Part 14

3K 132 13
                                    

Muling napabuntong-hininga si Nathan nang ilapag niya sa kama ang hubad na katawan ng kanyang asawa. Her waist was so narrow on his both hands. Napalunok na lang siya nang masalat niya ang kakinisan ng balat nito. Ang kagandahan at kariktang nakatambad sa kanyang harapan ay tila tuksong nagpapabilis sa kanyang paghinga.

Agad niya 'yong tinakpan ng kumot bago pa siya makagawa ng ano man sa isang walang malay na tao.

Umupo siya sa tabi ng kama. Hinaplos niya ang pisngi ni Alyssa. Kahit ano pang masamang salita ang lumabas sa bibig ng babaeng ito. She would still be an angel in his eyes. No. She's more like a Goddess. She was everything he could dream of. So fragile... so soft. So young yet so womanly in his eyes.

He desired her so much that it's killing him. Isang pakiramdam na hindi niya na madama pa sa dating kasintahan na si Bianca. Hindi niya na malaman pa kung anong dapat gawin. Pare-pareho silang biktima ng manipulasyong sinimulan ng kani-kaniyang pamilya. Subalit magagawa niya bang magalit sa isang aksidenteng naghatid sa buhay niya kay Alyssa?

Nang mawala ito sa paningin niya kanina sa mall ay gusto niyang suntukin ang sarili. Because there was no excuse on what he had been doing in front of her. Pagkalito at awa sa dating nobya ang nagtulak sa kanya upang yakapin ito. Nang mapansin niyang wala na ito doon ay para siyang hilong-talilong sa paghahanap sa buong mall. Iniwan niyang mag-isa si Bianca dahil sa pag-aalala sa asawa. 

Pinigilan siya nito subalit hindi siya nagpa-awat. Sinabi niya ditong tatawagan niya na lang ito kapag malinaw na sa kanya ang lahat. Pero alam niyang hindi siya sigurado sa sarili niya. Nandoon ang galit para kanyang mga magulang ngunit hindi iyon kasing-sidhi sa mismong araw ng kasal nila ni Bianca. Minahal niya ito subalit hindi na siya sigurado kung magagawa niya ang lahat para dito tulad ng dati.

"Why did we become like this?" mahinang usal niya. As he stroked her cheeks, there goes again the prodigious feeling on his chest. Lalo na nang unconscious na tumaas ang kamay ng babae at damhin ang kanyang kamay na nakalapat sa pisngi nito. 

Pakiramdam niya ay siya ang pinakasuwerteng tao sa buong mundo. For he was the first man on the life of this girl, for he was able to touch her freely like this. He couldn't help but be enthralled. What a mysterious feeling... nakakatakot subalit hindi niya makuhang pigilan at hindi niya gustong pakawalan.

Hi kissed her forehead carefully. At nang maramdaman niya ang init na nagmumula roon ay pumasok siya sa loob ng banyo. Kumuha siya ng bimpo at isang palangganitang may maligamgam na tubig. Muli siyang naupo sa tabi ng asawa at pinunasan ang mukha nito.

Unti-unting nagmulat ito ng mga mata. Her eyes really are something to look at. "Nate..."

"Yes..." Masuyong pinagmasdan niya ito.

"B-babalik ka ba kay Bianca?" Gumaralgal ang boses nito.

Tumingala siya upang pigilan ang emosyon. Parang may kung anong bumara sa kanyang lalamunan sa tono ng pagtatanong nito. "Hindi ko alam..."

"M-mahal mo ba siya?"

"It was supposed to be that way." Pagak siyang tumawa. "At ikaw?" Seryosong muling bumaling siya dito. "Did you already fall for me, Alyssa?"

Malungkot ang banayad na ngiti nito. "It wasn't supposed to be that way."

May kung anong saya ang pumuno sa kanyang dibdib nang makumpirma niya ang damdamin nito. "Bakit?"

"Cause I'm just you're phony wife. Dahil may kasunduan tayong maghihiwalay sa loob ng isang taon. And now... you already have someone you wanted to be with no matter what. Ayokong maging hadlang at lalong ayokong kamuhian mo ako dahil sa nararamdaman ko."

Love Links 3: From My Arranged Marriage to My Bogus Wedding [COMPLETED]Where stories live. Discover now