Chapter 5: Peace Offering

307 13 0
                                    

Chapter 5: Peace Offering

SINUBUKAN ni Davina na itulak ang lalaking kaharap dahil pakiramdam niya nasisikipan siya kahit na nga ba hindi naman masyadong malapit ang katawan ng binata sa kanya. Sabayan pa ng mabilis na pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa kanya ang binata. Pero hindi man lang natinag ang lalaki sa kinatatayuan nito.

"You deserve that because you slap her." madiing sabi ni Chriz sa babaeng kaharap.

"No, I don't deserve that. Pwede niya naman akong kausapin ng maayos pero pinagsalitaan niya ako ng masama. Masakit iyong ginagawa niyo sa aking pang-iinsulto. Hindi ko naman sinasadya na matapon sa babaeng iyon ang iced tea, aksidente iyon pero kung makainsulto kayo sa akin parang kilala niyo ako. Sa isang pagkakamali ko lang ay ininsulto niyo na agad ako." nasasaktang sabi ni Davina sa lalaki.

Napaiwas ng tingin si Chriz ng makita ang sakit sa mga abong mata ng dalaga. Alam naman niyang hindi sinasadya ng dalaga na matabig ang inumin kay Aryanna at nadala lang ang babaeng kaharap niya sa emosyon nito sa paghuhusga ni Aryanna kaya ito nasampal ng dalaga.

"I'm sorry..." nakokonsensyang sabi ni Chriz sa babaeng kaharap.

"Wala nang magagawa ang sorry mo dahil wala na akong trabaho." sabi ni Davina at buong lakas niyang tinulak ang lalaking kaharap dahilan para makawala siya sa pagkakakulong niya sa bawat pagitan ng braso ng binata at pinagpatuloy ang pag-akyat ng hagdan.

*****

"SAAN ka galing? Akala ko nakasunod ka lang sa akin," sabi ni Cyrille pagpasok ni Davina sa classroom at naupo sa silya nito na katabi ni Cyrille.

"May bumangga sa akin kanina sa hagdan at muntik na akong mahulog." sabi ni Davina sa kaibigan.

"Okay ka lang ba? Saan ang masakit sa'yo? Dalhin kita sa hospital para mapacheck-up ka." nag-aalalang sabi ni Cyrille na ikinangiti ni Davina ng makita ang pag-aalala sa mukha nito.

"Okay lang ako. Nasalo naman ako ng lalaki kaya lang naiinis ako dahil ang lalaking iyon ang kasama ng babaeng customer kahapon na grabe kong makainsulto sa akin dahilan para masampal ko siya at mawalan ako ng trabaho." malungkot na sabi ni Davina ng maalala na wala na siyang trabaho at hindi niya alam kung saan na naman siya kukuha ng panggastos niya kapag naubos na ang pera niya mula sa huling sahod niya.

"Tutulungan kitang makahanap ng bagong trabaho. Hayaan mo na lang kasi akong supportahan kayo--" hindi naituloy ni Cyrille ang sasabihin niya ng magsalita si Davina.

"Hindi na, pwede naman akong maghanap ng bagong trabaho. Hindi mo kami responsibilidad ni Draven. Okay na ako doon sa tutulungan mo akong maghanap ng bagong trabaho." nakangiting sabi ni Davina na ikinatango ni Cyrille.

*****

Cafeteria, AMS

Hours Later...

"HOY, Davina! Anong nangyari sa'yo? Kanina ka pa namin kausap pero tulala ka diyan." sabi ni Frida at hinampas sa braso si Davina na ikinabalik ng dalaga sa reyalidad mula sa malalim na pag-iisip kung saan siya makakahanap ng bagong trabaho.

Kanina pa kinakausap nila Frida at Cyrille si Davina pero wala itong imik na nakatingin sa pasta na pagkain nito at kanina pa pinapaikot ang noodle pasta sa tinidor nito.

"Huh?" wala sa sariling sabi ni Davina at sinubo ang pasta na nasa tinidor niya.

"Aist, Sis, tinatanong kita kung kamusta na ang junakis mo pero nasa ibang dimensyon pala ang utak mo at tulala kang nakatingin sa pagkain mo na kulang na lang ay pakasalan mo iyang pasta sa sobrang pagtitig mo!" inis na sabi ni Frida at uminon sa juice niya dahil pakiramdam niya ay naubusan na siya ng laway sa kakasalita pero hindi pala nakikinig ang kausap niyang si Davina.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now