Chapter Twenty-four

2 0 0
                                    

"Baka ikaw ang cutting classes." aniya

"Kakarating ko lang dito."

"Kakarating ko lang din dito." malakas ngunit mahinahon niyang aniya.

Hindi ko malaman kung ako ba ang mali o nasa mga taong nakapaligid ko, pero mas minabuti ko nalang na iwan si Zaiden at bigla nalang lumabas nang campus.

Hinayaan ko nalang ang mga paa kung saan ako nito dalhin kaya sa huli'y nakarating ako sa parke, kung saan madaming bata ang naglalaro doon.

Malawak ang lugar na iyon sapagkat sa likuranang bahagi nito ay may garden, doon ko naisipang maupo sa ilalim nang puno, walang Zaiden na laging nakabuntot sakin.

Naupo ako at muling isinandal ang sarili sa malaking puno nang acacia, ninamnam ang bawat hampas nang malamig na hangin saking balat. Nasapo ko nalang ang aking ulo nang maalala ang mga nagyari, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mangyari ito, miski ang pagliban sa klase ay nagawa ko na rin, madalas naman mag-mukmok lang ako sa classroom okay na pero ngayon ibang galit ang naramdaman ko, kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa pero bigo ako, naalala kong nasa bag ko pala ito.

Paniguradong hinahanap na ako ni Audrey, pero mas minabuti kong manatili. Pinikit ko nalang ang mga mata habang pinapakiramdaman ang hangin.

"Hi ate."

Gulat akong nag buklat nang mata at nakita si Liam na may hawak na bola "Hi pogi, bakit ka andito?"

"Playing with friends po."

"Wala kang kasamang matanda? I mean mas nakakatanda sayo?"

"Siya po." sabay turo niya sa gawing kanan ko, napalingon ako sa gawing tinuro niya at nakita si Julius na naka upo sa bench habang naka krus ang mga braso. Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang tumayo at naglakad papalapit saakin.

"Cutting classes huh." aniya

"Mag pinsan nga talaga kayo, psh."

"You mean, me and Zaiden?"

"Sino pa nga ba?"

"So, you're here because of him?"

"Hindi no!"

Hindi niya ako sinagot bagkos lumapit siya sa kapatid, umupo ito sa paraan na magtama ang mukha nilang dalawa "Liam, go play with your friends."

"Okay." ani ng bata sabay takbo nito sa play ground.

Nang makalayo ang bata ay agad naman siyang lumapit, naupo saking tabi kaya agad din naman akong nag ayos nang pag-upo upang magkaroon nang espasyo sa pagitan namin.

"Pwede kang mag kwento sa 'kin." aniya.

"Ayoko nga." kunot noo kung sambit.

"Okay, hindi kita pipilitin." aniya.

"Bakit ka andito?"

"Babantayan si Liam." walang emosyong sambit niya.

"Wala kang klase?"

Umiling siya bilang sagot, ramdam ko ang pag buntong hininga niya kaya lumingon ako sa gawi niya para titigan siya.

"Dahil kay Sam ba?" biglang sambit niya.

"Hindi ko maintindihan, lately madalas na kami mag-away."

Lost In LoveWhere stories live. Discover now