Part 4

2.9K 133 9
                                    

The wedding march song started. Napatayo ang lahat ng tao sa simbahan nang nagsimulang maglakad ang mga abay sa kasal. The best man, the maid of honors, the flower girls with their partners, the ring bearer. 

At nasa finale ang pinakaaabangan ng lahat. Napasinghap ang mga tao. The bride looked really stunning on her wedding dress. Mag-isa itong naglalakd sa red carpet at hindi maiwasan ni Nate na tumingin din dito habang naghihintay siya sa harap ng altar.

It's his wedding. Walang pagkakaiba sa okasyon thirty minutes ago. Tuloy pa rin ang kasal niya. Ang naiba lang ay ang magiging bride niya. He didn't exactly know that woman he caught on her wedding dress playing her bare feet on the ground. Ni hindi niya pa nakikita ang itsura nito sa likod ng veil but he decided to marry her. 

Ito ang naging sagot sa problema niya. A moment ago, he proposed a deal with her. Kung papayag itong maging bride niya ay gagawin niya ang lahat ng posibleng paraan para matulungan ito sa problema nito. Kung magpapakasal ito nang dahil sa pera, ay pera din ang solusyon upang hindi iyon matuloy at ipilit pa. 

At matutulungan niya ito doon. He was rich and powerful in business world. Walang hindi nakakakilala sa nasa top five list na pinakamayaman at pinakamaimpluwensya sa Pilipinas. Just hearing the surname del Fiero's was enough to make other companies bow on their feet.

His very own original bride dropped her position like a hot potato. At alam niyang maraming babae ang nais na pumalit as puwesto nito. Pero hindi niya kailangan ang mga 'yon. Nawalan na siya ng tiwala pa sa seryosong pakikipagrelasyon. Kung iyon ngang sa kanilang dalawa ni Bianca na inakala niyang perpekto at puro ay bumigay, iyon pa kayang mga naging flings niya na ang alam niyang habol ay ang estado niya lang sa lipunan. 

Kaya hindi niya na kinokonsidera sa sarili na magmamahal siya. What he really need right now is a bogus bride. A bogus partner and a bogus wife. No string attached. No hassles. No personal feelings to be considered. At ang babaeng ito na lumalakad sa aisle patungo sa kanya ay isang perpektong kandidato.

Wala siyang alam tungkol dito kundi ang pangalan nito na kanina niya lamang naitanong. The girl's name is Alyssa. Alyssa Montenegro. Isang pamilyar na apelyido na naririnig niya sa social circle elite. Kung pagbabasehan ang kilos at pananalita ng babae ay alam niyang edukada ito. Hindi nga lang siya sigurado kung related ito sa nagmamay-ari ng Montenegro's industrial clothing company na dating nagsu-supply sa L-Zone mall ng mga damit. 

Ang balita niya ay balak na iyong ipagbili ng may-ari dahil sa nadespalkong pera sa ilan sa mga pinagkakatiwalaan nitong empleyado. At ang resulta ay ang pagkalagay sa kritikal na alanganin ng kompanya. Then L-Zone mall cut all the business transactions on that company to avoid conflicts.

Nang makalapit sa kanya ang dalaga ay muli niyang inilahad ang palad. Inihanda na niya ang sarili para dito. Wala pang nakakakita o nakakakilala kay Bianca sa ilang mga bisita na naroon. And they never had an engagement party kaya talagang sekreto pa ang kanilang relasyon. Wala namang kamag-anak na bisita sa part ng babae dahil sa alam niyang nag-iisa na lang ito sa buhay. 

Ang tanging problema na lang ay ang nakalagay na pangalan sa papeles. But he could easily fix the papers with money. Pag-uusapan nila 'yon ng kanyang abogado. He will marry Alyssa Montenegro on name and they will have their annulment after a year. She would save his family's reputation and he would save her family's assets. Pareho silang makikinabang kaya alam niyang walang dahilan para ito tumanggi.

Napakunot-noo siya nang nag-aalangang iabot nito ang kamay. She was trembling. 

Nagbago na ba ang isip ng babaeng ito? Or am I being too pushy about this? 

Hindi niya na kasi ito binigyan ng pagkakataong makapagsalita nang i-propose niya dito ang balak. Nang matapos siya ay isang nauutal na "oo" lang ang isinagot nito. But now, it's too late for her to turn her back on him. Nandoon na sila mismo kaya hindi na ito puwedeng umurong pa. 

Love Links 3: From My Arranged Marriage to My Bogus Wedding [COMPLETED]Where stories live. Discover now