4. Test Paper

74 7 0
                                    

Ibinaling ko ang tingin sa may bintana ng aming classroom. Maraming mga students sa labas na dumadaan. Base sa style at color ng uniform nila, nasa mga junior levels ito. Sa amin kasi na senor high, ako na grade 11-- blouse with a gray ribbon and a pair of gray pants ang sa amin. Kaiba ito sa  above the knee skirt nila.

Maya-maya ay biglang naramdaman ko ang pagtunog ng aking tiyan. "Tagal  naman nilang magsagot, nagugutom na ako!" bulong ko sa isip bago nilingon ang seatmate ko na lalaki.

Hindi nya ako tiningnan at halos pokus ito sa pagsasagot. "Madali laang namang sagutan yun? Bakit parang hirap  na hirap sila? Iginala ko ang aking paningin  sa mag-aaral sa likod. May iilang relax lang sa pagsasagot tapos yung iba naman ay halos lukumutin na ang papel sa inis. Marahil ay di nila makuha  ang tamang sagot.

Napakamot na lang ako sa ulo bago binaling ang tingin sa bintana. Mabuti na lang at nag-jot down ako sa papel at nakinig kanina. Hindi naman sa pagmamayabang pero sa lahat ng subject, pinakapaborito ko ang math!

Napahawak ako sa magkabilang braso. Anlamig, bakit ba hindi ako nagdala ng jacket? Ber months na kasi at halos mahangin na rin sa paligid. Mabuti na lang talaga at hindi skirt ang uniform naming mga nasa senior high. Kung nagkataon, baka di na ako makakain kakahawak sa skirt ko para lang di liparin ng hangin.

Patuloy ang pag-oobserve ko sa mga estyudanteng dumadaan. Maging si Jovie na bestfriend ko ay sinasabi saking ang creepy daw ng ginagawa ko. Ewan! Naging one of my habit na rin kasi ang mag-observant sa paligid.

Ilang saglit ay  nahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na lalaki . Katapat sya ng room namin, inaayos ang pagkakahilera ng upuan nila. Si Neil, ang longtime crush ko. Actually popular sya sa campus and I'm sure na hindi lang ako ang nagkakagusto sa kanya.

Well, sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa maputi, medyo singkit at maaamong mukha nya. Medyo kinulang lang sya sa height at may pagkamayabang daw sabi ng mga kaibigan ko.

Naalala ko nung nag-aantay ako ng tricycle pauwi sa amin. Tinarayan nya ako noon at sinabing tumabi raw ako. Nagtimpi lang ako nang mga oras na iyon. Pe--"Ysa, sama ka samin," rinig kong sabi ni Breena, classmates ko.

"Bibili kami ng pagkain sa may canteen. Recess na, oh!" Gulat akong napatingin sa aking relo at oo nga 12:00 na! Sa tagal ko syang tinitingnan, di ko namalayan ang oras. Gumuhit sa aking mukha ang ngiting aabot hanggang mata.

"Sa wakas recess na!"

--

"Ang lakas talaga ng hangin, higpitan nyong maigi ang hawak sa mga palda nyo."

"Buti nalang at naka-pants tayo," saad ni Jovie sa  akin habang tinitingnan ang mga junior high na di magkamayaw kung kakainin ba nila yung binili sa canteen o hahawakan ang mga palda nila.

"Kaya nga eh. Naalala ko tuloy nung Grade seven tayo." Napatawa na lamang kami nang maalala ang mga sarili namin noon.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay napatigil ako. Madadaanan kasi namin ang room nina Neil. At nahihiya ako dahil aware sya sa feelings ko. Hindi naman kasi ako yung tipong gustong manotice ng mga crush nila. I feel contented na tignan lang sya sa malayo dahil alam kong kahit kelan di nya ako magugustuhan.

" Tara na. Mauubusan tayo ng pancake na paborito ni Jea." Nagpatuloy ako sa paglalakad nang marinig ang pagsasalita ng bestfriend kong si Tess. Gusto ko sanang bumalik kaso ayokong malaman nila na umiwas ako kay Neil. Baka mamaya kasi isigaw nila na patay na patay ako kay Neil kagaya nung ginawa nila last year. Nakakahiya! Isa pa, gutom na gutom na talaga ako!

Nakayuko lamang ako habang hinahakbang ng marahan ang aking mga paa. Biglang umihip na muli ang hangin at nasilam ang aking kanang mata.

'Ano ba naman nyan,' inis kong sabi sa isip.
Ihahakbang ko na sanang muli ang aking mga paa nang makita nang kaliwa kong mata ang puting papel sa sahig.

One Shot Stories ✔️ (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora