Chapter 24

5.2K 305 29
                                    

Lennox

Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama pagdating sa kanilang mansyon. Alam niya, marami siyang nagawang kagagahan ngayon. Kadarating lang niya galing sa condo ni Keegan. And no, she doesnt hate Erika Maurice. She's just using her para mapansin siya ni Keegan. Ewan niya but she loves it everytime na napupuna siya nito. Para nga siyang kulang sa pansin kapag ganun. Weird, but it makes her happy.

Hindi na nga rin niya maintindihan ang kanyang sarili sa ngayon kung bakit siya nagkakaganun. Pagdating kay Keegan, nagiging malaya ang pakiramdam niya. Siguro dahil ramdam niya ang pagiging totoo nito kahit hindi pa niya alam kung sino talaga ito at kung ano ang pagkatao nito.

Gusto niya si Keegan at kung paano nangyari iyon ay hindi niya alam. She knew she's a good person so she really wanted to keep her. At sa wakas ay sa kanya na nga ito.

A creepy smile formed on her lips.

Para silang mag-jowa ngayon na hindi at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba as long as she's happy.

She wanted this.

Her plan had changed. Kung noon, gusto lang niyang malaman ang dahilan kung bakit ito napadpad doon. Ngayon, wala na siyang pakialam doon. She had Keegan at iyon lang ang mahalaga sa kanya. She wouldnt force herself to find out something that's impossible to reveal. Hihintayin nalang niyang si Keegan mismo ang magsabi sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang phone ng makitang umilaw iyon. Someone texted her!

Kee2my❤
"Nakauwi kana?"

She quickly replied.

"Yeah, just got home, hun. Miss me?" Napangiti siya ng maisend iyon. She was tapping her phone while waiting for her reply dahil ilang minuto na ay wala pa itong sagot. Until finally..

Kee2my❤
"Matulog kana. May pasok pa bukas. Goodnight."

Marahas siyang napabangon habang salubong ang mga kilay niya sa text nito. What the! She didnt even say she miss her too!

"Did you or did you not miss me, Kee?!"

Kee2my❤
"Alright, I missed you too. Goodnight."

That's it?

Sa inis niya ay pabalibag niyang ibinato ang kanyang phone dahilan para mawasak ito. Naniningkit ang kanyang mga mata ng maglakad siya patungo sa kanyang bathroom para mag-shower. Ng matapos siya ay saka nagsuot ng pantulog at nagpatuyo ng buhok. She hop in bed at ng makita ang cellphone niyang nasira ay parang gusto ulit niyang ma-high blood.

Damn Keegan for making her feel this way.

You will pay tomorrow when I see you, Kee.

____

Maaga siyang nagising at agad naligo saka nagbihis. Nagmamadali siyang bumaba ng madatnan ang Daddy Steven niyang nasa sala at mukhang problemado ito habang ang Kuya Lennon niya ay kumakain. Tulog pa siguro ang asawa nitong si Adelaide lalo na't buntis ito. Nakahanda na rin ang Daddy niya at kanyang Kuya para pumasok sa trabaho.

"Hey Dad! Good morning!" She greeted him bago humalik sa pisngi nito. "Something wrong?"

Napabuntong hininga ito. "Your Mom. Naglayas siya."

Kumunot ang noo niya rito. "She called me yesterday at ang sabi niya ay may aasikasuhin siya Dad."

"Your Mom's up to something else. Hindi maganda ang kutob ko, Princess. Alam ko, may ginagawa siyang hindi maganda at ayaw lang niyang ipaalam."

"Is it about the woman from your past?"

Mukhang nagulat ito sa kanyang tanong. Stupid her for being sneaky and for having a big mouth!

"Did your Mom told you about that?" Napangiwi siya sa tanong nito. Hindi naman kasi siya sinungaling pero ayaw niyang malaman nito na narinig na niya ang bagay na iyon. Aksidente lang naman pero sinadya niya ring makinig.

"I just figured out. So what about her Dad?"

"Ang akala ng Mommy mo may relasyon kami ni Kesha. Inaamin kong minahal ko iyon pero hindi naging kami. Theres no chance for us. She's inlove with someone else so I let go of my feelings for her. Natutunan kong mahalin ang Mommy mo. Nagkaroon nga kami ng dalawang anak diba?"

She nodded.

"Pero hindi ko lang talaga maintindihan ang Mommy mo. We went in a party four months ago. Hindi sinasadyang makita namin doon si Kesha at doon na siya nagsimulang magduda. We're too old para mag-isip pa siya ng bagay na ganun. Hindi ko iyon magagawa sa kanya. Why now right? Bakit hindi noon kung talagang gusto kong ipursue sana si Kesha."

"Dad, siguro nagseselos si Mommy kaya intindihin mo nalang. Nagpalamig lang siguro iyon at hindi naglayas."

Napailing iling ito. "Iba ang Mommy mo, Princess. Alam kong dahil dito ay makakagawa siya ng mali. Pinagbantaan na niya ako noon about hurting Kesha. I dont know how to stop her. Kaya muna siya lumayo dahil alam kong may binabalak siyang masama. This will destroy her and our family."

"No Dad-"

"Listen to me, Princess. Your Mom did a lot of stupid things in the past. Wreckless decisions. Despite all those things I still love her kaya hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. I want to know where she is-"

"Then pahanap mo Daddy!" Nag-aalala siya para sa Mommy niya. Hindi pwedeng basta nalang ito gumawa ng gulo. "Talk to that woman instead, Dad! Or hire someone to look for Mommy-"

"It's no use. Siguro kapag nahanap na natin siya. Nagawa na rin niya ang nais niya. It would be late. Magaling pa naman ang Mommy mo sa taguan. And talk with Kesha?" Umiling ulit ito. "What would I tell her, Princess? Nakakahiya. Gusto ko lang makita ang Mommy mo at makausap. Mapaniwala siya."

"I'll help you find her, Dad." Singit ng Kuya Lennon niya. Tumayo ito sa tabi niya habang bitbit nito ang isang brief case. Humalik ito sa gilid ng kanyang noo. "Morning."

Hindi niya magawang sumagot rito dahil nag-aalala siya sa Mommy niya at sa posibleng gawin nito. They have to stop her Mom but how? What power does she have to do that?

She have to know about that woman.

She have to see her as soon as possible.

"Dad, anong buong pangalan ng babaeng iyon?"

Tinignan siya nito na parang binabasa ang laman ng isipan niya. "Dont add up, Princess. I've had enough with your Mom. The woman is innocent. Ni wala ngang kaalam alam iyon sa mga paratang ng Mommy mo. I am trying to stop your Mom and here you are wanting-"

"Dad." She cut her off. "I just want to know about her."

"It's Kesha Jentero." Ang Kuya Lennon na niya ang sumagot sa kanyang tanong.

Jentero? Matunog ang apelyidong iyon sa business industry. Alam niya at naririnig niya ang galing at husay nito sa negosyo. Is that the reason kung bakit insecure ang Mommy niya rito?

Napakunot noo siya ng maalala ang tungkol doon. "Jentero? The tycoon?"

Walang umimik sa mga ito. Ang alam niya ay lalaki ang nasa likuran ng apelyidong iyon but she was wrong. It's a she?

No way.

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Where stories live. Discover now