Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

PART ONE: THE DAY OF FEBRUARY 14TH

69.2K 2.4K 3.3K
                                    

"MAMAMATAY NA YATA AKO TODAY..."

Biglang napahinto ang lalaking nasa harapan ko. Ang kanina pa n'yang mahigpit na pagkakahawak sa kanyang bag ay mas lalo pang humigpit. Nilingon n'ya ako at nang makita ang takot sa mukha ko ay napangisi ito.

"Maxx, pwede ba?" natatawa nitong sabi. "Kapareho ng candy ang pangalan mo pero dapat iyong laki ng utak mo, hindi mo rin ginagaya sa candy."

Inirapan ko s'ya.

"Zero, seryoso ako!" pagpupumilit ko.

Natigil kami nang may mga dumaan na maraming estudyante sa harap namin. Kasalukuyan kaming naglalakad sa kalye. Nang makaalis ang mga bata sa harapan namin ay tiningnan akong muli ni Zero.

"Every year ko na 'yang naririnig sa'yo, every 14th of February, to be exact," sabi nito at isinuot ang ID n'ya mula sa bag. "Pero hanggang ngayon, look at yourself, Maxx. Buhay ka pa at malaki pa sa buntis ang tiyan."

Tiningnan ko s'ya nang masama ngunit tawa lang ang naging tugon n'ya.

"Pero iba ang pakiramdam ko ngayon," sabi ko. "Alam mo iyong pakiramdam na parang lahat ng sign sinasabing mamamatay ka na? May tawag doon eh, teka..."

"Ano?" naiinip na tanong ni Zero habang inaayos ang lace ng ID niya.

"Starts with letter p, eh, hindi ko lang maalala," pag-iisip ko.

"P?" tanong niya. "Pag-iinarte?"

Tiningnan ko s'ya muli nang masama. "Gusto mong masaktan?"

"Joke," sabi niya nang nakangisi. "Premonition."

"AYUN!" sigaw ko. "Premonition! See? Ramdam ko s'ya. As in, something different will happen today. Trust me."

"Paanong different?" tanong ni Zero habang tinitingnan ang relo niya. "Eh, ni isa nga sa mga predictions mo, wala namang tumatama."

Tiningnan niya ang relo at bumuntonghininga. "Malapit na tayong ma-late. Nasa'n na ba kasi iyong mga bus?"

"Ah, basta!" pagwawalang-bahala ko sa sinabi niya. "I can feel it! Today is different."

"Yeah, it's indeed different," he said. "Kasi this year, you have no date."

He then laughed and looked at me with a wide grin.

"Happy break up, Maxx!"

I looked at him sharply. That's when I noticed that Zero was wearing his usual neat uniform, his somewhat curly black hair, and his favorite NASA bomber jacket.

"Seriously, Zero?" tanong ko. "Kaibigan ba talaga kita? Hobby mo na bang i-bully ako, ha?"

TUNED IN (Wattys2021 WINNER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon