Chapter 32

22 8 7
                                    

- Shimaira-

"Kumain ka babae." Tinabig ko ang pagkaing inabot niya sa 'kin.

"Ilang araw ka nang walang kain babae," dagdag niya pa.

Ilang araw na akong nakakulong sa lugar ng mga Echthros. Kung kauri nila ako ay matutuwa ako sa ginagawa nila, pero sa isiping masasama ang budhi nila hindi ko kayang lunukin ang pagkain mula sa kanila.

"Sa lahat ng kinulong namin, ikaw lang ang hindi nagmakaawang pakawalan namin." Umupo si Flix sa harap ko.

"Hindi ako magmamakaawa sa bagay na alam kong hindi ibibigay sa 'kin," matalim ko siyang tinitigan.

Nilamon ako ng galit, ng inis at pagkasabik na makaganti sa kanila. Mga halang ang puso nila, mga walang awa. Nakakaya nilang pag-usapan ang kamatayan ng mga Mageias, naaatim nilang pumatay ng mga walang laban.

"Masyado kang matapang babae,"

"Hindi ako pinanganak na takot sa katotohanan, kaya kong lumaban para sa kabutihan." Madiing turan ko. Ramdam ko ang kakaibang enerhiya sa aking katawan. Gusto kong ilabas ang galit ko.

"Sa oras na mapasa'min ang buong Magic Kosmos, ikaw ang pipiliin kong maging syntrofos." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Hindi mo magagawa 'yan, I'm already mated."

"Kanino? Sa Fonias ng Stalwart? Sa oras na mapatay ko siya, maaaring mapasa 'kin lahat ng kaniya." Tumawa siya nang tumawa.

"Tumigil ka, huwag na 'wag mo siyang sasaktan." Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko, papatayin ko kung sino ang gusto kong patayin." Tinikom ko na lang ang bibig ko, ayokong ubusin ang oras ko sa tulad niya.

Mas gugustuhin kong kausapin ang pader na katabi ko kaysa sa tulad niyang walang awa.

"Alam mo ba kung anong nangyayare sa mate mo ngayon?" tanong niya na nakakuha ng atensyon ko.

"Huwag na 'wag niyo siyang saktan,"

Meron sa loob ko ang gustong magwala sa galit. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko, ang tanging alam ko ay ayokong masaktan si Troy. Baka 'di ko makontrol magagawa ko kung malaman kong nasaktan siya.

"Siguro sa mga oras na ito, nanghihina na siya dahil wala ka sa tabi niya." Gulat akong napatingin sa kaniya. Hindi ko pinahalata na wala akong alam sa tinutukoy niya.

"Hindi mahina si Troy tulad ng iniisip niyo,"

"Kung hindi siya mated maaaring tama ka, pero ngayong may koneksyon na kayo, magiging kahinaan ka niya."

"Hindi totoo 'yan," madiing sabi ko.

"Bahala ka babae." Tinalikuran niya ako habang malakas na tumatawa.

Mula nang araw na nandito ako, hindi pa nakatikim ng pagkain ang bibig ko. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko, ang panginginig ng kamay ko at pagtitimpi ng puso kong galit.

Pilit kong kinokontrol ang mga bagay na nandito sa loob ng kwartong, pero isa man sa ginagawa ko ay hindi ko mapagalaw. Buong araw akong lumuluha kaya sa tingin ko wala na akong iluluha pa.

Napag-alaman kong si Flix ang susunod na hahawak sa Magic Kosmos kung mapasa kanila ito. Marami rin ang Echthros na nabubuhay sa mundong ito. Tunay na nakakatakot ang mga kapangyarihan meron sila, napakadali para sa kanilang pagplanuhan ang pagpatay.

Napag-alaman ko rin na hindi nila magawang saktan ang mga nasa labas ng Panepestimio dahil sa lagusang 'di nila mabuksan. Kung gano'n totoo palang hindi lang Panepestimio ang pinamumunuan ng Vasilissa.

O TherapeftisWhere stories live. Discover now