Chapter 24: "Do you love me?"

108 4 2
                                    

ARCI's POV

Wala akong kibo hanggang sa mayari yung event, wala talaga! As in wala!

Nababagabag pa din ako sa narinig ko kanina at paulit ulit ko pa ding tinatanong ang sarili ko ng 'Does he love me?'

Maging ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong ko, gusto ko man syang tanongin pero natatakot ako. Natatakot ako sa isasagot nya.

Baka nga gusto nya ako pero m-mahal nya ba ako?

"AC Were here." nabalik ako sa realidad at napalingon ako kay Ian.

Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa bahay ko! 

"You're spacing out again, may problema ba?" tanong nya sa akin.

"W-Wala" utal na sagot ko sa kanya.

"Are you sure?" paninigurado nya.

Huminga ako ng sobrang lalim atsaka ako humarap sa kanya. Mas maganda na siguro na tanungin ko sya ngayon kesa naman sa huli ako magsisi, mas maganda ng mas maaga kong malaman.

"I Love you" sabi ko sa kanya.

Naglikot yung mga mata nya na tila hindi alam kung titingin ba sya sa akin.

"Hindi mo sinagot" mahinang bulong ko pa atsaka ako nag-iwas ng tingin sa kanya.

Napangiti ako ng mapait. Gusto kong umiyak sa harap nya ngayon pero hindi ko magawa, nanghihinayang ako.

"A-AC" pagtawag nya sa pangalan ko.

"S-Sige mauuna na ako" paalam ko sa kanya at bababa na sana ako pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng pag-higit sa braso ko.

"N-nagulat lang ako, i didn't expect na sasabihin mo yun"

"You didn't expect?" sarkastikong tanong ko sa kanya "So hindi mo nga ako mahal" mapait na bulong ko pa.

"It's not that---"

"Mahal mo ba ako?" tanong ko ulit sa kanya na bahagya nya pang ikinagulat, merong parte ng isip at puso ko na nagsasabi na sana sagutin nya yun ng 'Oo; at may parte din na natatakot dahil baka sagutin nya yun ng pabalang "Do you love me?" ulit ko pa.

"I Like You" sagot nya, but i'm not happy with his answer.

"I'm not asking you if you like me, I'm asking you if you love me."

Naglikot ang mga mata nya at hindi nakasagot sa akin. Napapikit ako ng mariin para pigilan ang mga luha na gustong gusto ng pumatak kanina pa.

"M-Mauuna na ako" mahinang bulong ko at binawi ko sa kanya ang braso ko na hawak hawak nya.

Parang naramdaman ko yung mga nababasa at pinanonood ko...

Yung parang nabasag at nadurog ang puso ko...

Yung parang paulit ulit na sinasaksak yung puso ko...

Nakakatawa lang dahil hindi ko yun pinaniniwalaan nuon pero ngayon ramdam na ramdam ko na ganito pala yun kasakit!

Akala ko ay gawa-gawa lang nila yun ngunit nararamdama at naniniwala na ako sa mga sinasabi nila.

Bumaba na ako ng kotse nya at mas lalo akong nanlumo ng hindi man lang nya ako pinigilan o hinabol man lang.

Lantang naglakad ako hanggang sa makapasok ako ng bahay ko.

He likes me but that's not enough, i want him to love me just like how i love him.

Beauty Inside: The True MeaningWhere stories live. Discover now