Chapter Ten

1.2K 26 0
                                    

NAPATINGIN ANG LAHAT ng Planners na kanina pa nagsasagutan sa isa't isa ng magbukas ang pinto ng meeting hall nila.

"Looks like nandito na ang subject of the day natin." Nakangising wika ni Luciana habang nakatingin kay Zairene na kakapasok lang ng hall.

Agad namang nilapitan ni Thalia ang anak at mabilis na hinawakan sa pulsuhan nito.

"What the hell are you doing here Zairene?! Bakit hinayaan ka ni Ralph na pumunta dito?! Where is he?!" Nanggagalaiting impit na sigaw ni Thalia sa anak. Lumapit din si Zeke sa kapatid at si Zandro.

"What the hell Zai?!" Galit na sabi ni Zeke rito.

Hindi pinakinggan o sinagot ni Zairene ang mga tanong ng ina at kapatid. Walang emosyon lang siyang nakatingin sa mga ito pagkuwa'y binalingan ang ama na taimtim ding nakatingin sa kanya. Habang ang ibang Planners kasama ang mga anak nito na siyang mga kaibigan nina Zeke at Zairene ay naroon din at tahimik lang na nakatingin sa kanila. Ang lahat ay kalmado maliban kay Luciana na pangisi ngisi habang nakatingin sa pamilya Mondragon.

"Everybody sit down. We will tackle the issue here,  then we will decide what's the punishment of Zairene Mondragon. " malamig at seryosong mungkahi ni Zandro sa lahat.

Walang nagawa sina Thalia at Zeke kundi umupo sa kaninag inuupuan at ganun rin si Zairene na umupo sa kanyang upuan.

"Bakit kailangan pa nating pag-usapan ito Zandro? Malinaw na linabag ng anak mo ang batas ng organisasyon! " mungkahi ni Luciana at galit na tumayo sa kanyang kinauupuan.

"I believe that we must hear Zairene's point of view first to clarify everything before we conclude that she really did something against in our organization rules. " pagtatanggol ni Thalia sa anak.

"I agree/We agree. " pagsang-ayon naman ng ilan sa mga Planners habang ang iba naman ay walang reaksyon.

"Alin ba pa ang dapat patunayan at iklaro? Malinaw ang ginawang paglabag ng anak niyo. Huwag niyo ng pagtakpan dahil alam niyo ang kaparusahan kung sakali." Mapang-uyam na mungkahi ni Luciana na nagpangisi lang kay Zairene at sa ibang kaibigan nila.

"I can handle this mom, dad. Don't worry about me." Singit ni Zairene sa usapan.

Tumingin si Zairene sa tita Luciana niya at sa anak nito na kaibigan nila.

'Craige Sowyer.'

"Tama ako hija hindi ba? May relasyon kayo ni Ralph Lauren, son of Casmen Lauren na isa sa mga Planners. " ngising mungkahi ni Luciana.

"Yes, you're right meron nga. Matagal na actually. Six years na ngang kami eh." Nakangiti namang sagot ni Zairene dahilan para mapasinghap ang mga Planners at mapangisi naman ang mga kaibigan nila.

'Looks like my amazon sister is back.' Naiiling na bulong ni Zeke sa isipan.

"At ipinagmamalaki mo pa talaga yan dito! Alam mo bang pwede kang parusahan at patalsikin sa pwesto bilang susunod na Queen ng organization? Dapat alam mo ang batas na meron tayo rito hija-"

"Syempre alam ko ang walang kwentang batas na iyon. Kaya nga ako nandito diba? Babaliin ko yun, since napaka nonsense naman ng batas na yun. Kasing nonsense ng nagtatag nito. Tsk! Tsk! Tsk! " iiling iling na putol ni Zairene sa sinasabi ni Luciana.

"Don't cut me when I am talking! Bastos ka!" Galit na sigaw ni Luciana kay Zairene.

"Don't shout at my daughter bitch!" Balik sigaw naman ni Thalia rito upang ipagtanggol ang anak.

Hinawakan naman ni Zandro ang asawa at pilit itong pinabalik sa upuan. Ganun din si Craige na pilit pinapaupo ang ina sa kinauupuan.

"Malinaw ang pagbabastos na pinapakita ng anak mo Zandro! Dapat lang na mapatalsik siya! Hindi ganyan ang ugali na dapat mayroon ang susunod na-"

"Really? Kaninong ugali naman ang bagay? Sayo?" Pangbabara ni Zairene kay Luciana dahil para matigil ito sa pagsasalita.

