Chapter 7: Mistake That You'll Never Regret

247 13 0
                                    

Chapter 7: Mistake That You'll Never Regret

ILANG segundo lang pagkatapos magsara ang pinto ng elevator ay agad ito nakarating sa rooftop.

"Woah, ang bilis. Nandito na agad tayo sa rooftop kahit kasasara lang ng elevator." manghang sabi ni Frida.

Hindi ito pinansin ni Davina dahil pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay nagmadali itong lumabas. Nakita niya ang babae na nakatalikod sa kanya na akmang tatalon na.

"Hoy!" tawag ni Davina sa babae kaya napatigil ito pero hindi siya nilingon.

"Huwag kang magpapakamatay, Miss!" sigaw ni Davina na nakapagpahinto sa babae at lumingon ito.

Doon nakita ni Davina ang mukha ng babae na mugto ang mga mata at halatang-halata na umiiyak ito at hanggang ngayon ay umaagos pa ang mga luha.

"Wala ng silbi ang buhay ko." malungkot na sabi ng babae na nagpatulo rin ng luha ni Davina.

"A-Anong walang silbi? Huwag kang tatalon!" sigaw ni Davina. Nanginginig si Davina at malamig na pinapawisan na halatang kinakabahan siya sa possibleng mangyari kapag hindi niya napigilan ang babaeng tumalon.

"Hindi ko hahayaan na may mamamatay na naman sa harapan ko na wala akong nagawa." sabi ni Davina sa isip niya habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya at ngumiti ng malungkot ang babae.

"Buntis ako at hindi tanggap ng pamilya ko dahil ang bata ko pa, saka 'di rin ako pinanindigan ng ama ng dinadala ko at iniwan ako ng mga kaibigan ko dahil nandidiri sila sa akin kaya sabihin mo! Sabihin mo sa akin kung may silbi pa ba ang buhay ko!" umiiyak na sabi ng babae.

Napaestatwa naman si Davina sa kinatatayuan niya dahil hindi niya akalain na ang kaharap niya ay may dinadalang bata.

"A-Alam kong malaking problema iyan pero kung gusto mo ng kausap nandito ako, kung gusto mo ng karamay nandito ako, kung gusto mo ng sandalan nandito ako basta pumunta ka na rito!" sabi ni Davina pero umiling lang ang babae.

"Hindi naman kita kilala, eh. Umalis ka na! Wala kang mapapala! Alis--" naudlot na sabi ng babae ng madulas ang isang paa niya at nawalan ito ng balanse na ikinatili ng mga babaeng kasama ni Davina. Mabilis namang tumakbo si Davina sa babae saka hinawakan ang kanang kamay ng babae ng mahigpit.

"Huwag kang bibitaw!" kinakabahang sabi ni Davina.

"No. I don't have any reason to live. They hate and judge me, my family, my friends and especially the society!" umiiyak na sabi ng babae.

Pinipilit na hinila ni Davina ang babae pataas. Hindi inaasahan ni Davina na mahila ang babae dahil hindi binitawan ni Davina ang kamay ng babae at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Iiyak mo lang iyan!" sabi ni Davina sa babae. "Alam mo ba no'ng nagtanong ka kung ano ang silbi mo? Alam kong magiging mabuti kang ina sa anak mo at iyon ang silbi mo, isipin mo na hindi mo siya pinalaglag at kung gaano siya kasaya sa tiyan mo ngayon tapos tatapusin mo lang ang buhay mo dahil sa husga ng mga tao na nasa paligid mo." Napabuntong-hininga naman si Davina at niyakap ng mahigpit ang babae.

"Oo, nagkasala ka pero ang pagpapakamatay ay isa sa pinakamalaking kasalanan tapos madadamay ang batang nasa sinapupunan mo na wala namang kasalanan. Alam mo, ang kasalanan mo ay ang pakikipagtalik kahit hindi pa kayo kasal pero ang pagdadala ng bata ay hindi kailan man magiging kasalanan, ito ang bunga ng ginawa niyo at sa sinabi mo na hinuhusgahan ka ng mga taong nasa paligid mo ay hindi mo na dapat iyon pinoproblema dahil alam ko na kapag lumabas na ang anak mo at malaman niya na hindi mo siya pinalaglag ay magiging masaya siya, siya ang rason kung bakit mo kailangang mabuhay at kung bakit kailangan mong magpakatatag." sabi ni Davina sa babae saka niya pinunasan ang mga luha nito.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now