10

15 1 0
                                    

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa room namin dahil nag bell na at late na ako. Shemay! Ba't kasi hindi nag alarm yung phone ko?! Kung hindi pa ako ginising ni tita Tracy ay siguro kanina pa ako late. At dahil sa sobrang pag mamadali ko ay hindi ko na din tinanong kung nandun pa ba si Colton dahil siguradong iniwan na ako nun.

Nang maka pasok ako sa room ay hingal na hingal akong dumiretso sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Nang tignan ko sa tabi ko ay wala si Colton doon.. Asan naman kaya yung lalaking yun? Nandun pa ba sya? Tsk. Lagot sakin yun pag di pumasok. Aish, bakit kasi paiba-iba schedule ng pasok namin.

Nagsimula ang klase at ngayon lang ako naboringan ng sobra. Hindi ko din alam kung bakit pero hindi ako maka sunod sa dinidiscuss sa harap. Nang sumapit ang break ay tumingin ako kay Noel para sana manghiram ng notes dahil kulang-kulang ang mga notes ko. Pero napansin ko namang tulala sya at parang wala sa sarili.

"Uy, Noel! Noel!" tawag ko sa kanya pero hindi pa rin sya tumitingin sa akin. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Nang hindi pa rin sya tumingin ay hinampas ko sya sa may braso kaya napalingon sya sakin.

"Huh? Bakit?" taka nyang tanong sa akin. "Kaloka ka, kanina pa kita tinatawag pero nasa ibang mundo ata utak mo. " sabi ko sa kanya. "Sorry..." sabi nya at bumuntong hininga.

"At saka bakit hindi mo ata ako sinasabihan na ang pangalan mo ay Nelly? May problema ka ba?" alalang tanong ko sa kanya pero nag iwas lang sya ng tingin. "Huy, pwede mo akong sabihan." Sabi ko.

"Wala lang, may nakita lang ako na parang familiar sakin dati?" sabi nya.

"Omg, lalaki?" tanong ko agad pero umiling lang sya.

"It's a girl, I don't know where, pero feeling ko nakita ko na sya dati." sabi pa nya kaya nag hinala na ako.

"Oh my... Noel. Don't tell me nawawala na ang kabaklaan dyan sa katawan mo?!" gulat kong sabi sa kanya kaya nanlaki ang mata nya.

"Ew, gurl. The heck? Kaya ayaw kong sabihin sayo eh. Shuta ka talaga." sabi nya kaya natawa ako habang hinahampas nya ako ng notebook.

"Btw, asan na ang poging Colton mo?" napangiwi naman ako nang marinig ko yung sinabi nyang 'Colton mo'. 

"Hindi ko nga din alam eh. Baka tinamad nanaman pumasok. Akala ko nga mas nauna sya sakin, nalate na din kasi ako ng gising dahil walang hiya yung alarm ko, hindi nag alarm. Saka tinapos ko pa yung binabasa ko." sabi ko kaya napa iling na lang sya.

"Eh baka naman may problema din ang boyfie mo? Try mo icomfort, kaloka ka." aniya " Ano bang pinagsasabi mong boyfie? Hindi ko yon boyfriend." sabi ko sa kanya.

"Oh talaga? Eh lagi nga kayong sabay pumasok at umuwi eh." sabi nya.

"Ma issue ka talaga eh noh? Hindi ba sinabi ko na sayo na dun din sya tumutuloy sa tinutuluyan ko? Isa pa, hahampasin na kita." sabi ko sa kanya kaya tumawa lang sya.

Nag kwentuhan pa kami hanggang matapos yung break at nang mag klase na ulit ay nag focus na ulit kami dahil baka hindi nanaman kami makapag notes. Manghihiram na lang ako mamaya sa iba ko pang classmates.

Lumipas ang oras at natapos na ulit ang klase. May binigay saming assignment at bukas na yung pasahan, sabihin na lang daw namin dun sa mga absent ngayon. So, ibig sabihin bibisitahin ko pa yung isang yon.

"Oy, bakla!" sigaw sakin ni Noel kaya napa lingon ako. " Tara, sabay kita." sabi nya at hindi na ako umangal dahil gusto ko na din maka uwi ng maaga. Pero nag hinala ako sa isang toh.

"Hmm, ba't parang bumait ka ata? Sabihin mo nga saakin, may kapalit ba 'tong pag hatid mo sakin?" sabi ko sa kanya kaya natigilan sya sa pag lalakad. "Aha! Sabi na eh." sabi ko at hinampas sya sa braso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Change Of HeartWhere stories live. Discover now