"I'm here to talk not to fight. I want to defend my self and perception about the fucking rule na nalabag namin. As you can see napakauseless ng batas na iyon. Ano ba ang goal ng rule na yun? Ano bang rason niyo para payagang isama iyon sa batas ng organisasyon? May silbi ba yun? Nakatulong ba yun para mas mapalawak ang organization? Meron ba?" Tanong ni Zairene sa lahat ng tao sa loob ng meeting hall.

Napaisip naman ang ibang Planners at napatango ang iba. Habang si Luciana naman ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa dalagang ngayon ay nasa harap nila at parang nagpi-presenta lang ng isang business proposal.

"I agree with Ms. Mondragon. Hindi ko makita ang sapat na dahilan kung bakit pinayagan nating ilagay ang batas na iyon. " Lintayan ng isang Planner.

"Same here. Pwede lang yun mag-ugat ng gulo katulad ng nangyayari ngayon. Hindi natin hawak ang isip at puso ng mga myembro. Hindi tayo si kupido para piliin kung sino ang papanain." Natatawang mungkahi naman ng isa pang Planner dahilam para magtawanan ang mga naroon.

"Yeah. Much better kung alisin na lang natin ang batas na iyon. Total wala namang naidulot na mabuti iyon. What do you think." Mungkahi pa ng isa na sinang-ayunan naman ng lahat maliban kay Luciana.

"Hindi! Hindi niyo pwedeng baliin ang batas na itinatag ko! Hindi maaaring magkaroon relasyon ang sino mang myembro ng organisasyon dahil pamilya lang dapat tayo. Nothing more! Nothing less! Hindi ako papayag!" Galit na sigaw ni Luciana.

"Give up mom. Talo ka na. Iisa ka na lang na nagpupumilit jan. Your rule is useless. " mahinahong pakiusap ni Craige sa ina.

"Hindi! Makinig ka sa akin dahil para sayo ang ginagawa kong ito." Impit na sigaw ni Luciana sa anak. Umiling si Craige at magsasalita na sanang muli ng maunahan siya ni Casmen.

"Let go of your grudge to me, to us Luciana. Hindi mo na kailangang maglagay ng isang batas para lang masigurong hindi na kami magkakabalikan ni William. " Lintaya ni Casmen sa dating kaibigan at napatingin sa dating kasintahan na si William Smith, father of Liam Troy Smith.

Napatingin naman ang lahat kay Casmen dahil sa sinabi nito. Then kay William na blangko lang ang tingin sa lahat at kanina pa tahimik na nakikinig sa diskusyon.

Si Luciana naman ay napatingin sa dating kaibigan at kuyom kamao na naluluha habang minamasdan itong nakatingin sa lalaking minahal niya. William Smith, lalaking mahal niya at ama ng anak niyang namatay. Lalaking minahal niya at pinagtuonan ng buong oras at atensyon pero kaibigan niya naman ang gusto.

"Shut up Casmen!" Nanggagalaiting sigaw ni Luciana sa dating kaibigan.

"You shut up Luciana! Let go of your bitterness and grudge! Stop blaming us sa nangyari kay Crystal dahil ikaw ang may kasalanan nun at hindi kami! " hindi mapigilang sigaw ni Casmen sa kaibigan.

"It's your fault! Kaibigan kita pero inakit mo ang kaisa-isang lalaking mahal ko. Alam mong may nangyari sa amin at buntis ako sa kanya pero inakit mo pa rin siya! Inagaw mo siya-" hindi natuloy ni Luciana ang sinasabi niya ng malakas na sampal mula kay Casmen ang natanggap niya.

Agad na hinawakan ni Craige ang ina na nagtangkang gumati kay Casmen habang nagsitayuan naman ang ibang Planners para awatin sila.

"Enough Luciana. It's my fault. Hindi yun kasalanan ni Casmen." Malamig na mungkahi ni William at pumagitna sa dalawang babae.

"Wag mong ipagtanggol ang malandi na yan! Inakit ka lang-"

"Hindi niya ako inakit for God's sake Luciana! She is my girlfriend before you met me. We're in a relationship when you confess and jump into my bed! Ako ang naging mahina dahil nagpadala ako sa tukso! Nagpadala ako sa pang-aakit mo! Siya ang talo dito Luciana hindi ikaw. " inis na lintaya ni William kay Luciana na napasinghap dahil sa narinig.

"N-no! It's not true! Y-your lying!" Nauutal na lintaya ni Luciana at napaatras dahil sa rebelasyong narinig.

"It's true mom. I conduct my own investigation sa relasyon mo kay tita Casmen at yun din ang nalaman ko." Singit ni Craige sa usapan dahilan para mapatingin sa kanya ang ina.
"And mom, Ralph is there son. "
















_______________________
A/N: Too much revelations ba? Wag kayong mag-alala marami pang mangyayari. Enjoy reading by the way.

Mafia Series 2: Until my Last BreathWhere stories live. Discover now