HAMH15

242 6 0
                                    

Pagkagising ko nakatanggap ako ng isang rose galing kay James na halatang pinitas lamang niya sa garden ni Greg at habang kumakain kami napansin kong hindi pa rin naalis ang ngiti ni James sa kanyang mga labi habang nakatingin sa pagkain niya tapos sa akin titingin

Ano bang sinabi ko kahapon para ngumiti siya ng ganyan? Did I just gave him another chance?

Nang tumingin ulit ako sa kanya ngumiti siya ng napakatamis sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay na binalewala niya lang

"Sabihin mo nga sa akin nagkabalikan na ba kayo ulit ni James at kahapon pa iyan nakangiti? Samantala noong papunta pa lang kami dito halos hindi maipinta ang mukha niya" bulong sa akin ni Kaye na nasa tabi ko. I just shrugged my shoulder 

"Napakarupok mo naman para bumigay agad sa kanya may nalalaman ka pang I want to fix myself" ismid niya sa'kin habang sumusubo ng pagkain niya

"Kain ka na nga lang" sabi ko sa kanya

"Pagkatapos nito kwento mo sa akin ano pinag-usapan niyo sa kwarto mo at kung bakit nakangiti siyang lumabas sa kwarto mo" Anong sasabihin ko sa kanya? Dahil kahit ako hindi ko alam kung bakit siya ganyan. Sinabi ko lang naman na I'll fix myself first. Is it because pumayag ako na he can still visit me here? 

"Ah oo nga pala Mitch bakit naman kay Greg ka tumakbo?" Malakas na tanong ni Kaye habang kumakain kami "Ikaw naman Greg hindi mo agad sinabi sa amin na nasayo pala itong si Mitch. Ano 'yon para masolo mo si Mitch? Ikaw ah" she tease Greg and look to James. Nang tumingin ako sa kanya nawala na 'yong ngiti sa kanyang labi

Is she trying to put some show to make James jealous?

"O-of course not" sabi ni James na nagstutter 

"Really? Then why did you stutter?" tumatawang pangloloko niya kay Greg kaya pinandilatan ko si Kaye pero mukhang hindi niya napansin

"Okay fine. I'm guilty" tumatawang sabi ni Greg kay Kaye

"Why would you do that?" 

"Simple, para masolo ko siya at mabaling ang attention niya sa akin na hindi naman ako nabigo" he coolly said and winked at me that made me flushed

"I'm done eating" sabi ni James at tumayo na sa hapag kainan at lumabas na

Nang makalabas na siya tsaka tumawa sila Warren, Greg at Kaye na pasimuno. I knew it they are teasing him

"If I knew that ganoon siya magselos sana pala sumama kami" tumatawang sabi ni Warren

"That was cool Greg" tumatawang sabi ni Kaye at nakipaghigh five pa kay Greg na ikinailing ko

After nung incident sa kusina kanina habang kumakain kami hindi ko na nakita si James

"Tsk, 'yang mga mata mo kung saan nanaman nakatingin" sabi ni Kaye sa akin ng mapansin niyang wala sa kanya ang attention ko

"Bakit nanaman?" 

"'Wag mo ng hanapin iyang asawa mo for sure umalis na 'yon" 

"Hey, huwag mo namang sirain 'yong kaibigan ko you know how much he regret what he did to Mitch" pagtatanggol ni Warren kay James ng sumabat siya sa sinasabi ni Kaye

"At alam mo din kung ano ang dinanas ni Mitch dahil sa gagong kaibigan mo na 'yon" irap ni Kaye kay Warren "Hindi pa ba siya immune na magselos?" dugtong ni Kaye sa sinabi niya

"Come here Babe" tawag naman niya kay Kaye

"Bakit nanaman?" 

"I'm going to tell you something interesting" sabi ni Warren

"Siguraduhin mo lang na interesting 'yan" sabi niya tsaka lumapit  sa kanya

"What for real?" hindi makapaniwalang tanong ni Kaye kay Warren dahil sa binulong nito sa kanya

"Heheheh. Sorry I didn't know" sabi ni Kaye kay Warren tapos tumingin sa akin ng makahulugan

What's the meaning of her stare?

"Kaya nga stop overacting you might ruin his plan" sabi ni Warren kay Kaye na hindi ko naintindihan 'yong ibang sinabi niya since humina 'yong boses niya

"Oooookay" sabi ni Kaye kay Warren tapos yumakap siya sa kanya

"Babe alis muna ako ha" paalam ni Warren kay Kaye

"Sure" nakangiting sagot ni Kaye kay Warren tapos hinalikan niya sa pisnge bago umalis sa pagkakayakap kay Warren

"Mitch" tawag ni Warren sa aking pangalan para magpaalam kaya tumango ako sa kanya

Ilang oras na ang nakalipas simula ng umalis si Warren kasama si Greg at hindi ko alam kung saan sila pumunta. Si James naman ay hindi parin bumabalik hanggang sarili. Kahit na kanina ko pa siya gustong tawagan pero hindi ko magawa

'Sumuko na siguro siya' malungkot kong sabi sa aking sarili

Hindi na dapat talaga ako umasa sa kanya akala ko ba maghihintay siya sa akin? Pero bakit napakabilis naman ata niyang sumuko sa akin?

"Ugh. Swear this will be the last time na aasa ako sa kanya" sabi ko tapos tinapon 'yong bato napulot ko sa dagat

"Miss mo na ba?" Tanong ni Kaye sa akin

"Bakit ko naman mami-miss 'yong taong walang ginawa kung hindi iwan ako?" I bitterly answered kahit na ang totoo namimiss ko na siya. Napakahina ko talaga pagdating sa kanya

"Alam mo I was wrong about James" umpisa niya "Kasi akala ko siya 'yong tao na walang alam gawin kung hindi pakinggan lang kung ano ang gusto niya even though it was partly true." sabi niya tapos tumingin sa akin. Weighing my reaction "Tapos nung nalaman ko 'yong about sa deal and si Sandy ang kasama niya instead of you I was so angry at him kaya noong pumunta siya sa condo ni Warren I gave him what he deserved for hurting you and he just accepted alll of it he even begged us to tell him where are you kaya noong nalaman niya kung nasaan ka he secretly watched you from a far and endure the pain everytime you are laughing with Greg which is plinano namin na pagselosin siya to see if he really deserve you" nakangiting kwento niya sa akin

Kaya ba parang may nakamasid sa akin? Akala ko napaparanoid lang ako

Napatigil ako sa pag-iisip ng maalala ko 'yong panaginip ko na parang totoo

'Don't tell me it's not a dream?' sabi ko tapos napahawak ako sa labi ko

"Pinapapasok ba ni Greg si James sa kwarto ko?"

"'Yan ang hindi ko masasagot"

"Teka nga hindi ba at kanina para ayaw mo kay James pero bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng 'to?" tanong ko ng mapagtanto ko 'yong sinabi niya sa akin kanina

"Ah 'yon ba? Sinusubukan lang kita kung ano magiging reaction mo"

Hello, Again My HusbandWhere stories live. Discover now