CHAPTER EIGHT

381 20 0
                                    

XOCHITL'S POV

Kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll sa site ng council.

Nang biglang may nag message sa akin na anonymous number.

Binuksan ko ang text at hindi ko alam kung kanino galing dahil hindi naman nakasave ang number nato sa phone ko.

Pero ilang sandali pa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagreply sa number na iyon.

:Hi!

{Who are you}

:I'm Xochitl, you?

Hindi ko alam pero binigay ko agad ang name ko, kahit hindi ko naman ugaling gawin yun.

{Anong kailangan mo?}

:Ikaw, gusto kitang katext.

Hindi ko rin ugaling mamilit ng ayaw.

{Wala akong load palagi.}

:Then, I'll load you. Basta you'll be my textmate.

{Fine. I'm Katherine.}

Katherine beautiful name. I know maganda din siya.

Pero bakit nagkakaganito ako sa kaniya gayong hindi ko pa naman siya nakikita.

___

COREEN'S POV

'Sorry G. Pero kailangan kong gawin yun. Para malay mo maalala ka niya.'

Sa isip ko habang tinitingan si Aika na busing busy na ngayon sa cellphone niya.

Himalang hindi siya nagtanong, HAHA mukhang alam niya ng ako ang nagtext ng pauna kay Yuan.

"Aika, kailangan na nating pagplanuhan kung ano ang gagawin. Dahil sa susunod na Friday na ito." ani ko na pinipigilan ang pagngisi.

Napabuntong-hininga naman siya bago nagsalita.

"Oké laten we beginnen. (Okay, let's begin.)"

___

ATHENA'S POV

Kagaya ng napag-usapan aalamin namin ang misteryo sa likod ng pagkatao ni Aika.

Kaya nandito ako ngayon sa Hideout at naghahanap ng kaniyang pinagmulan.

Pero halos tatlong oras na ako nakaupo sa harap ng computer ay wala pa rin akong mahanap na kahit ano.

"Suko naku? Wala talaga. As in Kahit ano wala talaga. Maghanap nalang tayo sa mga gamit niya." ani ko na itinaas pa ang kamay.

'Tss. Napapagod naku, kakatype at kakahanap sa mga sites, pero wala parin. Kahit sa black site ay napadpad na ako, pero wala talaga siyang info.'

"Nagbabase ako sa mga kilos niya. At masasabi kong magkakilala nga sila ni Coreen." sabat ni Loraine.

Napabuntong-hininga naman si Giselle.

"Yun lang ang alam natin at wala ng iba. Kailangan pa natin ng mas maraming clue."

"Enough Topic muna kay Aika... By the way, hindi pa din ba papasok si Glaiza?" pag-iiba ni Farah.

Napakibit balikat nalang ako.

"Wala naman siyang sinabi." sagot naman ni Giselle.

"Marami nang nagbago sa kaniya simula ng bumalik siya." rinig kong bumuntong-hininga si Loraine.

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon