CHAPTER 2: MR. NIXON DELGADO

203 44 18
                                    

CHAPTER 2: MR NIXON DELGADO.

Nagising ako sa isang alarm. Sobrang lakas nito at rinig na rinig ito sa kwarto ko, shit! Agad akong bumangon at tumakbo sa labas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I am scared of loud things, I mean — kapag sobrang tagal. Kagaya ng alarms. Kaya't tumakbo ako palabas. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko alam kung sa kanan o kaliwa ba ang daan, ngunit mas malakas ang tunog sa kaliwa kaya sa kanan ako pumunta at hindi sinasadyang makabunggo.

Galing ito sa kwarto niya at kalalabas lang.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" tanong nito.

Sobrang lamig ng boses niya, halata ang inis ngunit wala paring gaanong emosyon dito. How can he maintain that cold voice of his?

Nagulat ako sa sarili kong mga paa. Natumba ako dahil sa sobrang lakad ng pagka bunggo ko sakanya, ngunit agad ding tumayo at niyakap ito. Nanatili itong nakatayo pagtapos mabunggo at hindi ko rin alam paano niya nagawa iyon.

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nito. Kanina ay tama lang ngunit ngayon ay mas lalo itong lumakas. Hindi na rin naman nakapag-tataka dahil siguro'y kahit sakin mangyari ang ganitong sitwasyon ay kakabahan talaga ako. Isang hindi mo kilala ang biglang yayakap sayo.

Ilang minuto pa ay tumigil na ang tunog. Inalis ko ng onti-onti ang pagka-yakap sakanya at ngayon ko lang naramdaman ang pagka-ilang...

"S-Sorry!" I said, bowing after removing the hug.

I heard a smirk.

I lifted my head up and saw a familiar smirk. I knew it. Argh, gusto kong magpalamon lalo sa lupa bigla! Tristan, ano nanaman bang katangahan ito?!

He's the guy who entered my room yesterday...

"Stop looking at me like that, I might melt." Mas lalong lumaki ang ngisi nito.

Gwapo sana, mahangin nga lang.

Sasabihin ko bang naalala ko yung kagabi o huwag na? Kaso baka mas maging awkward pa ang atmosphere. Okay, huwag nalang.

Napansin kong aalis ito kaya ako'y naglakad kasama niya.

"Hoy! Saan ka pupunta?!" tanong ko, bakit ba ako pa ang galit?

Hindi ito nag salita at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Lakad lang kami nang lakad at reklamo ako nang reklamo dahil medyo malayo na ang narating namin.

"Ang layo na nang nilalakad natin, saan ba 'to papunta?! Sa mars?!" I mumbled.

"Sa puso ko,"

I heard a smirk once again.

Minsan, iisipin ko nalang na bungal to eh.

Ilang minuto pa nang paglalakad, at may natanaw akong building. Ang direksyon namin ay papunta doon at sure ako na walang tao roon. Halatang abandonado na ang lugar, ano namang gagawin niya roon? Ah, baka may kukunin. Oo, ayun nga.

Nawala ang pag-asa ko na may kukunin lang siya ng lagpasan namin ang building at dumiretso sa likod nito. Likod nang building? Ano namang gagawin namin dito?!

Natigilan ako sa pag-iisip nang maglabas ito ng isang vape mula sa tagiliran niya at nag simulang gamitin ito. Madaming gumagamit nito sa amin, dito rin pala? Cool.

Napansin nito na nakatitig ako sa vape.

"Malayo ba 'to sa pinag s-stayan natin? Balik na tayo. Nasaan ba si Matt?" tanong ko.

"Yung pangit na masyadong mabait na taga-sunod? Tsk, anong mayroon sakanya?"

"Huh? Wala. Sabi niya kasi kapag may kailangan ako, sabihin ko lang sakanya," I uttered innocently.

I AM THE LOST SON (ON HOLD)Where stories live. Discover now