2

4 0 0
                                    


Riley's POV


"Shon!" Sigaw ko sa babaeng nakaputing T-shirt na may nakaukit na logo ng canteen at slacks na kulay itim na fit sa medyo.. medyo lang naman na mahaba nitong legs.


"What is it Rie?" Bored nitong tanong sa akin. Ganyan naman siya palagi.


"Pumayag na makipag interview sa atin si Ate Rain. Hindi ba crush mo siya?"


"Can't you see I'm working Ocampo?" Inis nitong sabi at inilagay ang order slip sa counter ng canteen.


"So.. crush mo nga siya?" Asar kong tanong dahil obviously, sa pagkaalala ko, tinanong niya ako noon doon sa summer camp kung ano ang pangalan ni ate chinita na nanalo sa badminton.


"You know what? This is nonsense." Napakamot na lang ako sa kilay ko at sumimangot dahil wala pa rin siyang pagbabago. Short-tempered pa rin.



"Hahaha! Ikaw naman. Anyway, ikaw ang mag iinterview sa kanya. Ba-bye!" Humalik muna ako sa pisngi niya bago tumakbo palabas ng canteen.



Hindi yun clingy kaya malamang sa malamang ay babatukan ako nun kapag nakita ako. Haha. Hahanapin ko muna si Nicole at Madie. Naku! Baka sumugod na naman yun si Nicole dahil sa pambabae ni Madie.


Nagtatanong kayo sino sila? Ganito yan. Bale apat kaming magkakaibigan. Ako, si Madie, Nicole at Shon. Si Shon ay short-tempered, impulsive paminsan, hard-drinker (yeah sunog baga kung uminom), sporty type (varsity player siya ng basketball though nagtry rin siya ng Arnis at Track 'n Field) mature siya mag isip kaya paminsan feel namin ang bata pa namin kapag kausap siya. Si Nicole, techy siya. Maghilig sa gadgets. Mahilig magbasa ng books kumbaga bookworm, player siya ng.. chess hindi girls. Hehe! Medyo tahimik unlike Shon na sumobra na ang pagiging tahimik. Si Madie naman sakit sa ulo. Hehe! Nah, pero totoo. Mahilig kasi siya sa chicas (iyon ang tawag niya sa mga chics/flings niya), playgirl type kaya pinagdadasal naming tatlo na sana meron ng babae ang makakapagtiklop sa kanya beside kay Shon. Ako naman.. hmm, maganda. Hehe! Joke lang. Smiley face ang tawag sa akin kasi palangiti ako. Sabi nila friendly ako at mabait. Sa aming apat paminsan kaming dalawa ni Madie ang nagkakasundo. Bakit? Kasi parehas kaming madaldal. Kapag uupo na kami sa mesa namin si Nicole magbabasa yun ng libro, si Shon makikinig ng music, at kaming dalawa ni Shawn ay alam niyo na. (chismis) Hehe! Medyo mahaba na kaya stop na muna.


"How many times do i have to tell you that don't drag my name in your games?" Inis na sabi ni Nicole habang kamot ulo lang naman ginagawa ni Madie.


There they are. Ano na naman siguro ang ginawang kalokohan ni Madie.


"Dude, come on.. It's nothing serious okay?"


Huminga ng malalim si Nicole at humarap sa akin.


"Ikaw nga ang kumausap diyan." Sabay walk out.


Tumango na lang ako at lumapit kay Madie na ngayon ay naka peace sign sa akin.

"Ano na naman ba ang ginawa mo?"

"Chill. Lumabas ako ng school para bumili ng Lollipop."


"So kailangan sabihin mo sa guards ang pangalan ni Nicole?" Hindi ko gets e. Kayo rin ba?


"Exactly!" Inakbayan ako nito at inabot sa akin ang bili niyang lollipop. "Alam mo naman Milkita lang gusto kong lollipop. Nakalimutan ko kasi magdala kanina. Hindi rin ako papalabasin ng mga guards kaya sinabi ko si Nicole ang nag utos."


Ahhh. Gets ko na.


"Sa itsura mo ba naman hindi na magdadalawang isip ang mga guards."


Loose tie, Walang coat. Hay naku. Typical Madie. May napaiyak na naman siguro itong babae.


"Hey! Walang ganyanan!"


"Halika na! Mag istart na ang klase natin. Humingi ka dun ng sorry kay nicole. Bigyan mo ng lollipop. Haha."


Tumakbo ako at tumaya pa siya na mauunahan niya ako patungong classroom.


~
*At the classrom*

"Okay! Get 1/2 lengthwise. I want you to list down the possible causes of global warming."


"Hala! May quiz tayo Ma'am?"


"Ma'am hindi po kami nainform."



"Ma'am bagay po sa inyo yung suot niyo po ngayon. Mas lalo po kayong sumexy."


Lumingon kami sa pinanggagalingan ng boses at nakita namin na nakangisi pa ito.


Tumingin naman ito sa akin at kumindat pa. I shot a what-are-you-doing-look at her. Yeah right. It was Madie.

"Thank you Miss Wong but it won't change my mind."




Nakita ko ang bahagyang pagngisi ni Shon pero saglit lang yun kaya naman humarap na lang ako at itinuon ang pansin sa pagsagot sa surpise quiz ng bigla akong nakaramdam na may papel na tumama sa likod ko.


Pinulot ko ito at nakita ang tanong na, "Wanna know what's causing the global warming? - Madie"

"What's that?" Tanong ni Nicole at binasa rin ang nakasulat sa papel.

Sabay kaming napalingon sa taong nasa bandang likuran sa may dulo na walang iba kundi si Madie nagsulat nun at sumenyas ito ng "Coca-Cola body" sabay sabi ng "Women" at humagikhik.



Napailing na lang kaming dalawa ni Nicole dahil muntikan pa kaming pagbintangan na nagchi-cheat kaya nagpasya kaming huwag ng pansinin ito.


Dumaan pa ang ilang oras at nagpasya kaming magkita kita na lang sa parking area.


~

I had this in my mind a long time ago.. just don't wanna recall some memories. - Elle

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boundless LoveWhere stories live. Discover now