CHAPTER 3: MOREAUX

139 33 7
                                    

CHAPTER 3: MOREAUX.

∆.

Hello Inkkies! Please don't forget to comment if you're a silent reader, or just vote! I'm trying to increase my rankings on tags for other people to reach my story. You can also recommend this to your friends. The more, the merrier.

Btw, you can also comment your ships. Sino kaya ang lalayag?

***

Natatakot ako. Anong nangyari? Anong ginawa ko? Nang dahil lang sa pag sigaw ay para silang naging estatwa, kulang nalang ay pinturahan sila ng puti. Some of them are still holding their spoon and forks, some are drinking... And these two, they're frozen in front of me. Patuloy lang sa pag-agos ang dugo nilang dalawa ngunit sila ay hindi na.

Nagawa ko ito dahil galit ako. Dahil hiniling ko na tumigil sila. Alam ko na. Siguro ay dapat gawin ko naman ngayon ang kabaligtaran? Tama!

I tried to calm myself, and offer my mind some peace. Pag tapos noon ay... Mas lumuwag na ang pag hinga ko.

Pumikit ako at lumunok, biglang umingay ang paligid. Tumigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at nag b-bulungan. Naririnig ko ang iba kahit na mahina lang ito, dahil na rin siguro sa sobrang takot nila.

"Bakit ganoon? Feeling ko na statwa ako bigla!"

"Same!"

"Bakit parang na-paralyzed ako?"

Ilan lamang sa mga tanong na naririnig ko sa paligid. Tumingin ako kay Nixon, at kay Matt — and I saw confusion in their eyes.

Nawala ang galit sa mga mata nila at napalitan ng tanong. Napakaraming tanong. At alam kong para sa akin 'yon...

"H-Hindi mo ba naramdaman yon, Tristan?" Matt asked, concerned, by the way he looks at me. Puno rin ito ng pawis.

"Ang alin..." sagot ko.

"We all felt paralyzed, and you were the only one who didn't!" Sigaw ni Matt.

Napa-iling ako rito. Alam kong gulat na gulat siya ngunit grabe ito maka-sigaw. I know he's waiting for my answers.

"Maybe try calming yourself first, and stick with your not-so-unbelievable thoughts before acting as if you were the only one who felt that way?" Tumingin ako kung sino ang nagsabi noon kahit na pamilyar naman na ang boses niya. And I'm not wrong. It's Nixon.

Tumingin ito sa akin at hinawakan ang braso ko.

Hindi tumayo si Matt, kahit kami ay tumayo na.

"Saan mo siya dadalhin?" tanong nito. I can sense the authority in his voice.

"Kung saan wala ka." Tumigil si Nixon pati ako sa paglalakad.

"At anong gagawin mo sakanya? B-Bullyihin mo siya kagaya ng ginawa mo sa ibang babae rito? O di kaya't paglalaruan ang nararandaman niya?" Sunod-sunod na tanong ni Matt.

Tiningnan ko si Nixon, at ganoon din ang ginawa nito.

Napa hawak bigla sa ulo si Matthew. Hindi ko alam kung bakit ngunit ramdam ko ay may masakit doon. Nagpatuloy na kami ni Nixon sa paglalakad habang napansin kong ngumisi ito. Huh? Hindi kaya ay may kinalaman siya roon? Pero paano, ni hindi niya nga hinawakan o nilapitan man lang si Matt kanina. Argh, ang daming tanong sa isip ko, at alam kong dapat ko nang malaman ang mga sagot para roon kung ayaw ko pang mabaliw sa mga susunod na araw.

Nakalabas na kami ng dining room. Tiningnan ko ito at diretso lang ang lakad niya. Hindi niya parin inaaalis sa ang mahigpit na pagkakahawak niya sa akin.

I AM THE LOST SON (ON HOLD)Where stories live. Discover now