CHAPTER 34:Busy pa more

55 1 0
                                    

Dear diary,
Pagising ko ay bumaba ako, ay bumaba ako binati sa nanay, at babatiin ko sana sila Liana at Tatay. Kaso pagbaba ko ay wala silang dalawa. So naligo muna ako at nagbihis. Pagkatapos ay pumunta ako sa karenderya. Pagkarating ko karenderya, nandoon nga silang dalawa. Busy na busy dahil madaming tao nga na kumakain sa karenderya.

 Tanong ko kay Liana "Liana, nasaan  si tatay😕"? Sabi niya "nasa loob ng kusina nagluluto". Pinuntahan ko sa kusina si tatay. Tanong ko kay tatay "tay, nasaan sila ate mik at ate cris😕"? Oo nga pala si ate cris at ate mik ay nagtratrabaho at tumutulong kay tatay dito sa karenderya. Silang dalawa ay malapit kay nanay,kaya napalapit din sila sa amin.

 Matagal-tagal na din silang dalawa ay nagtratrabaho sa aming karenderya. Eh one year before nang mamatay si nanay dito na nagtratrabaho sila ate cris at ate mik. Kahit na nung bumaba ang kita at bumaba ang sweldo nila, dito pa din sila nagtratrabaho. Sabi ni tatay "si ate mik mo nagpaalam na sa akin kahapon na hindi papasok ngayong araw dahil may kailangan daw siyang pupuntahan. Tapos naman ang ate cris mo ay hindi pumasok dahil may emergency daw siya". 

Sabi ko "oh sige tay, tulungan ko na kayo". Sabi ni Tatay "sige anak, slam at🙂". Pinuntahan ko si Liana at tanong ko sa kanya "oh kaya mo ba"? Sabi ni Liana "oo naman ate diba nga magaling ako sa math". Tanong ko "hindi, kaya mo bang pagsabayin ang linis sa lamesa, sa pabibigay ng mga order, at pagkukuha ng bayad at pabibigay ng sukli sa mga bayad nila"? 

Sabi ni Liana "Hindi😅". Sabi ko "oh sige na, maging kahera ka na lang. Ako na bahala sa pagbibigay ng order, paglilinis ng lamesa at paghuhugas ng mga pinggan". Tanong ni Liana "kaya mo"? Sabi ko "excuse me noh grade 2 palang ako tumutulong na ako sa karenderya kada sabado at linggo noh. Sige na, may kailangan pa akong gawin".

 Matapos kong sabihin yun kay Liana nagsimula na akong maglinis ng mga ng mga lamesa at pagkatapos ay naghugas ng mga pinggan. Sumunod ay namigay ng mga order, maya-maya uli ay balik sa paghuhugas ng pinggan at balik naman sa paglilinis ng pinggan. Makalipas ang dalawang oras ay 12:25pm na. Mga iilan na lang ng mga ngunit maya-maya ay mag nagsipasukan ng mga limang college students. Sabi ko "okay pa yan mabilis naman ata silang kumain kaya may oras pa para maligo maya-maya bago kami magkita ni Jake". 

Makalipas ang isang oras ay natapos ang din kumain ang mga studyante na'to. Nang makaalis na sila ay agad kong nilinis yung lamesang at hugasan ang mga pinggan na kanilang pinagkainan. Siyempre 1:25pm na nun kasi nga diba after 1 hour ang sabi ko diba? Kaso may mga 3 taxi driver naman ang pumasok sa karenderya. Sabi ko "mukhang hindi na ako makakapag meet-up kay Jake. Sorry Jake😞". Siyempre bawal ako makapag meet-up kay Jake dahil hindi ko naman pwedeng iwanan sila Liana at si Tatay hindi ko dito karenderya. 

Makalipas ang isa at kalahating oras ay naglinis na ako ng mga lamesa at naghugas ng mga pinggan. Makalipas ang dalawang oras ay wala paring customer. Lumabas si tatay galing kusina at ang tanong  niya "oh wala pa ding tao😕"? Umiling kaming pareho ni Liana. Sabi ni tatay "oh edi magsara na tayo". 

Tanong namin ng sabay ni Liana "Magsasara na po😃"? Sabi ni tatay "oo, magsasara na tayo. Sigurado akong marami-rami na ang kita natin". Tanong niya kay Liana "Madami nga ba anak😕"? Sabi ni Liana "opo tay"! Pagligpit at pagsara namin ng karenderya ay umuwi na kami.

 Paguwi namin ay ang Tanong ni tatay "oh, napagod na sobra kayo noh"? Dahil pagpasok namin ng bahay ay agad kaming humilata sa sala. Tumango kami sa tanong ni tatay. Biglang kumulo ang tiyan ko at narinig iyon nila Liana at ni tatay. Sabi ni tatay "oh, may kulog ata". Sabi ni Liana "opo nga tay, may kulog na nangagaling sa tiyan ni are😄". Sabay silang dalawa ay nagtawanan. 

