EPILOGUE

625 23 0
                                    

Ysieve's PoV

I was exhausted and mournful when Ate died... and here I am, escaping the sadness. Para akong binagsakan ng dalawang bato nang magkasabay. Smoking became my escape amidst all the chaos.

"Hey," tawag ng pamilyar na boses mula sa aking likuran. Binuga ko muna ang usok ng sigarilyo bago ko siya lingunin.

"Lumayo ka." Sabi ko, nakita ko namang nagulat siya.

"H-ha?" Anya.

"Lumayo ka. Masamang makalanghap ka ng sigarilyo," paglilinaw ko kaya naman umatras siya.

Inupos ko ang sigarilyo at itinapon sa basurahan sa aking tabi. Kumuha ako ng candy mula sa aking bulsa t'yaka kinain para mawala ang amoy ng sigarilyo.

"Anong kailangan mo?" I asked. I tried hard to sound cold.

"Ahm... I...I want to say," agad ko siyang pinutol at pinagtaasan ng kilay.

"Sorry?" I smirked. "May magagawa ba 'yang sorry mo?" Dagdag ko pa. What can sorry do, honestly?

"Yeah, ahm... Alam kong walang magagawa. My sorry will not ease the pain you're feeling. I just want to say sorry because I truly am sorry," She said. Umiling-iling ako.

"You're sorry because?" I looked away. Dahil sa pagka-kataong ito, gumagana ang pag-iyak-iyak niya.

"Because I left you." I just smirked and look back at me.

"You're not even sorry for not being by my side when I needed you the most." I exclaimed.

She was just sorry for leaving me and not the consequences after that...

"A-ahm..."

"Bakit ka pa bumalik?" I chuckled and slap my head lightly. "Yeah, Ate's funeral. Bakit mo nga naman ako babalikan? You already made a decision. Silly me," I faked a chuckled.

Bakit nga ba siya babalik? It's impossible that it's for me. She never chose me. It's always Joshiro. Joshiro instead of me. I was never selected.

"Ysieve..."

"You left me in the time I needed you the most. Hear me? You hurt me in the time I need to be strong for my family. How can I be strong if I, myself was wrecked because of a stupid girl na hindi man lang nagdalawang isip na iwan ako?" My tears started falling down to my cheeks.

" You didn't even had a second thought of leaving me. You just left... noong kailangan ko ng karamay, wala ka. Noong kailangan ko ng pagkukuhanan ng lakas, wala ka rin! Ubos na ubos na ako Chatty! Hindi ko alam saan pa ako kukuha ng lakas. Wala ka kasi mas pinili mo 'yung ex mong paulit-ulit kang sinasaktan kaysa sa akin na kahit padapuan ka ng lamok, hindi ko magawa!" I shouted and cried hard. Tumalikod ako para mapunasan ang aking mga luha.

"Before I left the country, I was still hoping na mayroong Chatty na susunod sa akin. Kasi ubos na ubos na ako. Wala na akong lakas para lumaban ulit. Kasi 'yung lakas ko pinagpalit ako sa kahinaan niya... do you know what I felt when you left? Hindi mo alam 'yung pakiramdam na maiwan sa labanan na ikaw lang pala 'yung sundalong lumalaban. You left me in that battle hanging and waiting for you to fight with me. But you didn't..." halos bulong nalamang ang mga sinasabi ko. I just keep on crying.

"Oh? Anong iniiyak-iyak mo? Umiyak ka lang. Because the moment you decided to leave, I already said that there will be no Ysieve Sollera na aalo sayo." I took a lot of courage para iwanan siya roon.

I'm at the construction of our new Fameux Pharmaceutical branch, checking if there's improvements when my phone suddenly rang. It's Kuya Van.

"Hello, Kuya Van?" I answered.

Battle Of Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now