Napaayos ako ng upo ng makaharap na siya sa akin. Napayuko siyang nakatingin sa akin.
Habang maaga pa Davee tatapusin ko habang hindi pa malalim ang pagkakagusto mo sa akin.
"Cj is my ex, a year ago. We been happy and let's call it perfect relationship between us, nakilala ko siya from La Salle, doon kasi siya nag-aaral ng Senior High before UST College."
Huminga muna ako ng malalim bago mag-kwento ulit. Nananatili siyang tahimik at nakikinig sa tabi ko.
"He's my childhood playmate my parents and mine are good friends since then. Naaalala ko pa ang sabi niya noon na hindi niya ako iiwan pero kita mo ngayon? Pinagpalit ako sa mas malapit!" napailing ako at mapait na ngumiti.
"He dosen't love you that much."
Tumango ako, he have a point.
"Maybe he loved me but not as strong as I believe. Maaring mahal niya ako pero hindi gannon katibay dahil nakaya niya akong ipagpalit sa iba. I can't imagine someone that I have love, tapos kapag nakahanap ako ng iba papalitan ko na lang dahil lang sa malayo siya. Akala ko pa naman noon, he understand me the most but not... " sambit ko.
Napasinghap siya at napatingin sa paligid. "Mahal mo pa ba?"
"Hindi ko alam Davee, sa bawat araw na nakikita ko sila ni Alia nandito pa rin 'yong alala na niloko niya ako dahil sa ibang babae."
"I know Alia, she's my ex."
"Huh? What?"
Ex niya yon!?
"Ex mo din 'yon?" ngumiwi ako.
"Tapos?" tanong niya ulit.
"Pumunta akong U.S dahil kailangan ako ni Mommy, doon ako nagaral para na rin mabantayan siya habang nagpapagaling siya sa sakit niya. Kinausap ko si Cj na kung maaari sasamahan ko si Mom pero ewan ko ba, bigla na lang kasi siyang nanlamig sa akin. No'ng una hindi ko 'yon pinansin dahil akala ko stress lang siya sa school works niya, hindi ko inakalang abala pala siya sa babae niya. Hindi ko pa no'n nalalaman na niloloko niya ako, nakita ko 'yong picture nila sa fb ni Alia, hindi ako halos makapaniwala kasi akala ko illusion lang 'yon e..."
"Tapos alam mo 'yong mas masakit? Ayon iyong umuwi ako dito kahit sobrang pagod ako sa galing school, gusto kong ipaliwanag niya lahat ang mga nakita ko. Na sana biro niya lang 'yon para bumalik ako pero hindi e... Nakita ko siya Davee. Alam mo 'yong siya ang mundo ko pero ng makita ko siyang nakikipaghahalikan sa iba, parang gumuho lahat ng pangarap ko, ang pangarap namin... Ang sakit kasi siya na lang kasi ang mayroon ako, wala ang Papa ko para mahalin ako tapos makikita ko siya ng ganon? Lolokohin ako? Siya na lang kasi ang kinakapitan ko tapos niloko niya lang ako. Gusto kong tanungin sa kanya kung saan ba ako nagkulang kung may mga pagkakamali ba ako o may hindi ba ako naibigay sa kanya dahil handa akong ibigay 'yon sa kanya basta wag niya na lang akong lokohin ng ganito pero nangyari na e... Nahuli na kasi ako, maaaring may kasalanan ako pero hindi ko naman yata deserve na lokohin na lang ng ganito, tao rin naman ako. Nasasaktan din naman ako e..."
"Shsssh. You don't deserve to be hurt."
"Tapos after a year umuwi ako dito sa pilipinas. Akala ko kapag umuwi ako ayos na. Akala ko nakakamove-on na ako pero hindi pa yata sapat ang isang taon na pag-iyak ko. Paulit ulit kong tinanong ang sarili ko kung saan ako nagkamali baka kasi may nagawa ako pero wala e... Siguro mali lang talagang mahalin siya. Ng makita ko ulit siya sa UST kasama ang girlfriend niya, doon mas lalong umalab ang galit ko dahil sa panloloko nila, halos hindi mawala sa isip ko kung paano sila naghahalikan sa harap ko... Kitang kita ko kung paano siya naging masaya kahit wala ako... Ang sakit nakakaputang*na e!"
Inabot niya 'yong puting panyo niya sa akin, nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko pa. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sa kanya 'to lahat. "Nagmahal ka lang naman, walang kulang sayo Kim. You just love the wrong person."
Napatango ako. "Si Daddy ko hindi ko ramdam na mahal niya talaga kami ng kapatid ko at ni Mommy. Mahal ko si Dad kahit minsan hindi ko randam na mahal niya kami pero tulad ni Cj niloko niya din si Mommy ko, niloko niya kaming magkakapatid. Niloko niya kaming pamilya niya! T-Tapos gusto niyang tanggapin namin si Alia at ang kabit niyang si Alliana? Kalokohan." napailing ako at sunod sunod ang pagbuhos ng mga luha ko.
Shit.
"Wag ka ng umiyak, ssh. Don't worry, nandito lang ako." niyakap na niya ako.
"I'm sorry Davee if I need to let go of you. Kung bakit kailangan tanggihan kita sa panliligaw mo dahil kapag pinatagal ko ang ganitong set up natin, alam kong masasaktan kita." kumalas ako sa yakap niya at hinawakan ang kamay niya.
"Ayos lang pero hindi ko maipapangako na susuko ako sa'yo. Susubukan kong maging magkaibigan tayo pero umaasa ako na magugustuhan mo din ako. I love you." sambit niya.
Napabuntong-hiniga ako. Kung pwede lang Davee, sana ikaw na lang ang minahal ko. "I don't know, sorry."
"I'll be at your side, hindi kita iiwan." sabi niya.
Niyakap ko siya ulit. I know he deserves someone better not me.
Papunta kami ngayon sa Espana near UST College, kakain kami.
"Lagi ka bang walang klase? I mean your a med student?" kuryusong tanong ko.
Ngayong nasabi ko na sa kanya ang lahat, he never judge me. He understand me the most.
"Wala pa, sembreak pa namin e."
Umupo muna kami sa may bleacher matapos naming bumili ng foods.
"About kanina, sa atin na lang muna 'yon ha?" pakiusap ko.
"Oo naman, I hope everything's gonna be allright. Kim. Hindi man ngayon pero alam kong darating yon." sabi niya.
"Friends?" I smiled.
"Anong friends?" kumunot ang noo niya kaya sinapak ko siya.
Umirap ako sa kanya. "Ayaw mo?"
"Syempre gusto!" siya na naman ngayon ang umirap.
Mabuti na lang at naiintindihan ako ni Davee. At sana manatili na lang kaming magkaibigan. I know that was an inappropriate things because of what I've done.
Pero 'yon na lang ang kaya kung ibigay.
Ayoko na ulit siyang saktan, kahit hindi niya aminin sa akin alam kung nadismaya siya sa sinabi ko kanina.
I reject him because of my selfishness.
Ang sama ko.
Pero hindi ko kayang lokohin siya gaya ng ginawa ni Cj sa akin.
Ayoko munang magmahal hanggat hindi pa tapos ang lahat.
Alam kong makasarili ako, tama siguro si Hanan.
I'm selfish and immature.
Masisisi ba nila ako?
I was hurt.

YOU ARE READING
Arrange Marriage With My Ex
Teen FictionAMWME* Kim Vallejo the new freshmen transferee from UST Civil Engineering meets his ex-boyfriend Cj Castillo from UST Law School, the current Captain of UST Growling Tigers, despite of there past she always mending her heart and finding herself. Unt...