4

0 0 0
                                    

3 weeks later~

I received a call from Mr. Corpuz inviting me for their house blessing. Hindi pa naman kami ganon kabusy at tapos ko na rin naman ang trabaho ko kaya nagpaalam akong mag-early lunch break.

10:30 AM pa lang naman at buti na lang pinayagan ako ng boss namin dahil magbabyahe pa ako papuntang Laguna.

Timing naman at di masyadong traffic kaya saktong lunch time ako dumating sa bahay ni Mr. Corpuz.

At dahil businessman nga itong si Mr. Corpuz ay medyo marami ang bisita. Agad naman niya akong nakita pagkapasok ko kaya winelcome niya ako at pinakilala sa mga nandoon.

"Nice meeting you, Arch. Lim!", paulit-ulit na sabi nila.

"Here's my wife, Estella, architect.", pakilala pa sakin ni sir Corpuz. "Hon, this is Arch. Emmanuel Lim."

"It was finally great to see you in person, architect Lim! Thank you for designing this comfortable abode.", masayang sabi ng asawa ni Mr. Corpuz.

"My pleasure, Mrs. Corpuz.", masayang sabi ko.

"Come, come, let's eat.", si Mrs. Corpuz at sinamahan pa ako papuntang buffet table.

Kumuha naman ako ng katamtamang pagkain at umupo na rin sa dining table. Bukod sa family nila ay ako at ang mag-asawang kliyente ko ang naupo rito kaya medyo awkward.

Pero naging kumportable naman ako maya-maya dahil maayos naman ang pakikitungo nilang lahat sakin.

Halatang natural na sa kanila ang pagngiti at pagiging sweet sa bawat miyembro ng pamilya nila and I can't help myself to admire them.

"Baka hanapin mo si Niall, mamaya pa yon dadating. May duty pa.", singit ni Mr. Corpuz.

Napansin naman iyon ng mga kamag-anak nila kaya tinanong nila what's between me and Niall.

"We're just friends. Kakakilala lang po namin last last month nung bumisita sila habang ginagawa palang to.", sagot ko.

"I thought——hahahah!", di na lang tinapos ni Mrs. Corpuz ang sasabihin niya at ngumiti na lang.

Geez maho-hotseat pa yata ako rito. Nakita ko naman ang oras at malapit nang mag ala-una kaya nagpaalam na ako sa pamilya nila Mr. Corpuz.

Pero bago pa ako makatayo sa lamesa ay sakto namang dumating si Niall. He's really good-looking with his light blue longsleeves na folded up to his elbow.

Agad siyang nagbless at nakipagbeso sa mga realtives and family nila.

"Oh Niall, buti naabutan mo si architect Lim.", sabi ng tita niya yata yun.

"Hello there, architect. Aalis ka na?", tanong ni Niall habang papalapit sakin at inaayos ang butones ng polo niya.

"Oo, may pasok pa kasi ako.", sabi ko at tinapik siya sa balikat.

"Sayang kadadating ko lang. Alright, ingat sa biyahe, architect.", casual na sabi ni Niall at nabigla ako nang bigla niya akong bineso!

Besh, nagkadikit ang mga mukha namin, besh!

Nakarecover naman ako kaagad kaya nginitian ko siya at silang lahat na nasa dining table.

"Bakit di mo na lang muna ihatid si architect sa kotse niya, anak?", sabi ng mommy ni Niall.

Tumango naman si Niall at sinamahan ako palabas.

"Thank you, alis na 'ko.", sabi ko bago i-start ang engine.

"Ingat.", tipid niyang sabi then waved.

At tuloy-tuloy na akong bumyahe to Quezon City pabalik sa firm.

Moments of TimeWhere stories live. Discover now