Chapter 17

5.5K 297 13
                                    

Lennox

Wala siyang imik habang naglalakad sila ni Keegan papuntang field. Ng makarating doon ay agad siyang humarap dito na ikinatigil rin nito sa paglalakad. Inilahad niya ang kanang kamay rito.

Nagsalubong ang kilay nito. "What?"

She rolled her eyes. "Aren't you gonna give what's rightfully mine?"

Mukhang nakuha nito ang ibig niyang sabihin. Salubong pa rin ang kilay nitong dumukot sa bulsa nitong parang diring diri habang inilalabas ang hinahanap niya.

Hinablot niya ng makitang nailabas na iyon saka inilagay sa kanyang shoulder bag.

"Next time, pakitignan naman ng mabuti ang mga gamit mo ng hindi nakakalat na ganyan at muntikan pa akong mapahamak kanina dahil sa kagagawan mo. Nakakahiya!"

Ngumisi siya rito. Alam niyang mukha siyang kontrabida ngayon but this girl infront of her, sandamakmak parati ang dala nitong pasensya.

"Oh please, Monteverde." Lumapit siya rito at pinukol ng tinging nanghahamon. Hindi ito nagbawi at lumaban ng titigan sa kanya. Ewan niya pero natukso siyang ilapit ng husto ang mukha niya rito hanggang sa maamoy na niya ang mint nitong hininga. "You dare asked me but I saw how you enjoyed wiping your sweat with my underwear."

Kitang kita niyang namula ang buong mukha nito ng lumayo siya para titigan ito. Natutuwa siyang makita ang ganong reaksyon nito. She had never seen Keegan Hadlee blush before. She was fascinated to see how charm she could be.

Umirap ito sa kanya para pagtakpan ang hiya. She never thought she'd see this side of Keegan. Childish yet adorable. Hindi sila close dati pero nagsisimula na siyang makita ang mga katangian nito. It was the least thing she wanted to know. Gusto niyang makilala ng buo si Keegan Hadlee Monteverde kung sino talaga ito.

"Paano ko malalaman ni hindi ko nga nakita!" Depensa nito. "You purposely slid that thing in my pocket, Lennox!"

"Sinadya ko?!" Tinaasan niya ito ng kilay at pinamaywangan. "How dare you accused me of something I didn't meant to do Keegan! Hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang?!"

"What if nakita nila kanina? Malaking kahihiyan iyon sa side ko, Lennox." Kita niyang nagtitimpi ito.

"But they didn't."

"Paano ba napunta ang underwear mo sa jeans ko?" Keegan asked, curious.

Naupo siya sa bench at pinag-krus ang kanyang mga hita bago tumingala rito.

"When I went in your condo at pinahiram mo sakin iyan. I dont know kung anong pumasok sa isip ko at nilagay ko ang underwear ko diyan. But since nagawan ng paraan para agad matuyo ang mga damit ko. I gave back the jeans pero nakalimutan kong kunin ang underwear ko. See? That laundry shop aint checking the pockets before they wash it. Paano kung importante ang nandiyan. It would be wasted."

Huminga ito ng malalim at walang ganang tumalikod sa kanya.

"At saan ka pupunta?"

"Away from you and all the trouble you're causing me and will cause me in the near future!"

Aba't! "Hambog! Antipatika!"

"Mangkukulam!"

Napanganga siya sa narinig mula rito.

Natulala.

Her mind's processing what Keegan Hadlee just called her.

"What the fuck did she just called me?" Wala sa isip niyang tanong sa kanyang sarili. "A witch?"

Napakuyom ang kanyang kamao habang naniningkit ang kanyang mga mata. Binalingan niya kung saan naglalakad si Keegan pero hindi na niya nakita pa ang likuran ni kahit anino nito. Ito yata ang may lahing mangkukulam dahil ang bilis nitong nawala.

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Where stories live. Discover now