2. Pagpaparaya

162 10 2
                                    


Sabi ng mga magulang ko ang panganay daw ang dapat na magbigay sa bunso nitong kapatid. At yun ang ginagawa ko. Binibigay ko anuman ang hilingin niya sa akin. Lahat ng gusto niya sa abot ng aking makakaya. Maging ang dream course niyang maging doktor kahit na alam kong kapos kami, pinagtatrabuhan ko ito.

Pero pag dating sa pag-ibig, magpaparaya din ba ako?

Ilang buwan na lang at makakagraduate na rin si Jero, ang bunso sa aming tatlong magkakapatid. Sa wakas ay masusulit na rin ang ilang taong tumigil ako sa pag-aaral para lang matapos nya ang kanyang napiling kurso.

Matalino sya kaya di na ako nag-alinlangan pa. Bagkus ay pinagbuti ko na lang ang pagtatrabaho bilang waiter dito sa isang restaurant sa Pampanga.

"Franco." Ibinaba ko ang plato sa mesa bago binalingan ng tingin ang pinanggagalingan ng boses. Inihilig ko ang aking ulo upang kilalanin ang tumawag sa pangalan ko.

Nung makalapit na sya ay naaninag ko na sya. Si Ros--este Mam Rosette pala. Ang anak ng may-ari nitong restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

She's beautiful. Bumagay sa kanya ang bagong rebond nitong buhok at ang suot niya ngayong casual blouse at blue jeans. Other than that, she's nice and friendly.

Kaya di ko maiiwasang magka-crush sa kanya. She's different. Kahit kasi alam nyang maganda sya ay hindi nya ipinagyayabang iyon sa iba . She's still humble since the day i met her in school.

"Hey, Kamusta na? Dito ka pala nagtatarabaho," kaswal nitong tanong sa akin. Napaayos ako ng tayo ng dumapo sa akin ang kanyang mga tingin.

'Madalang syang dumalaw dito sa restaurant nila at ngayon lang talaga kami nagkita dito. Kablockmate ko sya nung college. Sa private school din kasi ako napasok noon kaso ang pinagkaiba lang namin ay mayaman sya samantalang ako ay nakapasok sa school dahil sa scholarship.'

Tuwang-tuwa nga ako noon kasi di ko inaasahang makakapasa ako. Hindi naman kasi ako kasing talino ni Jero kaya di ko talaga ine-expect na makakapasok ako.

"A-Ayos lang naman," nauutal kong sagot sa kanya.

Napangiti ito bago nagsalita "Wala ka pa rin talagang pinagbago. Nauutal ka pa rin kapag kinakausap mo ako."

"E-eh kasi....

" Hindi. Okay lang wag mo nang sagutin. Anyway ba't ka pala di na tumuloy sa studies mo," untag nito sa akin. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo. Gusto ko sanang sabihin na dahil na rin sa financial problem kaya di na'ko nakatuloy pero tila umurong  ang aking dila.

" I mean bigla ka na lang kasing di pumasok nung second sem tapos inabot pa ng ilang taon," dugtong pa niya.

Nanatili akong tahimik habang nangangapa ng mga salitang sasabihin ko sa kanya.

"If you don't mind," dugtong pa nya. Nakatingin siya sa akin at tila inaantay ang sasabihin ko.

"Ang totoo niyan kasi pinata--

" Mam Rosette." Napalingon kami sa nagsalita sa may likuran ko.

" Pinapapunta po kayo ng Mama niyo sa office. " Inayos nya ang pagkakasukbit ng asul niyang sling bag sa kanyang balikat bago tumango sa tumawag sa kanya.

" Sige ah, una na ako... mukhang nahihiya ka pang sabihin sa akin." Inayos niya ang kanyang buhok at itinali ito. Nanatili lang akong nakatingin at pinagmamasdan ag babaeng una kong hinangaan sa campus.

"Don't be shy next time, ah. Parang di tayo naging magka-blockmates dati," rinig kong sabi niya bago siya naglakad palayo sa akin.

Napahinga ako nang malalim. Wala pa talaga akong lakas ng loob para umamin. Itinuloy ko na lamang ang aking ginagawang pagse-set up ng table kanina.

One Shot Stories ✔️ (Completed)Where stories live. Discover now