Kabanata 18

126 78 56
                                    

Thymine 

Unti-unting akong nagmulat ng mga mata ko habang pinapakiramdaman ang buong lugar. Pilit kong inaaninag ang paligid subalit hindi ako pamilyar dito. Hindi ko maiwasang makaramamn ng matinding kaba. Hindi ko pa ito napupuntahan mula nang makarating ako rito.

"Buhay pa ba ako? Hindi, naririnig kong may nagsasalita sa paligid. Kung namatay na ako ay hindi ko na ito maririnig pa," naguguluhang bulong ko sa sarili.

Sinusubukan kong bilangin kung ilan ang mga kasama ko rito pero nahihirapan ako. Masyado akong mahina. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para lumaban kung sakaling may masama silang balak laban sa akin. 

Bahagya akong kinabahan noong maalala ko kung anong huling nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay. Hindi ako maaaring magkamali. Sigurado ako sa nakita ko. Si Kamatayan. Siya 'yon. Siya ang nakaharap namin ni Rhian kanina. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.

"Nasaan si Rhian? Sana naman ligtas siya. Alam kong ginawa niya ang lahat para mailigtas ako sa kamay ni Kamatayan. Utang ko sa kaniya ang buhay ko," muling bulong ko.

Nang tuluyan ko itong maalala ay pinilit kong tingnan ang lahat. Kailangan kong maging malakas. Kahit ngayon lang, kailangan kong tumayo sa sariling paa ko. Hindi ako dapat umasa na lang sa tadhana na maging ligtas ako. Kailangan kong gumawa ng paraan para makaligtas. 

"Tama na ang pagiging mahina. Walang ibang mangyayari sa akin kapag patuloy akong naging ganito. Hindi ako makakaligtas kung patuloy akong aasa sa tulong mula sa iba. Maghintay ka, Rhian. Ako naman ang tutulong sa iyo ngayon," mahina ngunit determinadong sabi ko.

Muli kong pinakiramdaman ang buong lugar at tama nga ang tingin ko kanina, may mga ibang tao rito bukod sa akin. May napapansin din akong mga mata sa paligid at para bang nagtitipon-tipon ang mga ito. Ano ba talagang nangyayari? Hindi ko na alam. Wala akong anumang ideya. May pagpupulong ba?

"Nasaan ba talaga ako? Anong kuwarto ito? Sinong mga kasama ko? Nasaan si Rhian? Ligtas ba kami rito?" magkakasunod na tanong ko sa sarili.

Hindi pa rin lubusang pumapasok sa sistema ko ang mga nangyayari at naguguluhan pa rin ako kung bakit ako nandito. Kung anong ginagawa ko rito at kung paano ako napunta sa kuwarto. Masyadong malabo ang lahat. Kahit na anong pilit kong alalahanin ang nangyari, hindi ko malaman kung anong dahilan. 

Siguradong wala sa kuwarto ngayon si Kamatayan. Malakas ang pakiramdam ko na wala siya rito dahil maraming tao. Kahit na hindi ko pa nakikita ang mga kasama ko ngayon, alam kong tulad ko rin sila na pilit na inililigtas ang sarili mula sa kamay ni Kamatayan.

Pinilit ko ang sarili na makaupo sa kama kahit na medyo nahihirapan ako at may iniindang sakit. Bahagya ko pang hinilot ang sentido ko. Wala talaga akong maalala kung anong eksaktong nangyari sa akin. Nakakainis naman! 

"Ano ba namang kamalasan ang mayroon ka, Thymine? Kahit saang lugar, minamalas ka," naiinis kong bulong sa sarili.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit sobrang sakit ng ulo ko? Wala naman akong maalala na tumama ang ulo ko sa matigas na bagay o semento. 

"Thymine, mabuti naman at gising ka na. Kamusta naman ang pakiramdam mo, may masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Wince nang mapansing niyang nakaupo na ako sa kama. 

Siya pala ang nagbabantay sa kuwartong ito. Tama pala ang naiisip ko kanina. Kung hindi si Trench ay siguradong si Wince ang makikita ko. Silang dalawa lang ang kilala kong kayang magtago sa mga kasamahan namin at iligtas sila. 

"Nag-alala talaga ako nang husto sa iyo.Nabalitaan ko na nakita mo ulit si Kamatayan. Ang buong akala ko ay napahamak ka na. Mabuti na lang at nakaligtas ka. Ipinagpapasalamat ko na walang nabawas sa grupo natin," dagdag pa niyang sabi sa akin. 

Macabre Where stories live. Discover now