Simula

15 1 0
                                    


Yet how much less it were to gain,

Though thou hast left me free,

The loveliest things that still remain,

Than thus remember thee!

The all of thine that cannot die

Through dark and dread Eternity

Returns again to me,

And more thy buried love endears

Than aught except its living years.

- And Thou art Dead, as Young and Fair, Lord Byron 


Tahimik ang kapaligiran habang kami'y nakatitig sa maningning na kalangitan. Hindi ko alam kung bakit o paaano ako nakapunta sa puntong ito. Sa lagpas labing walong taon ko nang nabubuhay, hinidi ko mawari kung ano nga ba ang dahilan at bakit itinulak ko ang sarili sa ganitong senaryo.

"Makinig ka lang." Panimula ko, sabay kagat sa pang ibabang labi. "Hindi ako hihingi ng higit pa sa kung anong maibibigay mo. Simple lang naman ang gusto kong mangyari..."

Ramdam ko ang matinding pagkabog ng aking puso. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin niya. Nakakatakot lalo na't wala akong lakas ng loob na tumingin sa kaniyang mga mata. Sapagkat alam kong sa oras na iginawad ko ang pagtingin sa kaniya, talo ako. Alam ko kung paano natatapos ang ganitong mga usapan. Minsan na akong sumugal. At dahil sa pag-amin na iyon, nawala lahat ng pinaghirapan ko ng ilang taon.

"Alam ko kasi na... kapag hindi ko pa nasabi sa iyo, pagsisisihan ko habang buhay. At ayokong may isang bagay na namang dadagdag sa listahan ng mga dapat ay ginawa ko." Patuloy na nanginginig ang aking boses, nanlalamig ang aking kamay, at walang humpay na nagwawala ang aking damdamin.

Huwag. Hindi ako pwedeng tumingin... Pero kapag hindi, kulang sa sinseridad. Kaya naman, sa pagbaba ng aking mga mata mula sa buwan, agad kong napansin na kanina pa pala siya nakatitig sa akin.

"Gusto kita."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bumalik Ka Ulit Sa AkinWhere stories live. Discover now