Sa La Amorosa, halos lahat ay nananatili. Dun ka ipinanganak, dun ka rin mamamatay. May mga nagtatangkang umalis patungo sa kanilang mga pangarap, pero babalik rin dahil mas sanay sila dito. May mga bibisita saglit, pero hahanap - hanapin pa rin nila ang lugar na ito. May mga tao namang ang pangarap nila'y na sa ibang lugar, ngunit hanggang La Amorosa na lamang ang kanilang patutunguhan. Hindi lahat kayang umalis ng hindi hihilahin pabalik. Pero para sa akin, kung ako'y lilisan para muli siyang manumbalik sa akin, gagawin ko ang lahat para makaalis. At sa aking paglingon sa pinagmulan, wala akong ibang makikita kundi ang anino ng nakaraan. Ang tanong: Makakaalis kaya ako sa La Amorosa?