Chapter 25

2.2K 80 17
                                    

Chapter 25

Nakasurvive ako sa isang academic year. Pati na rin sa short term. Kakatapos lang namin mag enroll para sa panibagong academic year. Second year na sa accountancy! I survived.

Nandito kami ngayon ni Joshmer sa Mang Inasal, kakatapos lang ng enrollment kaya dito na kami dumeretso. Miss na niya raw kasi ang chicken oil, well, miss ko rin naman.

Nag scroll muna ako sa cellphone ko habang naghihintay kay Josh, siya kasi ang nag-order sa amin. Nakapila pa siya.

Sa kalagitnaan ng pag-scroll ko ay nakakita ako ng shared post ng isang friend ko. Well, she's not familiar to me. Suicidal ang shinare niyang post.

I don't know what's with me but I immediately pressed the comment button so I can leave a comment.

Dianna Farrah Pascua: Hi. I know we're not close but you can freely send me a message if you're having a hard time now! Suicide is not always the answer. You are loveable. Waiting for your message :))

Isn't it ironic on how a suicidal person tells someone who is suicidal too that suicide is not the answer?

Because we also wanted to live but life itself hated us so much that we are bombarded with problems that lead us to suicidal thoughts.

And yes, we're fighting our demons inside our head by ourselves with the help of God. Hopefully, we're better now.

Nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko nang naupo na si Joshmer sa harapan ko sabay lapag ng isang tray kaagad akong ngumiti at natakam!

"Hindi naman halatang excited kang kumain ah?" Asar niya sa akin nang kinuha ko na agad yung order ko, lagi kasi siya ang nag-aalis sa tray tapos nag-aayos pero ngayon ako na kumuha.

"Miss ko lang." Sagot ko agad sakaniya tiyaka sinabawan ng chicken oil ang kanin ko. Si Joshmer naman ang naglagay ng sawsawan kaya busy lang ako sa chicken oil.

"Sasabihin ko sana sana all miss kaso ayokong mamiss mo ako." Napatigil ako sa paglalagay dahil sa sinabi niya.

"Huh? Bakit naman? Ayaw mo ba na miss kita?" Mag four months na kami sa August twenty seven.

"Gusto pero kung mamimiss mo ako diba malayo ako sa'yo?" He asked pero hindi ko pa rin magets ang logic niya, maybe I'm hungry. Tinaasan ko lang siya ng kilay para ipahiwatig na hindi ko gets kung anong sinasabi niya. "It means I'm miles away from you. And I don't want that."

Sabagay, may point siya ron. Para mamiss ko siya malayo siya sa akin. Kaya naman na pero iba pa rin kapag nasa tabi ko siya.

"I know you're a brave woman now. You can handle yourself even if I'm away." He chuckled. "But I don't think I can. I am soft when it comes to you."

"You're always soft like your father and sweet as your mom." Josh simply is a perfect combination.

"Sa'yo lang." He licked his lips when he said that.

Day passes by. Two weeks lang naman ang break namin simula nung short term. Tapos ngayon, pasukan na namin. Nakabili na rin kami ng school supplies ni Josh pagkatapos namin mag Mang Inasal, last week after enrollment.

As expected, hindi kami magka block ni Josh. Block eight ako and he of course stay in block one. Ayos na rin iyon, masyado na kaming spoil sa mukha nang isa't-isa.

Wala naman masyadong nangyari sa unang linggo. School, bahay at minsan kumakain lang sa labas ang lagi namin ginagawa ni Joshmer. Well, mukhang kakaiba ngayong araw na ito.

Naglalakad na ako sa lobby nang marinig ang Angelus kaya kaagad kaming huminto. Alas dose na pala. Lahat ng estudyante pati na rin ang mga school staff syempre nakahinto para magbigay respeto sa prayer.

Lost In A Cold City [Baguio Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon