ay tumutulong rin sa amin para puksain ang mga kalaban gamit ang mga baril nila. At sa mga oras na ito ay nasira rin ang mga bintana na dahilan para may makapasok sa loob.

"Hawakan mo muna ang baby." ibinigay ni Titus si Baby Lucky kay Alice at mabilis na sinalubong ng suntok ang cureanz na iyon gamit ang kaniyang bionic arm.

Iyong iba naman ay pinagtutulungan namin na hindi makapasok sa bintana, si Jez ang nasa harapan na walang takot saluhin ang mga atake habang ako ay gumamit ng sapatos para may panghampas lamang. Che!

"Guys! Ang bubong mukhang masisira na rin nila! Potek!" mas lalo kaming kinabahan sa sigaw ni Alice.

"Mr. President, dito ka lang. We are hear to protect you!" malakas na sambit ng kaniyang mga body guards.

"No, not me. Protect everyone! I am not only the one here, we are one so do your best! Walang malalagas sa atin!" utos ng presidente.

Bago pa tuluyang masira ang bubong ay may sunod-sunod na putok kaming narinig. Tiningnan ko kung sila ni papa iyon pero imposible naman dahil nasa likuran sila habang ang putok ay nanggaling sa gilid ng van.

Patuloy pa rin ang putukan habang minamasdan namin ang unti-unting pagkaubos ng mga cureanz na nahuhulog na lamang sa aming sinasakyang van.

"Doon! 'Yong nakasakay sa motor na nakahelmet!" turo ko sa mga lalaking nakajacket na itim at may mga hawak na rifle.

The Last Survival EscapeWhere stories live. Discover now