Sabi ko "hindi kasi ako nakapag tanghalian eh😑". Tanong ni tatay "HA?! Bakit?! Eh ikaw Liana"? Sabi ko "pinilit ko yang kumain ng tanghalian.Eh Tapos na po ang mga tao na magbayad nun. Kaya ako lang po ang hindi nakakain dahil nga po maraming tao kanina po, at dahil po hindi naman pa po kaya ni Liana na gawin lahat ng yun kaya ako lahat po ang nagasikaso". Tanong ni tatay "anong gusto mong ulam? Ipagluluto kita".

 Sabi ko "wag na po, mag meryenda na lang po tayo". Sabi ni tatay "oh sige, meron naman ditong ube halaya na bigay ni ate mik niyo eh kaya bumili ka na lang ng pandesal at peanut butter sa bakery". Napangiti kami ni Liana sa sinabi ni tatay. Pagkabigay ng pera sakin ni tatay ay lumabas na ako at pumunta na sa bakery. Pakadating ko sa bakery ay ang sabi ko "pabili nga po ng 30 pesos ng pandesal at isa pong tig 25 pesos ng peanut butter🙂".

 Sabbi ni lola "oh,ikaw pala iha, naku matagal-tagal na din hindi ka nakakabisita sa bakery na ito ah😀". Sabi ko "sorry po😅". Sabi ni lola "okay lang basta bumawi ka ha"? Sagot ko "opo". Sabi ni lola "naku buti sakto bagong luto itong mga pandesal. Ay! Sandali lang iha ha? Iaabot ko muna itong pandesal sa lalakin ito". 

Ngayon ko lang na pansin na may lalaki pala dito sa tabi ko na bumibili din. Naka jacket na dark blue at naka cap pa kasi eh . Inabot ni lola ang pandesal sa lalaki  Sabi ni lola "oh iho ito nga pala yung pandesal mo oh". Inabot ng lalaking ang bayad niya at kinuha ang pandesal na binili niya. Sabi ng lalaki "salamat lola🙂". 

Paglingon niya ay si LUCAS PALA YUN. Sabi ko "LUCAS"?! Sabi ni lucas "IKAW NA NAMAN"! Sabi ni lola "ay! Oo nga pala nakalimutan ko. Magkakilala pala nga kayo ano"? Sabay namin sinabi "OPO". Tanong ni lola "eh di ba sabay kayong pumapasok araw-araw sa iisang eskuwelahan😕"? 

Sabay uli namin sabi "opo". Tanong ni lola "eh kung ganon, eh bakit nagugulat at parang galit kayo nang makita niyo ang isa't-isa😕"? Sabi ko "eh lola, hindi naman po kasi kami magkasundo eh". Sabi ni Lucas "kasi nakakainis po yung mukha niya". Sabi ko "ikaw nga'tong nakakainis ang mukha eh".

 Biglang siyang tumingin ng masama at tanong niya "ano sabi mo"? Sabi ni lola "oh tama na yan". Biglang natawa sila lola. Sabi ni lola "hay naku, parang aso at pusa kayo kung mag-away eh. May naalala tuloy ako nung kabataan ko. Sige na iho baka lumamig pa yang pandesal mo". Sabi ni Lucas "sige po, salamat po😊".

 Sabi ni lola "salamat din, ingat ka😊". At umalis na siya. Sabi ni lola "oh eto na yung pandesal mo at yung peanut butter mo oh". inabot ko ang bayad ko at kinuha ko na yung pandesal at yung peanut butter. Sabi ko "salamat po lola".

 Sabi ni lola "salamat, din ingat ka his😊". Sabi ko "kayo din po"! Pag-uwi ko sa bahay ay kumain na kami ng meryenda. Pagkatapos ay maya-maya ay nagayos at kumain na kami ng hapunan. Matapos nun ay nag wash-up,nagbihis,at nag-goodnight isa't isa. 

Bago matulog ay minessege ko sa messenger si Jake. Ang sabi sa kanya "sorry Jake kung hindi ako nakapunta sa cafe kanina. Busy lang Malaga kasi ako kanina". Nag-hintay ako sa reply niya. Makalipas ang 30 minutes ay tinignan ko ay hindi parin siya nagrereply. Naghintay uli ako at makalipas ng 30 minutes ay tinignan ko ay wla pa din reply. 

Pagkita ko ay nag active 21 hours ago pala siya. Kaya nagdasal at natulog ako dahil antok na ako. 

MY HIGHSCHOOL DIARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon