Pang 3rd class na kami ngayong araw at dalawang klase na lang ay mag uuwian na kami. Mag 4 pm na at break namin ngayon kaya ang ingay ng room. Hindi naman ako masyadong gumagalaw dahil masakit pa rin ang puson ko. Aish, naalala ko nanaman yung nangyari kanina.

Matapos kasi bumili ni Colton ng napkin ay pulang pula yung mukha nya na parang nabuhusan ng mainit na tubig. At dahil din sa hiya ko ay hindi na ako masyadong nakapag salita kanina. Kumain kami ng hindi nag iimikan. At sabay din kaming pumasok ng walang imik. Shems, sobrang awkward. Parang ayaw ko tuloy syang makita ngayon. Pero syempre imposible yun dahil magka klase kami at parehas kami ng tinutuluyan... Ay potek.

Wala kaming ginawa masyado at nag aral lang, kaya mabilis natapos ang klase namin at uwian na din sa wakas. Pero cleaners pala ako kaya naiwan muna kami sa room.

Tumingin namna ako sa paligid at hinanap si Colton pero nang hindi ko sya mahagilap ay napa buntong hininga na lang ako. Awit, iniwanan pa ako nung kupal. Ganon ba sya nahiya sa pag bili ng napkin? Huhu, mamaya hindi na ako nun pansinin. Tsk, gusto ko pa naman maka tikim ulit ng luto nya...

"Malinis na pres. Una na kami." Sabi nung mga ka sama kong mag linis. Tumango naman ako sa kanila at nag unahan na silang lumabas kaya naiwan ako dito sa loob.

Kinuha ko na yung bag ko at chineck kung may mga naka saksak pa or may mga naiwan pang gamit, at nang wala na akong makita ay lumabas na ako ng room at nilock yung pinto. Pagtalikod ko naman ay nagulat ako nang makita si Colton duon na nakatayo at naka pikit ang mata. Lah, ano nanaman ginagawa neto dito?

Lalagpasan ko na sana sya nang hawakan nya ang kamay ko at hinarap sa kanya.

"Masakit pa rin ba puson mo?" Tanong nya saakin kaya napatanga naman ako sa kanya. "Eira, hey."

"H-Ha?"

"I'm asking you kung masakit pa rin ba ang puson mo?" Ulit nya.

"Ahh hehe, okay na ako. Uminom na ako ng gamot para mawala yung sakit. Sorry nga pala ulit kanina, ikaw pa nautusan ko. Nakakahiya." Sabi ko at nag iwas ulit ng tingin sa kanya.

"It's fine."

" Uhm tara uwi na?" Sabi ko at tumango naman sya. Nauna akong maglakad at naka sunod lang naman sya sa akin.

Tahimik lang kaming naglalakad sa sidewalk at mamamatay na ako sa katahimikan. Psh, hindi ako sanay ng masyadong tahimik kapag may kasama.

"So uhm, ilang taon ka na??" Tanong ko na hindi ko alam kung saan nanggaling, great Eira.

"21" sabi nya kaya napa harap ako sa kanya. Weh? Mas matanda pala sya sakin ng 3 taon.

"Eh? Edi dapat College ka na ngayon." Naguguluhan kong sabi sa kanya. Bakit kasabayan ko lang sya?

"It's a long story." Sabi nya kaya napatango ako. Hindi naman na ako nag tanong dahil I don't want to pry on his business. Sya na ang bahala kung sasabihin nya saakin.

"I was comatosed for 1 year..." malungkot nyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi nya. He was comatosed? Tsk, now I'm curious.

"Uhm, d-do you mind if I-" hindi ko alam ang susunod na nangyari basta meron na lang mabilis na motor sa gilid ko at maya-maya ay nagpalit na kami ng pwesto ni Colton.

"W-What?" gulat kong sabi nang mapagtanto ko na ang lapit na ng katawan namin ni Colton. Dahil sa gulat ay natulak ko sya at napatingin dun sa rumaragasang motor. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

"Fvck that driver. Are you alright?" sabi nya dun sa nag momotor at saka tumingin sakin at chineck kung may sugat ako.

"O-Okey lang ako. Thank you nga pala." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Whoo, thank you Lord.

Change Of HeartWhere stories live. Discover now