Chapter 10: Waitress

233 12 0
                                    

CHAPTER 10

Days Later...

PINUNASAN muna ni Davina ang mga lamesa bago nagwalis at nag-mop ng sahig. Pagkatapos niyang gawin iyon ay lumapit siya sa counter at habang hinihintay ang order ng customer na ihahatid niya ay hindi maiwasan mapagmasdan ni Davina ang paligid ng naturang cafe. Hindi ganon masyado karami ang mga tao sa loob ng cafe dahil maggagabi na rin ng mga oras na iyon. May ilang mga estudyante, meron mga negosyante at mag iba na ordinaryong tao na napadpad sa lugar na iyong para magkape o makapagrelax sa nakakapago at nakaka-stress nilang araw.

Sa ilang araw na simula ng magsimula ang trabaho niya sa cafe na pagmamay-ari ni Leigh at maganda naman ang itinakbo ng mga araw niya habang nagtra-trabaho sa naturang cafe. Ilang araw na rin simula ng ipasok ng amo ni Davina na si Leigh sa tuitor session si Draven para makasama ng anak nitong si Sky at simula nang magkakilala ang dalawa ay agad na naging magkasundo at tutok ang mga ito sa tuitor session lalong-lalo na si Draven. Nakita nga ni Davina na abilidad ni Draven na matuto lalo na at sa ilang araw na nag-tuitor session ito mas nakikita niya ang hilig niyo sa pagguhit dahil lagi itong may dalang lapis at papel na bili niya para dito.

Binigyan ni Davina ng matamis na ngiti ang mga bagong customer na pumunta sa counter para mag-order pero ang matamis na ngiti na iyon ay nabura sa kanyang magagandang labi ng makita kung sino ang papasok, ang babaeng dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho kamakailan sa dati niyang pinapasukan.

"Aryanna." sambit ni Davina sa pangalan ng babaeng nobya ni Chriz. May kasama itong babaeng nasa 40's na ang tanda pero hindi halata sa kanyang katawan at itsura. Parehong nakapostura ang dalawa, sa pananamit at kilos pa lamang dalawang babae ay mahahalata o nagsusumigaw na ang estado nito sa lipunan.

"Sa bagay, hindi ko naman kailangan magtaka kung bakit nandito ang babaeng iyan. Mayaman kaya afford uminom ng kape na nagkakahalaga ng ilang daang peso. Tss, sa isang tasa lang ng kape ay makakabili na ng olang kilong bigas at may matitira pa na pwedeng pambili ng ulam." sabi ni Davina sa isip niya habang nakatingin sa babaeng parang modelo kung maglakad palapit sa counter.

"Davina, ito na ang order sa table ten." nakangiting sabi ng isang kasamahan ni Davina ng mailapag ang tray sa counter kaya napabaling doon ang atensyon ni Davina.

"Okay." tanging na sabi ni Davina bago kinuha ang tray sa counter at hinatid iyon sa table na malapit lang sa counter.

"What's your order, Ma'am?" tanong ni April na kasamahan ni Davina na nakatoka sa counter bilang casher.

"Two cafe latte and two slices of cheesecake." sabi ni Aryanna na ikinatango ng cashier bago nagtipa sa monitor na kaharap.

Nang makita ni Aryanna ang kabuohang presyo ng order niya sa maliit na monitor sa harapan niya ay kumuha siya ng isang libong peso sa wallet niya at inilapag sa counter, kinuha iuong ng cashier at sinuklian.

"You may now choose your table and wait for a minute to serve your order, Ma'am." sabi ni April.

"I'll go to the restroom, Aryanna." sabi ng medyo may katandaang babae na kasama ni Aryanna na ikinatango nito bago umalis ang babae.

*****

"ENJOY your food, Ma'am and Sir. Let me know if I can get you anything else." nakangiting sabi ni Davina sa customers sa table ten pagkalapag niya ng order ng mga ito.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now