Chapter 18

2K 70 15
                                    

Chapter 18

One week staying with the Tan is happiness. Tita Aimee treated me like her own daughter, as tito Jonathan. Joshmer, we go to school and home together and study. 

My brother, Harris, always asks me if I'm good but my parents never ask me. But that's okay, I'm trying to regain myself now. I'm striving for my studies so I can help them in the future, even if they disown me. 

"Hindi ba kayo sasama mamaya? Inom?" Tanong ni Desiree sa amin. Nandito kami ngayon sa mini john hay ng campus. Walang masyadong students at napakarefreshing dito. 

"Gonna review." Tipid na sagot ni Joshmer. Umirap si Desiree dahil don kaya bahagya akong natawa. 

"Two weeks pa naman before the finals!" Singit ni Tascia. Bahagya tuloy akong nakonsensiya dahil baka miss na nila sa galaan si Joshmer, hindi na kasi sumasama sakanila si Joshmer since nakatira ako sakanila. 

"Oo nga dude. Tiyaka university week naman next week." Tofer said. 

"Kahit naman university week next week may pasok pa rin." Joshmer answered. "Kailan ba?" Mukhang nakukulitan na rin siguro sa mga kaibigan niya. 

"Sa Saturday!" Masayang sambit ni Desiree. "Dianna, you'll join us huh?" Tipid akong ngumiti. I'm not an alcoholic person. 

"Tingnan ko." Kaagad bumusangot ang mukha ni Desiree sa sinabi ko. 

"No. You'll join us. Tiyaka sa bahay nina Alvarez." Banggit niya sa apilido ng kaklase namin. "Birthday niya!" 

Nang pauwi na kami ni Joshmer, habang nasa sasakyan kami ay tinanong niya ako tungkol sa inuman na gaganapin sa Sabado. 

"It's okay with me. Ikaw? Tiyaka baka miss ka na rin kasama nina Tofer. Lagi nalang ako ang kasama mo." I chuckled. "Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? Hanggang bahay makikita mo ako." I joked. 

"Why would I? You're beautiful." Namula kaagad ako sa sinabi niya. 

Joshmer is always praising me about my looks, my passion, talents and all. He's always reminding me how worth it I am. 

And for the first time, I felt alive. 

Pagkauwi namin ay nagshower muna ako at nagpalit ng damit na pambahay. Sweater and shorts lang ang suot ko, mamaya pa kasi ang uwi nina tita dahil nasa kumpanya palang ito. Bumaba na rin ako sa sala para makapag-aral na kami ni Joshmer. 

Joshmer is great! I swear, kapag sa prof ang hirap intindihin but Joshmer always look a way for me to understand it. 

Nakaupo lang kami ngayon sa sahig habang nasa coffee table ang mga gamit namin. Sumandal ako sa sofa na nasa likuran ko nang magkaroon kami ng study break. 

"Why don't you have a girlfriend?" I asked. Bahagya siyang nagulat sa tanong ko, nakita ko sa reaksiyon niya but he still maintains his posture. 

"I think she's not ready yet." Napanguso ako sa sagot niya, bahagyang nakaramdam ng selos sa babaeng tinutukoy niya. 

"Did she tell you that?" Kasi kung ako sa babae, I'll grab the chance to be his girlfriend. 

This guy beside me is a blessing that keeps me at my peace. 

"Nope. She didn't." Bahagyang napataas ang isa kong kilay dahil sa pagtatanong. "I just feel that she's not ready for it." Tumango-tango ako sa sinabi niya. 

"And she will be blessed to have you." Bigla tuloy akong napaisip kung magkagirlfriend kaya siya? May magbabago ba sa amin? 

Of course! Lalo na at maraming tao ang mababa ang pag-unawa na porket magkaibigan ang dalawang magkaiba ang kasarian ay magjowa na agad. 

Lost In A Cold City [Baguio Series #2]Where stories live. Discover now