2

0 0 0
                                    

Dalawang Linggo na ang lumipas pagkatapos ng birthday ko. That was also the last time I saw Niall.

Di ko naman yon iniisip dahil alam ko namang walang dahilan para makita ulit namin ang isa't isa. Sadyang sumagi lang ulit sa isip ko nang bumisita si Mr. Corpuz sa site para i-check ang papatapos nang bahay niya.

Nasa labas kami ngayon at pinapanood ang mga trabahador na busy na sa pagpipintura at pag-aasikaso ng landscape.

"How was it, Mr. Corpuz?", tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng bahay.

"Wala na akong masabi, Emmamuel.", nakangiting sabi niya. "This is more than my expectations."

"Binobola niyo na naman ako, Mr. Corpuz.", sabi ko.

"Thank you!", si Mr. Corpuz.

"It was my pleasure to help you design your home sir.", nakangiting sabi ko.

"Uncle!"

Sabay naman kaming napalingon nang marinig ang boses ni—

Niall.

"Wow. Matatapos na ang bahay niyo, uncle.", dinig kong sabi niya habang nakikipag-usap kay Mr. Corpuz.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga trabahador dahil ayaw ko namang makisali sa usapan nila.

"Impressive. Basta talaga sa arkitekto, sigurado.", si Niall.

Napangiti ako ng pasikreto. Ang sarap sa feeling na marinig ang good comments sa design. Pati na rin sa Architecure field and profession in general. Sa arktekto, sigurado!

I consider my works as my babies and I'm so glad na naa-appreciate na agad kahit di pa tapos.

An architect's work is more than just on the aesthetic appeal, functionality and sustainability is the most considered.

"Ang ganda niya.", namamangha pang sabi ni Niall.

Narinig ko namang tumawa si Mr. Corpuz matapos magsalita ni Niall kaya napalingon ako sa kanila.

Nabigla naman ako nang makita kong nakatingin sa'kin si Niall. Wait, ako ba? Huwag kang ganyan makatingin Niall, nagiging fileengera na ako ha.

Relax, Emmanuel. Bahay ang tinutukoy niyang maganda. Nakatingin siya sayo dahil design mo yon.

I inhaled then looked away. Binalik ko na lang ang tingin ko sa bahay dahil di ko alam ang ire-react ko sa sinabi ni Niall.

Wag mag-assume, masasaktan ka lang.

Sinamahan ko sina Mr. Corpuz at Niall papasok ng bahay. Gusto raw kasi makita ni Niall ang loob nito. Of course, PPE is a must before entering the construction site. Safety first.

Nang matapos kaming maglibot at makabalik sa baba, napansin ko namang tanghali na kaya sinabihan ko ang mga trabahador doon na mananghalian muna. Walang dapat mapaglipasan ng gutom dahil masama sa katawan. Lumabas na rin ako at astang papunta na sa kotse ko nang tawagin ako ni Mr. Corpuz.

"Let's have lunch together, Emmanuel.", si Mr. Corpuz. "May malapit na restaurant diyan. Doon na lang tayo."

Napatingin muna ako kay Niall na mistulang nag-aantay din ng sagot ko.

"Sige.", tipid na sagot ko at sumunod sa kanila.

Nilakad lang namin dahil malapit lang naman. 3 minutes lang at nakarating na kami at umorder na kami agad ng pagkain.

I ordered bulalo and halo-halo. I'm used to eat heavy meal for breakfast and lunch kaya iyon ang inorder ko.

Sisig naman ang kay Mr. Corpuz at sinigang na baboy ang kay Niall.

Moments of TimeWhere stories live. Discover now