Chapter 31

27 7 3
                                    

  - Klester -

"Klester sa likod mo," sigaw sa 'kin ni Charmie.

Hindi namin inaasahan na ganito ang dadatnan namin sa Bungad. Masyado kaming naging kampante nang isipin namin na magiging banayad ang lahat. Pagkarating namin dito ay wala kaming nadatnan na kahit sinong kalaban. Kaya pabalik na sana kami ngunit heto't maraming nakasumusugod sa 'min.

Hindi kami makapaniwala na nakalampas sa radar namin ang presensiya nila. How come na hindi namin naramdaman ang itim nilang Aura?

"Paano sila nakapuslit sa atin Troy?" naguguluhang tanong ni Charmie.

"Dalawa lang ang naiisip kong sagot,"

"Ano?" sabay naming tanong ni Charmie, habang nagpapa-ikot- ikot, at naghahanda sa pagsugod ng nila.

"Maaaring may kasama silang Mageias na nakakapagtakip ng aura nila." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Charmie.

"Maaaring may kasabwat sila sa loob ng Panepestimio, at iyon ang kanilang ipanangtatakip sa presesniya nila. Imbis na presensiya ng Echthros ay presensiya niya ang nararamdaman natin,"

Hindi na kami nakasagot sa kaniya dahil sa pagsugod ng kalaban. Hawak nila ang mga panang may lason, pati na rin ang mga batong magiging hati-hati pagdumapo sa katawan namin. Ang mga batong 'yon ay may lasong unti-unti papatay sa tatamaan no'n.

"We need to go back in Panepestimio," madiing sabi ni Troy.

"Bakit Troy?" Nag-aalalang tanong ni Aki.

"Nararamdaman kong may maling nangyayare sa kanila."

Maaaring gumagana ang mate spell niya kay Shimaira kaya niya nararamdaman iyon. Bakit parang mas malakas ang mga ordinaryong Echthros na kaharap namin?

"Bakit hindi natin sila mapatumba? Bakit tila alam nila ang kakayahang inaral natin?" Naiinis na tanong ko.

Hinagisan ako ng bato at dahil nakailag ako, sa puno 'yon tumama. Mabilis kaming yumuko upang hindi tamaan ng piraso no'n. Mabilis na kumilos si Yuki, matitinding pagsipa ang ginawa niya. Lumikha siya ng malaking apoy at sinunog ang mga damong dadaanan ng Echthros.

"Sa palagay ko tama si Troy, may kasabwat silang nakapasok sa ating Panepestimio. Alam na alam nila ang bawat kilos natin. Alam nila ang bagong nalalaman nating galaw. Isa lang ang ibig sabihin no'n, kasama natin sa pag-eensayo ang traydor." Sabay-sabay kaming napatingin kay Yuki.

Minsan lang mag bigay ng konklusyon si Yuki at Troy, pero lahat nang mga iyon ay tumatama. Gano'n ba kami kaabala sa pag-eensayo para hindi malaman na may nakapasok nang kalaban? O sadyang maaari lang makapasok 'to sa Panepestimio?

"Ahh!" Napabalikwas kami sa sigaw ni Charmie.

Natamaan ng nakakalasong palaso si Charmie. Mabilis sumugod si Aki sa kalaban. Lahat ng batong mapapa-angat niya ay kinuha niya at hinagas sa mga kalaban. Tumakbo si Yuki at isa-isang pinaliyab ang katawan ng Echthros. Kinuha namin ang pagkakataon na 'yon para makatakbo.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo ni Charmie. Aligagang kaming dinaluhan siya. Tanging si Shimaira lang sa grupo namin ang may kakayahan sa pagpapagaling. Wala kaming alam sa ganitong bagay.

"Kailangan nating makabalik agad, may lason ang mga palaso nila."

"Sumakay kana sa likod ko Charmie." Alok ni Aki. Umiling si Charmie.

"Kaya ko pang tumakbo, tara na."

Kahit hirap, pinagpatuloy ni Charmie ang pagtakbo. Gustuhin ko mang-ipasan nalang siya ay ayaw niya. Masyadong matapang ang lasong nilalagay ng Echthros sa kanilang palaso. Napag-aralan na namin ang dapat gawin sa oras na may pana ang kalaban, pero naging madali lang sa kanila patamaan kami. Para bang alam na alam na nila ang galaw na gagawin namin.

O TherapeftisWhere stories live. Discover now