Chapter 33

54.9K 1.8K 1.8K
                                    


"Andito na ako sa labas," kaswal na sabi ni Harry habang kausap si Natalie sa cellphone. Nakasandal at nakatayo siya sa labas ng kotse nang walang anumang planong pumasok sa loob ng bahay ng sinusundo. Nakabihis siya ng semi-formal na puting long sleeve at medyo cream na pantalong may itim na sinturon. Inibabawan niya ng navy blue na coat ang kanyang puting pantaas at sa bulsa ng coat ay may nakausling tinuping printed na panyong may shade din ng asul.

"In a minute andiyan na ako,"nagmamadali at sabik na sagot ng dalaga.

Wala pang isang minuto ay lumabas na ng gate si Natalie. Tumakbo siya mula sa terrace kung saan kanina pa siya nag-aabang. Hindi alintana ang kanyang poise basta ang mahalaga'y huwag paghintayin ang lalaki. Nawala naman ang pagod niya sa pagtakbo nang nakatakong dahil pinagbinuksan siya ni Harry ng pinto ng sasakyan.

"Salamat," ika niya habang sinusubukang ikubli ang pansamantalang pagkakilig sa pagiging gentleman ng lalaki.

Pagkasara sa pinto, pormal namang bumalik sa loob ng sasakyan si Harry at nagmaneho. Wala itong imik. Hindi seryoso ngunit hindi rin maaliwalas ang mukha subalit halatang wala sa katabi ang tinatakbo ng isipan. Ni hindi nga nagawang pansinin ang hitsura ng dalaga na pinaghandaan pa namang mabuti ang party na dadaluhan dahil nagbabaka-sakaling may maramdaman uli sa kanyang kahit konting atraksiyon ang ex-boyfriend.

"Pasensiya ka na sa istorbo. Nag-abala ka pang sunduin ako. Pwede naman akong dumiretso na lang sa party," sabi ni Natalie nang medyo hindi pa nakakabawi sa paghabol ng hininga.

Kumurap si Harry nang tila may narinig siyang nagsalita. Saka lang siya lumingon sa kasama. Nakatingin sa kanya ang babae nang may malapad na ngiti. 

"D-Did you say something?" tanong niya.

Asiwang tumawa ang dalaga. "Sabi ko hindi mo naman ako kailangang sunduin. Pwede naman akong dumiretso na lang sa party."

"I can't be that rude. Ako na nga ang nakaistorbo tapos hahayaan pa kitang pumunta mag-isa. Alam kong nahirapan ka lang humindi kay Tita Marianne," may payak na ngiting tugon ni Harry.

Bumilog ang mga mata ni Natalie sabay masayang ngumiti. "That's not true! I'm actually excited to attend. I can't wait to meet your family again." Napansin niyang nawala ang ngiti ng binata at medyo nailang sa sinabi niya. "W-Welcome pa naman akong makihalubilo sa pamilya mo di ba? T-Tutal magkaibigan pa rin naman tayo," tila humihinging permisong tono niya.

"O-Oo naman," napapalunok na sagot nito pero ramdam niyang hindi ito komportable sa ideya.

"How do I look? I wonder if I'm overdressed or under dressed for the party," kunway masiglang pag-iba niya sa usapan. Mas nasasaktan siya kapag napapansing napipilitan lang ito sa mga sinasagot sa kanya.

Ngumiti ang lalaki pero alam niyang pilit pa rin iyon. Nilingon siya nito nang di man lang tumagal ng isang segundo ang pagbaling ng mga mata sa kanya. "You're Natalie. Whatever you wear, people will always find you pretty."

"T-Thank you," kiming sagot niya. Bagamat maganda ang sinabi ng kausap pero hindi sapat iyon para madagdagan ang sigla niya. Ang nais niya kasing marinig ay kung ano ba ang hitsura niya sa paningin nito. Subalit kahit malamig pa rin ang trato sa kanya ng binata, masaya na siyang nabigyan na ulit sila ng pagkakataong magkasama. Kaya hindi niya alintana kung sa buong oras na tumatakbo ang sasakyan ay hindi man lang siya nito kusang kinausap.

Pagdating sa five star hotel sa Makati kung saan ginaganap ang party, kalmadong bumaba si Harry ng sasakyan at binigay ang susi sa valet parking na sumalubong sa kanila. Pinagbuksan niya ng pinto si Natalie at inalalayan ito sa pagbaba. Maginoong inalok niya ang kanyang braso sa dalaga at kiming humawak naman ito sa kanya. Tahimik silang nagtungo sa banquet hall kung saan marami ng mga bisita. Karamihan ay mga kilalang taong imbitado ng kanyang Tita Marianne. 

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionWhere stories live. Discover now