Chapter 6: Necrophobia

260 13 0
                                    

Chapter 6: Necrophobia

NAPATITIG si Davina kay Chriz. Seryoso ang mukha nito at nababakas sa tono ng pananalita nito ang senseridad. Napatingin siya sa milktea na nasa harapan niya na nilapag ng binata at nakita niyang one liter ang size ng milktea at chocolate flavored.

Napatingin si Davina sa mga kaibigan niya at nakita niya ang pagtataka sa mukha nito maliban kay Allie na nasa mata ang pagkatakam at panay ang paglunok nito habang nakatingin sa milktea. Napatingin siya kay Chriz na naghihintay ng sagot kung tatanggapin niya ba ang binigay nito o hindi.

"Okay, tatanggapin ko." nakangiting sabi ni Davina bago iniusog palapit kay Allie ang milktea na ikinatingin nito sa kanya at nakita ni Davina ang pagkinang sa mata ng kaibigan niya. "Pero, ibibigay ko sa kanya. Hindi mo naman siguro iyon mamasamain kung ibibigay ko sa iba ang binigay mo sa akin." dugtong na sabi ni Davina sabay tingin kay Chriz na nasa mukha nito na naguguluhan aa kanya.

"Bakit mo ibinigay sa kanya iyong peace offering ko sa'yo?" takang tanong ni Chriz kay Davina.

"Actually, I don't like that kind of drinks you brought for me. I'm not into sweet foods or drinks. Mas maganda sigurong ipamigay ko na lang sa iba ang binigay mo kaysa sa itapon ko, 'di ba? At saka, ang babaeng pinagbigyan ko ay buntis at mukhang nagsisimula na siyang maglihi." nakangiting sabi ni Davina habang nakatingin kay Allie na nakangiti at walang pakialam sa paligid niyang sumisimsim sa straw ng milktea na ikinailing ni Davina.

"Okay. I'm Chriz Klent Forniverra, pwede ba akong makipagkaibigan sa'yo?" diretsong saad ni Chriz sabay lahad ng kamay niya na ikinatingin ni Davina ng seryoso sa binata na ikinalunok ni Chriz.

"Kirsi Davina Agravante." sambit ni Davina sa buong pangalan niya. "Agravante ako pero hindi ako kabilang sa kilalang angkan na iyon. Mahirap lang ako at hindi ako katulad mo na mayaman." diretsong saad ni Davina na ikinangisi nila Jaiden, Raiker at Keziah sa sinabi ng dalaga.

"Wala akong pakialam kung anuman ang estado mo sa buhay dahil gusto talaga kitang maging kaibigan," seryosong sabi ni Chriz kay Davina.

"May anak ako. Kakaibiganin mo pa rin ba ako kahit may anak na ako?" diretso at seryosong tanong ulit ni Davina kay Chriz sabay lapag ng cellphone nito paharap sa binata kung saan ang wallpaper niya ay ang litrato nila ng anak niyang si Draven.

"May anak na siya? Pero hindi iyon halata sa kanya dahil maganda pa rin siya at ang katawan niya na hindi napaghahalataang may anak na." sabi ni Chriz sa isip niya habang nakatingin sa seryosong mukha ni Davina.

Napatingin si Chriz sa cellphone ni Davina na nilapag nito sa lamesa. Nakita niya doon ang nakangiting mukha ng dalaga at ang isang batang lalaki na nakangiti rin. Chinito ito dahil sa singit ang mata, maputing balat, matangos na ilong at namumula ang pisngi at labi ng bata. Nakakasigurado si Chriz na kapag nakita ng mapagkakamalan ng nakakatandang kapatid niyang babae ang mukha ng anak ni Davina ay mapagkakamalan itong korean child actor sa pinapanood nito korean drama.

"Anak mo ba talaga iyang bata sa picture o isang korean or chinese child actor iyan at pagpapicture ka lang sa kanya?" nakangising sabi ni Chriz kay Davina para asarin at ibahin ang emosyong nakapinta sa mukha ng dalaga pero hindi nagbago ang emosyon ni Davina at matalim siya nitong tinignan kaya nawala ang ngisi na nakaguhit sa labi niya.

"Anak ko iyan. Marami ng nagsabi sa akin na nahahawig si Draven sa mga korean or chinese child actor na napapalabas sa mga korean or chinese drama. Minsan na rin akong napagkakamalan na yaya ng anak ko kaya sanay na ako sa sinasabi ng ibang taong hindi kami mukhang mag-ina dahil walang namana sa akin si Draven maliban sa kulay ng balat." sabi ni Davina.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora